"So, how was your first day of school, Max?" Tanong ni Daddy sa kanya.
Nandito kami ngayon sa hapag-kainan. Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain.
"Hmm, it was good. Well, hindi naman talaga mawawala ang 'introduce yourself' diba, 'lil sis?" Natatawang sagot niya.
I laughed. "Opo, Kuya."
"I heard na umiyak ka raw?" Bulong ni Kuya.
Siniko ko siya at tinignan ng masama, inirapan ko siya.
"Anong umiyak?" Nagtatakang tanong ni Mommy.
Hala narinig niya pala. Tinignan ko si Kuya at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.
"Ah, wala, Mom. May activity kasi kami kanina na maga-act kami." Paliwanag ko at naniwala naman siya.
"Oh sya, sige ipagpatuloy niyo na ang pag-kain." Si Dad.
Pagkatapos namin kumain, umakyat ako sa kwatro ko. Kinuha ko ang phone ko at humiga sa kama. Tinignan ko ang oras, 8:30 pa.
Binuksan ko ang phone ko at in-open ang dating apps ko. Nags-swipe lang ako. Naghahanap ng pogi. Hihi! Nagulat ako nang mag-match iyon.
Agad kong in-oof ang phone ko.Bumangon ako at kinuha ang towel tsaka ako nagtungo sa bathroom. Pagkatapos, lumabas ako at nagbihis. Ginawa ko ang skincare routine ko sa harap ng aking vanity mirror. Pinatuyo ko ang aking buhok.
Humiga na ako sa kama ko at nag-cellphone.
"Ang boring, anong gagawin ko?"
Namalayan ko na lang na tinawagan ko na si Diana.
"Diana, naistorbo ba kita?" Tanong ko.
"Actually, nabo-bored din ako dito." Sagot niya sa kabilang linya.
"Gala tayo? Punta tayo ng bar." Suhestiyon ko.
"Sige, tatawagan ko si Ruth. Tawagan mo na rin si Sierra." Pagsang-ayon niya.
Binaba ko na ang tawag tsaka ako pumunta sa contacts at hinanap ang pangalan ni Sierra.
"Oh? Mia napatawag ka? May problema ba?" Sagot niya sa tawag ko.
"Oo, may problema ako. Namomroblema ako sa kagandahan ko." Natatawang sambit ko.
"Baliw ka! Oh, ano nga?"
"Punta tayo sa bar. Tinawagan ko na si Diana, tinawagan na rin niya si Ruth. Ano game?" Masaya kong sabi.
"Sige na nga. Magbibihis lang ako. Kita na lang tayo doon sa bar." Tsaka niya binaba ang tawag.
Nagbihis na rin ako. Kailangan ko pang mag-ingat sa pagtakas baka kasi 'di ako payagan nila Mom, Dad and Kuya Max.
Pagkatapos kong mag-ayos, dahan-dahan akong bumaba at buti walang tao. Dumaan ako sa likod tsaka dahan-dahan akong lumabas. Nang makalabas ako napatalon ako sa saya dahil nagawa ko ito ng matagumpay.
"Success!"
Naglakad ako palabas tsaka pumara ng taxi. May isang taxi na huminto sa harap ko.
"Sa MSB bar, manong." Sabi ko.
Nang makarating ako sa bar nakita ko sila sa labas ng bar.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...