Chapter 24

397 6 0
                                    

Umilaw ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng isang message, binasa ko ito.



Fr: Drake
Magkita tayo sa park :)



To: Drake
Okay, be right there.



Nag-ayos ako sa sarili ko bago ako bumaba ng aking kwarto. Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa park na sinabi ni Drake.


Pagkarating ko doon sinalubong niya agad ako ng yakap.


"Ayokong mawalay sa 'yo, pero wala akong magawa." Sabi niya sa 'kin habang nakayakap parin.


Kumalas ako at tinignan siya. Naguguluhan ako sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.


"Soon, you'll know why." Sabi niya at pilit ngumiti. Niyakap ko siya dahil ayokong mawala na naman siya sa 'kin.



Bahagya niya akong itinulak at kumalas.



"Maintindihan mo rin ito. I love you." He whispered.



Magsasalita na sana ako, pero agad akong natigilan dahil sa ginawa niya. Tumalikod ito at umalis, ni hindi man lang ito lumingon. Tinawag ko siya, pero hindi pa rin niya ako pinapansin.



"Drake! Sandali!" Napaupo ako at umiyak.



Nagising ako at naramdaman kong may luhang tumulo rin sa aking pisngi mula sa mga mata ko. Umiiyak ako habang tulog ako.



Bumangon ako mula sa pagkakahiga at uminom ng tubig. Pumasok ako ng bathroom at naligo. Nananatili ako ng ilang minuto sa loob ng shower. Hinayaan ko ang tubig na dumaloy sa aking katawan.



Pagkatapos kong magbabad sa loob ng banyo, lumabas na ako at nagbihis. Nag-ayos na rin ako sa sarili ko.



Kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
Binati ko ang mga magulang ko at nagpaalam.



"Mia, ayos ka lang?" Napansin ata ni Mommy ang galaw ko. Tumango na lang ako at ngumiti.



"Have your breakfast first, anak." Sabi ni Dad.



Umiling ako, "'Wag na, Dad sa school na lang ako kakain." Sabi ko at humalik na sa kanilang pisngi at lumabas ng bahay.



Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko agad ko itong pinaandar at pinaharurot ang sasakyan. Pagkarating ko sa school, agad akong nag-park at lumabas ng sasakyan.



Naglalakad na ako patungo sa room nang biglang may umakbay sa 'kin. Tinignan ko lang si Blake at hindi pinansin.



"Uy! You okay?" Tanong niya. Iniwaksi ko ang braso niya na nakaakbay sa 'kin at binilisan ang paglalakad.



Pumasok na ako ng room at dumiretso sa upuan ko at umupo.



Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon