Nakahiga na kami at nakatingin sa mga bituin. The stars shine brightly in the sky. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa kanyang braso, inayos niya naman 'yun. Hindi naman siya nagreklamo kaya hindi ako umalis at nanatili sa ganoong posisyon.
"Bakit mo nasabi 'yun?" Tanong ko. I broke the silence.
"What?"
"'Yung rule."
"Nothing, I just saw you with other guys and I think it is unfair."
"Saan mo nakita?" Hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako. "Hmm, why is it unfair? Hindi ka ba ganoon?"
"No. Since, the deal started I think it would be fair."
I nodded. Natahimik ulit kami.
I fell asleep.
"Mia, wake up." He sighed. "Mia, it's time to go home. Let's go."
Minulat ko ang mata ko at mahinang kinusot iyon. Tumango ako. Tumayo na ako at bumaba. Sumunod naman siya sa 'kin. Sinara niya ang tailgate ng kotse niya.
Nauna na akong pumasok sa shotgun seat. Pumasok na rin siya pagkatapos iayos ang likod ng sasakyan.
"Can you just leave the windows open?" I asked.
Tumango naman siya. Kinonek niya ang phone niya sa bluetooth player sa car niya. Nag-play siya doon ng kanta.
Buong ride pauwi tahimik lang kami.
"No strings attached." I whispered, making sure he won't hear it. I reminded myself.
Kinabukasan, gumising ako around 6 o'clock. I immediately went to the shower and took a bath. Pagkatapos, nag-skincare ako. Paglabas ko ng bathroom, nagbihis agad ako ng uniform. I brought my P.E. uniform with me dahil may P.E. subject kami ngayon.
Pagkatapos kong mag-ayos, I grabbed my bag and went to the dining area.
"Nasaan si Kuya, Manang? Tanong ko pagkaupo.
"Nauna na, hija. Sige, kumain ka na diyan. Kunin ko lang ang gatas mo." Ngumiti siya sa 'kin bago lumabas ng dining area.
Sinimulan ko nang kumain. Dumating na rin si Manang at nilapag ang gatas sa tabi ko.
"Thanks, Manang."
"Walang anuman, hija." Lumabas si Manang sa dining area.
Pagkatapos kong kumain, nagtungo ako sa bathroom dito sa baba para mag-toothbrush at mag-retouch.
"Manang! Alis na po ako. Bye!"
"Sige! Mag-iingat ka!" Sigaw niya mula sa kusina.
Nakita ko si Manong Lucio sa labas kaya nagpahatid na lang ako dahil tinatamad akong magdrive. Pagkarating ng school, nagpaalam ako at bumaba.
"How's your sleep?" Napapitlag ako nang tumabi si Adrian sa akin.
"Okay lang naman, ikaw ba?" Nakatingin lang ako sa harapan.
"Hmm, good." Mahina akong tumango.
"I have to go, sa itaas pa ang floor ninyo diba?" Tumango siya.
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...