"Sige, mag-iingat kayo, ah. Thank you sa inyo." Nakangiting sambit ko.
"No problem, basta we enjoyed the night." Ani Sierra.
"Bye!" Sigaw nila.
Pinaharurot ni Sierra ang sasakyan niya. Nagdala pala ito ng kotse noong pumunta ito sa bar.
Umakyat na ako ng dahan-dahan sa gate. Nagtagumpay ako sa pag-akyat. Dumaan ako sa likod ng kusina. Umakyat na ako sa kwarto ko at dahan-dahan kong sinara ang pinto.
Naghilamos muna ako bago natulog.Kinabukasan, nagising ako sa alarm ng phone ko, pinatay ko ito. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit pagbangon ko.
Pumunta ako sa banyo para maghilamos. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Manang Karen.
"Good morning, hija." Nakangiting bati niya.
Ngumiti ako tsaka bumati pabalik sa kanya. "Good morning, Manang."
"Oh, uminom ka na ng gatas mo."
"Ah, Manang. May biogesic ba dyan?" Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Lumapit siya at hinawakan ang noo ko.
"Masakit lang 'yung ulo ko, manang."
Binigyan niya ako ng gamot at tubig.
"Salamat." Nakangiting sabi ko.
Pagkatapos kong mag-almusal, dumiretso ako sa kwarto ko at nagtungo sa banyo para maligo. Lumabas ako ng banyo tsaka nagbihis. Nag-apply ako ng moisturizer at light make-up. Kinuha ko ang mga gamit at nilagay sa bag bago ako bumaba.
Naabutan ko si Kuya na nag-aalmusal.
Binati niya ako."Sabay na tayo, bunso." Sabi niya at ipinagpatuloy ang pag-kain.
"Sige, Kuya. Hihintayin na lang kita sa kotse." Binigay niya ang susi ng kotse niya.
Lumabas ako ng bahay at binuksan ang kotse ni Kuya. Pinindot ko ang car stereo, nagsa-sound trip ako habang hinihintay ko si Kuya Max. Binuksan ko rin ang phone ko at may nakita akong message.
Fr: Unknown Number
Hello! Good morning, Mia. :))
"Sino ba 'to?"
To: Unknown Number
May I know who's this?
Fr: Unknown Number
It's me, Jonathan Celva
BINABASA MO ANG
Because Of You
Teen FictionIsang babaeng hinahangad ang maging masaya. Ngunit sa isang iglap bigla itong napawi dahil sa pagmamahal. Isang tipikal at simpleng pag-iibigan. Nawasak. She loved him. He broke her. She cared. He didn't. Nagbago siya nang dahil sa kanya. May dadat...