STIUTL 12

229 5 0
                                    

« Darren's POV »

“Pano ba 'yan, Darren. I will go back to Manila na.. 1 week has ended.” sabi sa 'kin ni Aliyah.

Ngayon na kasi ang balik niya sa Manila. Oo, tapos na ang 1 week. Nagpaalam ako kay ate Alyanna na hindi ako pupunta sa bahay nila ng 1 week. Buti naman at pumayag siya.

Napakasaya ng 1 week namin, kasi ang dami naming ginawa! Sinulit namin yung times na magkasama kami.. ito kasi si Aliyah, bata pa lang kami mag best friend na kami kaya ganito kami ka-close.

“Sss. Okay lang 'yun, okay na yunv 1 week. Ingat ka 'dun, ah! Tapos pwede pagbalik mo, dala mo na yunh future mo? Eh naiinis  na 'ko na puro ako pinagti-tripan mo eh! Tss.” biro ko sa kanya kaya agad naman niya akonv binatukan..

“Sira,” bulyaw niya. “Pero pwede din.. Kasi alam mo ba 'dun sa Canada? May lalaking nanliligaw sa 'kin 'dun.. Ang gwapo niya, mayaman.. matalino at mabait.”

“Oh, eh ba't 'di mo pa sagutin?” tanong ko.

“Ehh! Ayoko pa. Hard to get ang lola mo! Tsaka, 2 months pa lang siya na nanliligaw eh. I think.. kapag mga 5 months. Ganun. Hahaha! Kasi kapag naging kami na niyan, mawawala na yung sweetness niya. Tsk.”

“2 months? Anong problema sa 2 months? Alam mo, wala sa tagal 'yan. 'Pag mahal mo, mahal mo. Wala nang arte! At tsaka, kapag naging kayo mawawala sweetness niyo? Eh kesa naman mawala na kaagad yung sweetness niya eh nanliligaw pa lang siya? Bahala ka.. kung ako sa'yo 'di ko na pakakawalan 'yan.” payo ko sa kanya. Naks! Love expert! Hahaha!

“Eh, nato-torpe ako eh!”

Torpe. Ano ba 'yan! Natamaan naman ako 'dun bigla! Kainis talaga 'to si Aliyah eh!

“Bahala ka na diyan! Oh sige na, ayan na driver mo! Ingat ka ah! Bye!” paalam ko.

“Bye!” tapos sumakay na siya.

Wala na si Aliyah, so kailangan ko nang bumalik 'dun kanila ate Alyanna. Teka, si Madi kaya? Kamusta na? Uy namiss ko rin siy– namiss ko rin yung kasungitan 'nun ah? Hahaha!

Pumara na 'ko ng tricyle at pumunta na sa bahay nila Madi.

“Hello manang! Kamusta na po?” bati ko kaagad kay manang na nagluluto..

“Oh, Darren! Nandito ka na pala. Okay lang ako. Ikaw, kamusta ka na? Naka-alis na si Aliyah?” tanong niya.

“Ah, opo eh. Sige po, 'dun na po ako.” paalam ko at pumunta na kanila Jacob.

“Darren, bro! Tagal natin nawala diyan, ah?” bati niya kaagad sa 'kin.

“Pssh. Parang 1 week lang eh.”

“Hahaha, nga pala yung mahal mo.. napakatahimik nitong mga nakaraang araw pano? Wala ka eh? Hahaha! Naks! Haba ng hair! Torpe mo lang kasi eh!” pabulong na sabi niya.

“Ogag ka talaga, Jacob. Manahimik ka nga! Hindi ko mahal si Madi 'no? 'Wag ka ngang ano!” hindi nga ba?

“Huue! Torpe ka lang kasi, eh! Sige na! Puntahan mo yung mahal mo 'dun sa kwar– aray naman!” binatukan ko kasi siya.

“ 'Wag kang ano ah! Kundi,” pinakita ko yung kamao ko. Tapos naglakad na 'ko palayo.. Pero biglang tumunog yung cellphone ko. Baka si Aliyah 'to. Sus, kaa-alis nga lang na-miss ako kaagad? Tsk.

[ Bzzt. Bzzt. ]

From: Ma'am Madi
Hoy! San ka galing?! Isang linggo kang wala dito ah!

Uyy. May naka-miss pala sa 'kin dito. Hahaha! :-P

At dahil wala akong load, tinignan ko muna yung bintana nung kwarto niya. At nakita ko siyang nakatingin ng masama sa 'kin habang hawak yung phone niya. Nginitian ko siya, pero bigla na lang siyang umalis..

At inuulit ko, sa kadahilanang wala akong load.. pinuntahan ko siya 'dun sa kwarto niya.

[ Knock. Knock. ]

“Ginagawa mo rito?” masungit niyang tanong.

Lumapit muna ako sa kanya at akmang magsasalita na 'ko ng pigilan niya 'ko.

“Sino nagsabing pumasok ka dito, ha?”

“Oh? Bakit bawal na?” pabalik kong tanong.

“Heh,” nag smirk siya. “Matagal nang bawal.. So, alis ka na. Shuu!” tapos tinulak niya 'ko palabas at isinarado yung pintuan.

Ang arte naman? Siya na nga 'tong sinusuyo, eh! Hay. Mga babae talaga! Tss!

Ah, alam ko na! Hahaha! Galit lang sa 'kin 'yun kasi na-miss niya yung luto ko, yung greet ko kada-umaga. Hahaha! Wow, hangin.

—xx

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now