« Athena / Madi's POV »
Ugh! Hindi ako makatulog! Bwiset! Bakit? Eh, 'pano ba naman?
Napakalakas ng ulan! Tapos may kasama pang kulog at kidlat! How happy right? Tss.
[ Insert frog's tone ]
“Ano 'yon?!” tanong ko.
[ Insert frog's tone again ]
“WAHH!” tili ko at lumabas ng kwarto ko.
« Darren's POV »
Nakakainis naman 'tong ulan na 'to! Paulan-ulan pa kasi eh.
Nagising ako dahil sa napakalakas na ulan.. At dahil nagising niya ako lumabas muna ako ng kwarto ko para uminom ng tubig.. Oo, ganun talaga ako.. Kada pagkagising ko, umiinom ako kaagad ng tubig.
Pagkapunta ko ng kusina bigla akong natumba..
Teka, sino 'to?
« Athena / Madi's POV »
Tumakbo papunta sa kwarto ni Darren.. yung kwarto ni Darren, dadaanan mo muna yung kusina at konting lakad.. tapos kwarto na niya.
Habang tumatakbo ako, tinitignan ko yung likuran ko.. baka kasi mamaya.. yung palaka eh! WAHH! Grabe kasi talaga takot ko sa mga palaka. Kahit maliit. Basta palaka! Grabe. 'Di ko kinakaya! Pagkakaalam ko pa nga 'nun eh, nung bata pa ako nung ibinalot sa dyaryo nung kalaro ko yung palaka tapos binigay sa 'kin. Sabi niya regalo niya daw, ayun ah. Tatlong araw akong nilagnat. Huue!
At dahil tanga ako, kahit sa pag-ibig. Paglingon ko sa harapan ko, may tao na pala! Kaya 'yun.. nadaganan ko siya. Eh natisod pa naman ako! Naku! Shete. Tanga kasi– sino 'to?
“Sino ka?/ Who are you?” sabay naming tanong..
Kinapa-kapa ko yung mukha niya.. yung mata niya.. Singkit. Yung lips niya.. Ang l-lamb– tse! Tama na nga! Kilala ko na, okay?!
“Darren?/ Madi?” sabay ulit naming tanong.
Pagkatapos naming magsalita biglang bumukas yung ilaw..
“Darren? Athena? Anong ginagawa niyo diyan?” tanong ni manang sa 'min.
“A... E... I... O... U?” sabi ni Darren.
“Ah– ah manang wala! Ahm, natumba lang.. n-natumba lang kami. Sorry. Eh ikaw manang? Anong ginagawa niyo? Ba't kayo lumabas?” tanong ko tapos tumingin kay Darren.
Hiyang-hiya na 'ko sa posisyon namin ah!
“Magsi-cr lang sana.. kaso umurong na eh. Sweet niyo kasi. Hahaha! Sige na nga! At matulog na kayo.” tapos pumasok na siya ulit sa kwarto niya.
Nababaliw na 'ata si manang ah? Pansin ko lang this past few days.
Dali-dali akong tumayo at umupo sa upuan.
“What do you think you are doing?” masungit na tanong ko sa kanya.
“Huh? Wala naman. Bakit?”
“Hay! Slow! Gwapo sana eh. Tsk.” sabi ko.
“Sabi mo?”
“Ugh! Wala!”
Kumuha siya ng baso tapos pumunta sa water dispenser at kumuha ng tubig..
'Diba sabi ni manang nahihiya daw si Darren sa 'kin? Eh, ba't parang..
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning