Chapter 38— Arrival
« Darren's POV »
Its been 1 week since nakabalik kami dito sa Manila. At puro stress na naman ang sumalubong saakin.
"So, how's the visitation? Okay na ba sainyo yung lugar?" tanong ni President Alyanna.
Nandito kami sa isang meeting with the president. Tinitignan kung lahat ba agree 'dun sa lugar na pagtatayuan nung building.
"Well for me, its okay. Okay yung lugar na 'yun. Sakto siya." sagot ko.
"Kung ako ang tatanungin, hindi siya okay." sabi naman nung isa.
Napakunot ang noo namin doon.
"But why?" tanong ni President Alyanna.
Tumayo siya at pumunta sa harapan.
"Ipapakita ko sainyo kung bakit. Watch and learn Mister Espanto." sabi niya sa 'kin tapos nag-smirk.
He's Mr. Martinez. May galit sa 'kin 'yan. Kasi dati, dapat siya ang mapo-promote as CEO. Pero 'pag sinu-swerte ka. Ako ang na-promote. May katwiran siya, mas matagal daw siya dito eh.
"Look at it, masyado siyang maliit." panimula niya. "Yes, let's say na kasya yung building. How about the parking lot? Napakaliit. Mabibilang mo na nga lang yung mga sasakyan na makakapag-park dyan eh."
Tapos 'yun, nagsalita siya ng nagsalita. Hays.
"Hindi naman kasi kailangan malaki, its just a Tagaytay Branch. We have Manila Branch. Ito, kailangan malaki talaga 'to. Tsaka, isipin mo nga Mr. Martinez... malaki na yung na-invest ng Tuazon's dyan. Bakit? Ganun ba kakapal ang mukha natin para gumawa ulit ng proposal at huminga ng pandagdag? Kilala mo ang mga Tuazon's Mr. Martinez. Mahirap silang makipag-close sa isang deal until hindi nila gusto kung saan 'yun gagamitin." defend ko naman. At tinungkod ko yung kamay ko sa table.
"Okay. So i think i have to dismiss this. I have an emergency meeting. Let's talk about this maybe, tomorrow." sabat ni President Alyanna at lumabas na ng conference room.
Pagkalabas niya, tinignan ko muna sila at lumabas na din ako. Mase-stress lang ako sakanila. Hay!
« Athena's POV »
Nandito lang ako sa office ko, nakatutok sa laptop ko pero wala naman akong ginagawa. Actually, nagi-internet lang ako. Wala kasi si Darren, he's in a meeting with the staffs. And with ate.
Pansin ko lang, hindi na tumatawag si Alecson ah. Hay, baka pagod lang.
"Athena, any meetings?" sabi ni sir Darren pagkapasok niya sa office ko.
Ay? Walang pasintabe?
"Uhm, appointment po with Ms. Ramirez. And, done na po." sagot ko.
Nakita ko siya nakaupo lang 'dun sa sofa at nakapikit. Ano 'to? Natutulog?
"Sir Darren?" sabi ko.
"Sir...." sabi ko ulit tapos nagsalita na siya.
"Madi...." sabi niya pero nakapikit parin.
"Darren." sagot ko. Tulog siya.
"Oh, uh. S-sorry. Ano nga ulit 'yun?" sabi niya at umiling-iling pa.
"Appointment na lang po with Ms. Ramirez. Tapos wala na po." sagot ko.
Nanatili lang siya 'dun sa sofa at nagpo-phone. Seriously? Wala siyang balak umalis?
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning