« Athena / Madi's POV »
• 5 days later •
“Alyanna, i will be honest. Very honest. Lumalaki na ang bukol sa utak ni Athena, at kailangan ng maoperahan 'to. As much as possible.”
Malinaw na malinaw sa tenga ko ang mga pinagsasabi ng doctor. Sinugod kasi ako kahapon sa ospital dahil nahimatay at sumakit ng todo yung ulo ko.
“Opera na lang po ba talaga, doc?” tanong ni ate.
“Oo, opera na lang ang natitirang solusyon.” sagot naman ni doc.
Pagkatapos mag-usap ni doc at ate, ako naman ang kinausap ni ate.
“I guess, narinig mo naman yung mga sinabi ni doc.” panimula ni ate.
“I heard it all. Mamatay na 'ko ate.” seryosong sabi ko.
“No.. shh.. 'Wag mong sabihin 'yan, hindi ko hahayaang mangyari 'yun. 'Wag kang mag-isip ng ganyan.” sabi niya at niyakap ako.
Yakap lang ako ni ate habang umiiyak ako.
“I will book a flight papuntang New York. Sige na, 'dun na lang kita pao-operahan. 'Dun na lang tayo titira, okay?” biglang sabi ni ate.
“Ate.. no.. Hindi. 'Wag na. Dito mo na lang ako pa-operahan. Dito na lang, please. Ayoko sa New York.” pag-insist ko.
“Athena.. this is for your own good. 'Diba ito rin naman yung gusto mo?”
“Dati 'yun ate eh, 'wag na ngayon.”
Ayoko nang pumunta ng New York, 'pano yung mga tao dito? Napamahal na sila sa 'kin! Hindi ko na nga 'ata kaya silang iwan eh. Basta!
Oo na, sige na! I admit. Si Darren, iniisip ko pa lang na aalis na 'ko parang mamatay na 'ko. Inaamin ko, gusto ko si Darren. Napapangiti niya ako, at tinulungan niya akong makalimot about sa nangyari 'nun kanila JK. Gusto ko siya! Pero hindi sapat yung "Gusto Ko Siya" hindi ko pwedeng aminin sa kanya. May sakit ako. At oo, ooperehan ako. Pero hindi tayo sure kung magigising pa ba ako 'nun. At ayokong paasahin si Darren. Dahil baka mamaya, itong nararamdaman ko. Eh nadala lang naman pala ako ng kasiyahan ko.
« Darren's POV »
“Pansin ko lang.. hindi ko na nakikita si Athena ah? Nasan kaya 'yun? Pati si ate Alyanna, 'di ko na nakikita.” sabi ko habang nag-uusap kami ni Jacob.
“Baka bulag ka na, hahaha! 'De biro lang. Baka naman bumalik ng Manila. Darren, kung sakaling bumalik na ng Manila si Athena.. anung gagawin mo?” bigla niyang tanong.
Ano nga bang buhay ko 'pag bumalik na si Athena sa Manila?
“Syempre malulungkot, ikaw ba naman? Yung babaeng ilang buwan mong kasama.. ipinagluto ng almusal, yung babaeng palagi mong pinapasyal. Yung tinutulungan mo sa problema niya. Tapos mawawala lang lahat sa isang araw na pagbalik niya sa Manila?” seryosong sagot ko.
“Ehem! Huue! Lalim. Sandali Darren, ba't ang lalim ng hugot? 'Di kaya nahuhulog ka na kay Athena?” at nagulat naman ako 'dun bigla.
Ako? Mahuhulog kay Athena? Pwede din. Pero aish! Hindi! Hindi pwede! -__________-
“Huy! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo Jacob! Ako? Mahuhulog 'dun sa malditang 'yun?” tanggi ko.
“Eh ba't defensive ka? Huue! Darren! Kilala kita, oy! 'Wag ka na ngang torpe! Tss!”
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning