Chapter 42—Darren
(A/N: Ey guys! So, i think this chapter is... may mangyayaring alam naman natin na hindi talaga mangayayari. (Ano daw?) May gagawin kasi si Darren na alam naman nating hindi niya gagawin. 'Di ko na sasabihin sainyo! Pero, hindi naman 'yun totoo. So just bare with me please? Hindi naman siya SPG.)
« Darren's POV »
2 days has passed simula nung umuwi na kami dito sa Tagaytay.
At wala munang pasok 'dun sa company. Pahinga muna."Darren, ano nga palang nangyari nung... nasa Ilocos tayo? Eh 'diba sinundan ka ni Athena 'nun? May napag-usapan ba kayo?" tanong ni Jacob.
Nandito kami ni Jacob sa isang bar? Ewan ko dito! Siya nagdala sa 'kin dito eh.
"Wala." sagot ko.
"Ano nga?!" pangungulit niya.
"Wala nga."
"Darren! I know you, may nangyaring hindi maganda 'no?"
"Okay, fine! Nagkasagutan kami ni Athena 'nun."
"Tungkol saan?"
"About 2 years ago," sagot ko. "Sinabi ko sakanya lahat. Nilabas ko lahat yung galit ko sakanya."
"Alam mo ba na kagabi, nakikinig ako sainyo? At alam ko talaga lahat ng pinagsasabi mo sakanya."
"Eh alam mo naman pala? Nagtanong ka pa." pilosopong sagot ko at umirap.
"Pre, ano ka ba? Ba't mo sinabi sakanya 'yun? Hindi sa minamaliit ko yung pinagdaanan mo noon, pero Darren i swear. Mas mahirap yung pinagdaanan niya." napalingon ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" tanong ko.
"Darren, nung mga panahong umamin ka sakanya mahal ka na talaga niya. Mahal na mahal. Natakot lang siyang sabihin sa'yo kasi alam niyang aalis siya. Ayaw niya kasing iniiwan ang mahal niya."
"Eh ano yung ginawa niya? 'Diba iniwan niya ako?"
"Sandali lang kasi pare! Patapusin mo muna ako. Pumunta siya ng New York dahil may importante siyang ginawa."
"Ano? Ang maghanap ng boyfriend? Impo—"
"Nagpa-opera siya."
Ano? Ano namang ipapa-opera niya?
" 'Dun siya pina-operahan ng ate niya. Because that time, she has brain tumor."
Brain tumor
Brain tumor
Brain tumor
"What? Brain tumor?" tanong ko.
"Yup. Brain tumor. 'Dun siya pina-operahan ni ate Alyanna. Buti na nga lang nagising pa siya. Tinago niya sa'yo 'yun, Darren. I mean, saatin."
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning