Chapter 35- We meet again Tagaytay!
« Athena's POV »
Pagdilat ng mata ko, tumitig muna ako sa kisame. Tapos bumangon nadin.
Tumingin ako sa orasan. 7:45AM. Sht! 7:45?! Ay walang'ya. 8:00 ang alis namin ni sir Darren! Shemay.
"WAHH! Aray! Ang sakit." sabi ko habang hinihimas yung bandang likuran ko.
"Oh? Athena? Okay ka lang?" bumuluga saakin yung mayordoma.
Oo, madami talagang maids dito sa bahay. Gusto niya kasing palagi maraming kasama sa bahay. Gusto niya na may kasama ako kapag wala siya. At sure naman kami dito sa mga 'to, dahil ultimo family background inaalam ni ate.
"O-okay lang, ate May. Psh. Masakit lang ng kaunti yung likuran ko." sagot ko.
"Okay? Sige. Ay, nga pala. May naghihintay sayo na gwapong lalaki 'dun sa baba." at bigla naman akong nagtaka 'dun.
"Ha? Sinong..." pumasok sa isip ko si sir Darren. "Shems. Sige, ate May. Maliligo lang ako. Babye!" sabi ko ulit at isinarado na yung pinto.
Dali-dali akong naligo at nag-ayos. Pano kung si sir Darren nga 'yun? Naku! Lagot na. Alam niyo naman kung gaano kasungit 'yun 'diba? Hays. Kasalanan ko rin naman 'yun 'diba?
"S-sir Darren, y-your here. G-good morning. I'm s-sorry, late ako gumising." nakangiting sabi ko sakanya pagkababa ko.
Yes. Its Darren. Sir Darren. Naabutan ko siyang nakatayo lang sa tabi ng kotse niya. Tapos naka-sunshades pa. Infairness, ang gwa- nakasimangot siya. Naku, deads na naman ako nito.
"Next time, make sure na nase-set mo yung alarm clock mo nang maayos, okay? Tss." sabi niya tapos sumakay na sa driver seat.
Pumunta muna ako 'dun sa likuran para ilagay yung mga gamit ko at sumakay na sa passenger seat.
"Okay na ba lahat 'dun? Baka naman mamaya, walang tao pagdating natin 'dun? Tsaka yung mga papers na pinagagawa ko sayo, okay na ba? Make sure tapos na 'yun ngayon. Kasi pagdating na pagdating natin dito, aayusin na natin 'yun. Yung proposal? Okay na?" sunod-sunod na tanong niya.
Imfairness naman, ang dami niyang pinagagawa. Ano ako? Machine? Tss.
"First of all po, okay na po lahat 'dun. Na-text ko na po sila na dadating po tayo kasama si Aliyah. And second po, okay na po lahat ng papers. Nagawa ko na. Yung proposal, okay na din po. Nothing to worry. Ginawa ko na po lahat kagabi kaya na-late ako gumising ngayon." sagot ko naman at ngumiti.
"Tss. Sinung nagtanong kung kailan mo 'yun ginawa?" pilosopong sabi niya.
Mula sa pagkakangiti ko, ramdam kong bigla itong nawala at napalitan ng pagkakasimangot ko.
"Pilosopo." bulong ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya.
"Ha. Ha. Ha. Hindi, wala po." sabi ko at pasimpleng umirap.
Natulog na lang muna ako dahil wala naman akong ginagawa.
"Athena, wake up." alog saakin ni sir Darren.
"Ha? Nandito na po ba tayo?" tanong ko.
"No, nandito lang tayo sa Pancake House. Kain muna tayo." tapos nauna na siya.
Bumaba na ako at pumasok na kami ng Pancake House. Seriously? Anung gagawin namin dito? Kakain malamang. Psh.
-__________-"Pancake House? 9:09AM?" tanong ko.
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning