Chapter 43—The Breakup
« Athena's POV »
Its already 9:45PM here in New York. At kararating ko lang din dito sa bahay namin nila Louise. Si Louise lang ang sumundo saakin since busy si Lori. Even si Alecson.
"Couz! Ano? How's Philippines? Ano? Bati na ba kayo ni Darren?" tanong niya pagkapasok niya ng kwarto ko.
"Tsk. Louise, pwede ba? 'Wag ngayon." sabi ko tapos tumagilid ng higa.
"Ay. Okay, looks like something's not good." sagot naman niya.
Kinabukasan, pumunta ako sa bahay nila Alecson. Alam ko nandun 'yun, its Saturday. Walang pasok. I want to surprise him, lalo na't hindi niya alam na pumunta ako dito.
I was about to knock at the door, ng narinig ko sa labas na nagtatawanan sila. Marami sila eh? Oh, siguro kasama ni Alecson yung friends niya.
Hindi naka-lock yung door knob nila, so binuksan ko na 'yun.
"Surprise Alec—" hindi ko na natuloy yung isisigaw ko.
I saw Alecson, with Aliyah, Lori, and with this anonymous girl. 'Di ko siya kilala eh. Tapos nandito din yung ibang friends ni Alecson. And worst is, naka-akbay si Alecson 'dun sa babaeng hindi ko naman kilala.
Aliyah? Anong ginagawa ni Aliyah dito? Si Lori? Ano ring ginagawa niya dito?
I'm still quiet. Walang salitang bumubuga sa bibig ko.
"Alecson, can you tell me who is she?" tanong nung babae.
"She—"
"Athena, and you?" pagputol ko.
Lumapit siya sa 'kin, "Georgette. Alecson's girlfriend." sabi niya.
Georgette? Alecson's girlfriend? Tss. Is she foolin' me?
"A-ah, okay." sagot ko at tumalikod na.
Sa pagtalikod ko, agad-agad na pumatak yung pesteng luhang 'to.
At naramdaman ko rin na sinundan ako ni Alecson.
"Athena, wa—"
[ *Pak!* ]
"Bakit? May ii-explain ka ba?! Hindi na! I don't need your explanation! Malinaw na sa 'ken! Malinaw na sa 'ken na niloko mo 'ko! Tinaymeran mo 'ko!" galit na sabi ko pagkatapos ko siyang sampalin sa mukha.
Nakayuko lang siya.
"Bakit? Bakit mo 'to nagawa sa 'ken Alecson? May mali ba?! Is there something wrong with me at nagawa mo 'to sa 'ken?!" sabi ko ulit.
"A-athena, no... walang p-problema sa'yo, its with me—"
"Oh, c'mon Alecson! Yes, your right! Ikaw ang may mali, there is something wrong with you!" sabi ko ulit.
Nakayuko lang din silang lahat dito... mga manloloko!
"I hate—"
"C-couz, tama na please?" singit naman ni Lori.
"Isa ka pa! Couz? Cousin? Pinsan? Ikaw, pinsan kita! Ka-dugo, kamag-anak, kapamilya at pinagkakatiwalaan kita! Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin lahat ng 'to?! Kasi mas mahalaga sa'yo 'yang kaibigan mo?! Ha?! Ano?! Sumagot ka?!" bulyaw ko naman sakanya.
"Alecson, ano ba kasi 'to? A-ano bang nangyayari dito?" maarteng tanong naman nung Georgette.
"Anung nangyayari? Well, para sabihin sa'yo GEORGETTE... ako lang naman ang girlfriend ni Alecson. The real girlfriend. Tsaka, pwede ba? Ilugar mo 'yang kaartehan mo?! Hindi bagay! Katulad ng panlalandi mo, ilugar mo! Landiin mo yung single! Hindi yung nagpi-feeling single! 'Yan ang tandaan mo!" inis na sagot ko.
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning