« Athena / Madi's POV »
Nagising ako nang wala nang tao sa tabi ko.. si JK, nasa couch natutulog pa.
Hay. Ang kulit niya talaga..
Kinuha ko yung phone ko.. 7:45 am. At napakadami ko na ring missed calls and texts.
From: DarrenTot 😜
Madi? Nasan ka ba? Alalang-alala na sila sa'yo dito. Nasan ka ba? Uwi kana. Puhlease?Isa 'yan sa mga texts na na recieve ko.. hay. Sigurado ako magagalit si ate nito.
“Athena? Ay, gising ka na pala.. sorry sorry. Uhm, baba lang ako. Mag-aayos para sa breakfast natin.” biglang sabi ni JK at lumabas.. kagigising niya lang.
To: DarrenTot 😜
Babalik ako, promise.Reply ko kay Darren.. Hay. Ano na kayang nangyari 'dun?
Bumaba na ako at nakita ko si JK na inaayos na yung lamesa para kumain..
“Oh, Athena.. Kain ka na.” sabi niya tapos pinaupo na 'ko.
Pancakes na binili sa McDonald's? Tsaka coffee din na binili sa McDonald's? Bumibili lang siya.
“Pumunta ka pa McDo para lang bilhin 'to?” tanong ko.
“Oo eh? Wala na kasi akong maluluto.” sagot niya.
Tumayo ako at tinignan yung fridge niya. Tubig lang ang laman..
“Wala kang groceries?” tanong ko.
“W-wala eh. Sige Athena.. kain ka na.”
Tumango ako at bumalik na lang ulit sa upuan ko..
Nakakapagtaka.. bakit parang hindi na naaasikaso ni JK 'tong bahay niya? Nasan ang mga maids?
« Darren's POV »
Alam niyo, ito ang unang umaga na hindi ko napaghanda ng almusal si Madi kahit na nandito naman ako sa bahay nila.. nasan na ba kasi 'yun? Hanggang ngayon 'di pa rin umuuwi. 'Di kaya naglayas 'yun?
Hindi rin, eh bakit naman siya maglalayas? Wala naman siyang problema 'diba? Tsaka may kasalanan pa 'ko 'dun ah?
[ Ting! ]
Kinuha ko yung cellphone at tinignan kung sino ang nag-text.
From: Ma'am Madi
Babalik ako, promise.Nag-reply siya! Huue! At dahil 'dun, nakahinga ako ng maluwag. So ibig sabihin okay lang siya! Pero kailan naman siya babalik? Ays. Pabitin!
Naisipan ko siyang tawagan..
Calling Ma'am Madi...
At may sumagot..
[ Hello? ] sagot niya pero boses lalaki. Bakit lalaki ang sumagot?
“H-hello, s-sino 'to? Bakit nasa'yo cellphone ni Madi?” tanong ko.
'Kala ko makakahinga na 'ko ng maluwag, kaso hindi pa pala!
[ Uhm.. ] pagkasabi niya nang mga katagang 'yan, may narinig akong sumigaw na babae.
[ Juan Karlos! ] rinig kong sigaw nung babae tapos 'yun. Namatay na yung call.
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning