STIUTL 31

242 7 0
                                    

« Athena's POV »

“Ate, kailangan ba talaga 'to?” tanong ko.

“Yes, kailangan 'to Athena. Sakto naman ang pagdating mo kasi nag-resign yung secretary ng CEO dito sa Manila Branch. Which is, our main office.” sagot naman ni ate.


Ano namang alam ko sa pagse-secretary? -_______-


“May magagawa pa ba ako? Aish.” sabi ko.

Naka-ayos na 'ko. And i'm ready to show off.


“Athena, let's go. Male-late ka na.” sabi ulit ni ate.


Lumabas na kami at sumakay ng kotse, hay! Sino kayang magiging boss ko? Sana naman mabait siya. Kundi... hindi ako mag-aatubiling mag-resign!


Nang makarating na kami sa building ng Reyes Corp. Na-amaze ako, ang laki pala. To be honest, ngayon lang ako nakapunta dito. 'Di ako pumupunta dito, may mas gusto kasi akong gawin kesa pumunta dito 'no!


“ 'Dun pa tayo sa taas, let's go.” sabi ni ate at nauna nang maglakad.


Habang naglalakad kami, ang daming bumabati kay ate. Kay ate lang. =_______= Mukha ba akong katulong? Sabagay, secretary nga pala ako. Ugh!


At hindi rin maipagkakaila na maraming nakatingin sa 'kin at pinag-uusapan ako. Ganda ko po kasi eh. Kbye.


Pagkalabas namin ng elevator, itinuro na sa 'kin ni ate yung office ng CEO at office ng secretary.


“This is the office of the secretary, which is your office. At ito naman, this is the office of the CEO which is your boss. Madalas akong wala, madalas nasa business trip kaya masanay ka na na ang boss mo ang makakasama mo, okay?” sabi niya.

“O-okay?” sabi ko naman.


At dahil pinadala na ni ate yung mga gamit na ilalagay ko dito sa office ko. Inayos ko na iyon. Inilagay ko yung picture frame namin ni Alecson sa table ko. At yung mga chuchu!


Pagkatapos kong mag-ayos, napansin kong hindi pa dumadating yung CEO, i mean si sir. Anung oras ba pasok 'nun? 8:00AM na wala pa din. Hay!


“Athena, its my free time. Breakfast tayo? Tara!” muntikan na akong mapatalon ng pumasok si ate sa office ko. Manggulat daw ba?


Pumayag ako at bumaba na kami tapos sumakay sa kotse para mag breakfast 'dun sa Jollibee malapit dito sa Reyes Corp.


Nung papunta na kami sa parking lot, may nakita siyang black car na dumaan malapit sa car na sinasakyan namin.


“Kagagaling lang ni Da–”


[ Kriing! Kring! ]


Hindi natuloy ang sasabihin ni ate dahil biglang tumunog ang phone ko, someone's calling.


Lec calling...


Watda?! Si Alecson! Tumatawag! WAHH! Ramdam ko ang pamumula ko ng makita ko iyon.


“Pulang-pula ka na diyan, sagutin mo na. Sumunod ka na lang sa loob ah.” sabi ni ate at lumabas na.


Ngumiti ako at sinagot na yung phone call.


“Hello? Alecson? Miss you.” bungad ko.

[ Hello Athena. I miss you too. Kamusta ka na diyan? ] tanong niya.

“I'm okay. How about you. Are you okay there? Baka nagpapagod ka ah.”

[ No, hindi. Baka ikaw, baka ikaw ang nagpapagod diyan. ]

“Tss. Hindi 'no? Nakakatawa lang 'no? Kasi nung nakaraang araw lang tayo nagkita pero grabe na tayo mag-alala sa isa't-isa. Hahaha!”

[ Ganun talaga. Hahaha! Kamusta na pala trabaho mo? ]

“Ngayon pa lang ako magii-start. Actually, kagagaling lang namin 'dun sa building ng Reyes Corp. Magbe-breakfast lang kami ni ate.”

[ Ano bang trabaho mo 'dun? ]

“Well, my ate said... ako na daw ang magiging secretary nung CEO. Its not that hard naman.”

[ Secretary.. ah okay. Sige, Athena. Its already midnight here. Matutulog na 'ko. I love you. ]

“Sleep well, i love you too.” sagot ko naman.


We both ended the phone call. Ako naman, pumasok na 'dun sa Jollibee at nakita ko si ate na nakaupo na at hinihintay na lang ako.


« Darren's POV »

I woke up 7:30AM. 7:30AM?! Late na 'ko! 8:00 ang pasok. Eh may traffic pa naman! Hay! Nevermind.


Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapag breakfast kaya nag drive-thru na lang ako sa Jollibee.


Pagkadaan ko ng drive thru nakita kong papunta ng parking lot yung car ni ate Alyanna. Yes, alam ko sakanya 'yun. Kabisado ko plate number 'nun. Hahaha!


Tsk. Hala. Lagot tayo diyan. Nauna pa siya saakin. -______-


Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko at pumunta na sa building ng Reyes Corp.


“Good morning, sir Darren. ” bati nila saakin habang naglalakad ako.

“Nandyan na ba yung new secretary?” tanong ko.

“Ha? Hindi ko po alam eh? Pero kanina po may kasama po si ma'am Alyanna na babae. Matangkad, may kahabaan yung buhok, at maganda po. Ka–”

“Ok, stop.” pigil ko sa kanya at nagpatuloy nang maglakad.


Tinatanong ko lang kung nandyan na eh. Kung anu-ano na sinabi. Tss. =_________=


Nang makarating ako sa office ko, napansin ko na may mga gamit na 'dun sa office ng secretary. Tss. Pakialam ko naman 'dun?


Pero sino kaya 'yun? Psh.

« Athena's POV »

Hindi ako masyadong busy ngayon. Kasi kaunti lang naman yung meetings ni sir. Sir? Sir ano nga ba? Ewan! 'Di ko pa alam name niya eh.


[ Kring! Kring! ]


Nagulat ako nang biglang tumunog yung telephone. Gumagawa kasi ako ng reports! Aish.


“Hello? This is the office of the secretary of the CEO. How can i help you?” bungad ko.

[ Any meetings? ] tanong niya.


Oh, si sir.


“Uhm, sa Tuazon's na lang po. Then, pupunta daw po mamayang 4:00PM si Mr. Jacob Sandoval diyan sa office niyo. 'Yun lang po.” sagot ko.

“Okay. Thank you.” sabi niya tapos binaba na yung telephone.


Sa totoo lang, kaboses niya si Darren.



xx

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now