« Athena / Madi's POV »
'Eto na 'yun. Aalis na kami pabalik ng Manila. I will surely miss them. Huhuhu! Naman eh! Kasi!
“Athena? Let's go?” tawag sa 'kin ni ate.
“Ate.. please 5 minutes more!” pagmamakaawa ko.
“Okay.” sagot niya.
I'm still waiting for Darren, wala pa kasi siya eh. Hindi nga siya ang naghanda ng breakfast ko eh. Tsk. Darren naman eh! Kung kailan aalis na 'ko saka mo pa 'ko hindi ipinaghanda! Ba't ba ganyan ka? Tss.
“Hinihintay mo ba si Darren?” tanong sa 'kin ni Jacob.
“Oo eh. Bakit wala pa siya?” kinakabahang tanong ko.
“Ah? Hindi ko alam eh? Siguro puyat lang 'ata kaya late na nagising.”
Darren! Bakit kagabi ka pa nagpuyat?! Huhuhu! Darren!
“Athena, let's go. Papasok pa 'ko. Mata-traffic tayo.” sabi ulit ni ate.
Wala na. Kailangan ko nang umalis. Hindi na 'ko pwedeng magtagal. Goodbye Darren.
“Sige, Jacob. I have to go. Pakisabi na lang kay Darren, na nakaalis na 'ko. B-bye.” sabi ko at tuluyan ng pumasok ng kotse.
Hay. Wala na. Tapos na, nakaalis na 'ko. At si Darren, naiwan siya 'dun. T____T
« Darren's POV »
Nagising ako ng 10AM. Ay! Hala! 10AM na! Si Madi! Kailangan kong mapaghanda ng almusal niya! Tsk! Papuyat-puyat pa kasing nalalaman eh! Hay!
Nagsipilyo at hilamos ako kaagad at lumabas.
“Jacob! Si Madi? Hindi pa gising?” nagmamadaling tanong ko.
“Kanina pa gising.” sagot niya.
“Ay! Patay! Nakakain na ba siya? Naku! Hala! Tsk.” sabi ko at agad na naghanap ng maluluto sa ref.
“Nakakain na siya, naka-alis na nga eh.” at napatigil ako sa sinabi niya.
“Ha? Anung...” hindi ko alam kung anong sasabihin.
“Naka-alis na sila Athena. Pabalik ng Manila.”
“Naka-alis na sila Athena. Pabalik ng Manila.”
“Naka-alis na sila Athena. Pabalik ng Manila.”
Paulit-ulit 'yan sa utak ko.
“Ano?! Ba't hindi siya nagsabi?!” naguguluhang tanong ko.
“Hindi ko rin alam. Nagulat na nga lang ako nung sinabi niya kanina na aalis na siya eh.” sagot ni Jacob.
Tumakbo ako palabas ng bahay, nagbabakasaling nandun pa siya. Kaso wala na...
“Wala na si Madi.” malungkot kong sabi sa sarili ko.
Wala na siya. Bakit hindi siya nagpaalam? Para kahit papano nakapaghanda ako. Bakit Madi? Bakit hindi ka nagpaalam?
Pero hindi, hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Babalik lang naman siya ng Manila 'diba? 'Di naman siya aalis at tutungo ng ibang bansa. Susundan ko siya!
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning