« Athena's POV »
Pagkatapos naming kumain, nag-ayang manood si Lori ng Broadway show. Char! Movie lang, 'dun sa cinema.
“Aish! Tagal, Lori! Bagal mag-ayos. Eh kahit anu namang ayos mo diyan hindi ka magmumukhang tao. Bilisan mo! Pa-VIP!” sigaw ko sa kwarto niya.
Ang tagal kasi mag-ayos. Siya ang nag-aya 'diba? Lang'ya. Gusto hinihintay pa siya!
“Ugh! Oh, 'eto na!” sabi niya at lumabas na.
Lumabas na kami ng bahay at pumunta ng cinema. Well, its kinda cold her. Lalo na't "Ber Months" na.
“Ehem. Anu ba naman 'yan! Kanina pa. Kaninang-kanina pa kami nilalanggam!” parinig nung dalawa habang nanood kami.
Tinignan ko lang sila ng masama. Umaarte sila, kasi magka holding hands kami ni Alecson! Bleh! Hahaha! Wala pa kasi silang boyfriend. :P
“Sabi ko, nilalanggam kami dahil 'dun sa movie... ang sweet kasi nung bida eh. Hihihi.” tapos nag peace sign si Louise.
Louise, is the kind of girl na kabog, maingay, maganda pero mas maganda pa rin ako. And she's smart, but Lori's smarter than her.
Lori? She's the girl na kabaligtaran ni Louise. Pero minsan kabog din siya, maganda. And like i said, she's smart.
Si Louise, may manliligaw 'yan. 'Yan kasi ang susunod sa yapak ko. Hahaha! Si Lori? Ugh! Walang-wala 'yan! As in ZERO! Nerd kasi 'yan eh. Puro pag-aaral, pero syempre dahil nakapagtapos na kami, puro work naman siya.
Pagkatapos naming manuod ng movie sa cinema, at pauwi na kami... nadaanan namin yung ice skating center. Hmm, looks like masaya 'to dahil gabi. Hahaha! Okay! Let's do this!
“Guys, pwede ba tayong pumunta ng ice skating center? Please? Please please?” tapos nag puppy eyes pa ako. Syempre, para may charm. They can resist my charm. Wahahaha! Kbye. -___-
“Ay! Nice idea, Athena! Tara! Lessgo!” sagot naman ni Lori.
Bumalik kami 'dun sa ice skating center at nagsimulang mag-ice skate.
Shiz. 'Di ako marunong nito. Huhuhu!
“Hahaha! Si Athena, hindi marunong. Alecson, help– WAHH!” hindi natuloy yung sinabi ni Louise kasi bigla siyang nadulas.
Hahaha! Sino ngayon hindi marunong sa 'min? Syempre ako padin. Hindi nga ako makapaglakad ng mag-isa eh.
=________=“Hahaha! Ikaw ah, aya-aya ka rito hindi ka naman pala marunong. Hahaha! Come here.” sabi sa 'kin ni Alecson at kinuha yung kamay ko.
Sinasamahan niya akong maglakad habang nakahawak siya sa kamay ko. O pag-ibig. ^.^
“A-alecson! B-be careful! Nakakatakot!” sigaw ko habang naglalakad kami.
“Hahaha! Relax ka lang. 'Pag na-fall ka, sasaluhin kita.” at nabilaukan naman ako sa laway ko 'nun.
“Buti ka pa nga 'pag na-fall ka, may sasalo sa'yo.. samantalang ako 'nun, wala man lang sumalo. Sahig lang!” sabat naman ni Lori.
Ay? Humu-HUGOT si ateng? Humu-hugot na pala ang nerd ngayon? Hahaha!
“At kailan ka pa na-fall, aber?” tanong ko.
Pagkatanong ko 'nun ay bigla naman siyang nadulas. Wahaha! Minamalas ba mga pinsan ko ngayon? Hahaha!
“See? Sahig lang!” sabi niya tapos tumayo na.
Naiwan kaming tumatawa ni Alecson. Hahaha!
Tapos 'yun, tinuloy na namin yung pag-ice skate namin.
“Alecson ah! Sinasabi ko sa'yo ah! 'Pag ako natumba rito–WAHH!” at 'yun nadulas ako.
“Uy!” sigaw ni Alecson at nasalo niya ako.
Ihh! Naman eh! Haba naman hair ko. Hihihi. ^_______^
“Hahaha! Aish. Uwi na nga tayo! 'Di ka naman pala marunong eh.” sabi ni Alecson at itinayo na ako ng maayos.
“O-okay? Let's go. Lori! Louise! Uwi na tayo!” sigaw ko sa kanila.
• House •
“Oh, anung balak?” tanong ni Alecson sa 'min at binigyan kami ng tig-iisang ice cream.
“Manuod sa TFC.” sagot ni Louise.
We love to watch The Filipino Channel. Syempre, Filipino kami. Dapat manuod din kami sa channels ng Philippine TV.
Nag-start na kaming maunuod at kaisa-isang bagay na nagpa-alala sa 'kin kay Darren.
“Uhm, i don't eat streetfoods eh.” sabi nung girl kay boy.
“Anu ka ba? 'Wag ka na ngang maarte. Tara! Bilis!” tapos hinatak niya na si girl.
Naalala ko yung mga panahong palagi pa akong pinapasyal ni Darren 'pag malungkot ako. Hay! Pero bakit ko ba iniisip 'yun? Like duh? Matagal na 'yun. =________=
“Athena? Naalala mo ba si Darren?” biglang tanong ni Lori kaya nagulat kaming lahat.
Binigyan ko siya ng 'Bakit mo sinabi 'yun look' hindi pa kasi alam ni Alecson ang about kay Darren eh.
Nakatingin lang ng masama si Alecson sa 'kin.
Siniko ni Louise si Lori, “Uh, i think kailangan na namin matulog. S-sige, tulog na kami. Athena! Alecson. ” tapos hinila na niya si Lori.
Narinig ko pang pinagalitan niya si Lori.
“Who's Darren?” tanong ni Alecson.
“D-darren... siya yung lalake 'dun sa Philippines.”
“Halata naman eh. Pangalan pa lang.” matabang na sabi niya.
Nanatili lang akong tahimik.
“Talk about him.” at nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yun.
He wants me to talk about Darren? Seriously?
Ikunwento ko lahat ng pangyayari sa 'min ni Darren. Anu kayang magiging reaction niya?
“So, may gusto siya sa'yo?” tanong niya.
“Oo,” huminga siya ng malalim. “Pero, dati lang 'yun. Hmm, siguro hindi naman na ngayon. Kasi its been two years na rin eh.” pagtuloy ko.
“Pero babalik ka na ng Pilipinas 'diba?”
“Yes.”
“Mag-ingat ka 'dun ah.”
“ 'Pano ka?” tanong ka.
“Kaya ko naman dito. Pero, 'wag ka mag-alala. 'Pag may time ako, pupunta ako 'dun.” napangiti ako 'dun.
“ 'Pano 'yun? Alam mo ba kung 'pano papunta sa 'min?” tanong ko.
“Edi aalamin ko.” sagot niya at ngumiti din.
Niyakap niya ako, and i hug him back.
“I love you....” sabi niya.
“I love you too....” sagot ko naman.
We smiled at each other.
—xx
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning