STIUTL 18

251 8 0
                                    

« Athena / Madi's POV »

"Nasan ba tayo?" Kanina ko pa 'to tinatanong si Darren eh.

" 'Eto na! Nasa park tayo! Yihie!" Masayang sabi niya.

"Park?" Tanong ko.

Tapos may naalala na naman ako, na hindi naman talaga dapat pang maalala.

"Madi? Okay ka lang?" Tanong niya.

"Uhm, y-yeah I'm okay. Tara! Pasyal tayo. Maganda ba dito sa park na 'to?" At inunahan ko siyang maglakad.

Infairness dito sa park na 'to. Ang ganda. Ang dami ring namamasyal. Pero kahit madami na.. maganda pa rin at mahangin pa din. Basta! Ang ganda talaga, promise.

"Madi! Tara 'dun. Kain tayo bilis!" Tapos hinatak niya na naman ako.

Seriously. Kanina pa hatak ng hatak 'to si Darren ah! Brutal! Kainis!

Nakarating kami kung saan ang daming mga vendors na nagtitinda ng mga street foods.

"Ano gusto mo diyan?" Tanong niya.

"I don't eat street foods."

"Ay. Oo nga pala, sayang naman. Tara bilis! Masarap 'yan."

"Eh! Darren, i don't eat street foods nga eh!" Angal ko.

"Titikim ka lang naman 'diba? Masarap 'yan promise!"

Bumili siya nung kwek-kwek daw? Tapos binigyan niya ako.

"Ano bang lasa nito?" Tanong ko.

"Masarap 'yan promise."

Inamoy ko muna 'yun.. ehhh? Ano kayang lasa nito? Masarap kaya talaga 'to? Errr..

"Oh 'diba? Masarap?" Tanong niya.

"Masarap nga ah? Infairness.. hahaha!" Sabi ko habang ngumunguya.

Masarap siya talaga, promise! Lalo na nung sinawsaw siya 'dun sa sauce. Its a quail egg coated with orange thingy.. 'Di ko kasi alam kung anong tawag dito eh?

"Bakit kwek-kwek ang tawag dito? Although quail egg 'to tapos coated lang naman siya nitong color orange." Tanong ko.

" 'Di ko rin alam eh?" Sagot niya.

Pagkatapos naming kumain ng kwek-kwek nag-aya na naman siya.

"Tara Madi, 'dun naman tayo sa fishball!" Tapos hinatak na naman niya ako.

Curse you, Darren! Mapuputol kamay ko sa'yo eh.

"Oh, masarap din 'yang fishball." Sabi niya ulit sa 'kin tapos binigyan ako.

Lahat naman masarap sa'yo eh. Hahaha!

"P-parang 'di ko kayang kainin?" Nag-aalangang sabi ko. Maarte kasi ako.

"Bakit? Allergic sa fishball?" Tanong niya.

"Looks like ano eh.. tss! Sige na! Kakainin ko na!"

Inamoy ko ulit 'yun, iba talaga 'to eh. Huhuhu! Bahala na.

"Shems Darren. Ang sarap din ah!" Puri ko.

"Sabi ko naman sa'yo eh." Sabi niya.

Inubos muna namin 'yun, tapos nagsalita siya.

"Tara! 'Bili naman tayo ng inumin.. uhaw na 'ko eh." Sabi niya sa 'kin. Tumango lang ako.

Pumunta kami 'dun sa katabing tindahan.. may tinitinda sila 'dun na beverages. Pero 'di ko alam kung anung tawag eh?

"Ate, dalawang 10 pesos nga po na sago't gulaman." Sabi niya 'dun sa tindera.

"What's sago't gulaman?" Tanong ko.

" 'Yun oh, tignan mo yung ginagawa ni ate."

Tinignan ko yung tindera kung ano yung ginagawa niya.. may nilagay siya na parang mali-liit na bilog tapos after 'nun, may nilagay naman siyang parang mali-liit naman na hugis square. Tapos nilagyan niya ng ice, tapos mineral water tapos hinalo-halo niya, and nilagyan ng vanilla flavor. Tapos binigay na sa 'min ni Darren.

" 'Yon! Ayos!" Sigaw pa ni Darren.

"Ano ba 'to Darren?" Tanong ko.

"Sago't gulaman nga. Paulit-ulit?"
"Ugh! What i mean is, masarap ba 'to?"

"Oo. Nasanay ka kasi na puro milkshake tsaka starbucks iniinom mo eh. Hahaha! 'De joke lang."

"Sure ka ah." Tapos ininom ko na 'yun.

"Ba't puro yelo?" Tanong ko.

"Ang twist kasi niyan, nasa ilalim pa yung mga sago.. Pero yung gulaman yung square ang shape.. 'Yun yung kahit sa una, makakain mo na. Masarap 'diba?" Sabi niya.

Tumango lang ako. Masarap naman talaga.


———
Sorry guys! 'Yan lang po muna! May sakit po kasi ako ngayon eh. Wahh! Huhuhu! Sorry talaga.
——






Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now