STIUTL 15

254 5 0
                                    

« Darren's POV »

“Oh my gosh Athena! Nasan ka na bang bata ka!?”

Kanina pa naghe-histerical si ate Alyanna, ay lahat pala kami dito.

“Darren, sure ka? Hindi mo talaga alam kung nasaan si Athena? Eh ikaw lang ang kasa-kasama 'nun eh.” panglimang tanong sa 'kin ni ate Alyanna. Alalang-alala na siya.

“Wala talaga ate Alyanna eh. Pero kasi, ang pagkakatanda ko.. nanunuod lang siya ng tv tapos 'yun pagtapos ko maglinis pagbalik ko wala na siya..” sabi ko.

Kanina pa kasing umaga nawawala si Madi eh! Wala kaming idea kung saan siya pumunta kasi wala naman siyang pupuntahan dito. 'Di naman pwedeng pumunta siya sa 'dun sa perya.. eh hindi niya alam kung pano makarating 'dun eh.

“Alyanna, si Cris may sasabihin daw siya sa'yo.” singit ni manang habang hawak si manong.

“Manong.. alam mo ba kung nasaan si Athena ngayon?” tanong niya.

“M-ma'am Alyanna, kasi po kaninang mga alas dyes imedya habang nagdidilig po ako, hiningi niya po sa 'kin yung susi ng isang sasakyan 'dun sa garahe.. Nung sinabi ko pong bawal nagalit po siya, kaya natakot po ako at ibinigay na lang sa kanya yung susi. Nakaporma po siya eh. At mukhang malayo ang mararating.” kwento sa 'min ni manong Cris.

“Hay! ATHENA! Juicecolored. Saan ka ba pumunta?” sigaw ulit ni ate Alyanna.

“Kumalma ka muna Alyanna, ba't hindi mo muna subukang tawagan?” tanong ni manang at binigyan ng tubig si ate Alyanna at pinaupo.

“I tried to call her, pero hindi niya sinasagot.” sagot naman ni ate Alyanna at nagsi-tinginan sila sa 'kin.

Bakit? Gwapo ko kasi eh. *wink*

“B-bakit po?” tanong ko.

“Darren.. pwede mo bang tawagan si Athena? Kasi sigurado kaming sasagutin niya 'yun 'pag ikaw ang tumawag. Ikaw lang ang ka-close niya dito eh.” sabi sa 'kin ni manang.

Bakit? Ganun na ba 'ko ka-gwapo para maging special? Hahaha! 'De biro lang.

“A-ah opo. Pwede po, sige po. Tatawagan ko po siya.” sabi ko at kinuha yung cellphone ko mula sa bulsa ko.

Dinial ko yung number ni Madi.

Calling Ma'am Madi...

“He–”

[ The number you dial is cannot be reach, please try to call later. ]

Tapos namatay na. Cannot be reach. Baka low battery siya? O kaya patay yung phone niya?

“Ano, sumagot ba?” tanong nila.

Dahan-dahan akong umiling.

“Manang.. si Athena, baka ano na nangyari 'dun nasan na ba 'yun.” nag-aalalang sabi ni ate Alyanna kay manang.

“Shh.. 'wag ka na mag-alala, matulog ka na at maaga ka pa bukas.. Kami na bahala dito. Hahanapin namin si Athena. Matulog ka na.” sagot sa kanya ni manang.

Tumayo muna si ate Alyanna, at niyakap si manang tapos pumasok na kwarto niya.

“Ikaw din, Darren.. Matulog ka na, hijo. 'Wag kang magpuyat.” sa 'kin naman nagsabi si manang.

“Pero–”

“Darren.. sige na matulog ka na.”

Wala na 'kong nagawa kundi pumunta na lang sa kwarto ko.

Pagkalinis ko ng katawan ko, nahiga na 'ko. At kinuha yung cellphone ko.

To: Ma'am Madi
Madi? Nasan ka ba? Alalang-alala na sila sa'yo dito. Nasan ka ba? Uwi kana. Puhlease?

Tapos si-nend ko kay Madi. Sana naman mag-reply siya. Nag-aalala na kami sa kanya.

Itinabi ko na yung cellphone ko at sinubukang matulog.. kaso 'di ako makatulog. WAHH!

« Athena / Madi's POV »

“So, nasa Tagaytay ka? Kailan pa?” tanong niya habang nakaupo lang kami dito sa kama niya at nanunuod.

“Y-yeah. Mga 1 month na rin.” sagot ko.

“Ah.. 'dun na lang kayo forever?”

“Lol. Walang forever, naghiwalay nga tayo eh.” at nanlaki naman yung mata ko 'dun.. Anong nasabi ko?! “S-sorry.” hay. Nagmu-mukha akong bitter niyan eh. Tsk.

“Uy. Bitter.” tukso niya.

At dahil 'dun, binatukan ko siya. Hahaha!

Maya-maya pa, nakaramdam ako ng antok.. *yawn*

“Hay. Anong oras na ba? I'm sleepy na eh?” reklamo ko..

“10:37 pm.”

Sus. Aga-aga pa e–

“What?! 10:37?!” gulat na tanong ko. Its already late! Oh my gosh! 'Di ko namalayan!

Dahan-dahan lang siyang tumango. Kaya agad kong tinignan yung wall clock niya dito. 10:37 na nga.

“Sht.” nasabi ko na lang.

Kinuha ko yung phone ko, at ngayon ko lang nalaman na lowbat ako! WAHH! Lagot ako nito!

“J-jk sorry, i have to go. Mage-eleven na. Kailangan ko nang umuwi lagot ako kay ate.“ sabi ko tapos tumayo na kaso pinigilan niya 'ko.

“Athena.. its already 10:37 in the evening. Tapos magda-drive ka pabalik ng Tagaytay at inaantok ka?”

“JK lagot ako kay ate..” katwiran ko.

“Athena no, hindi ka uuwi. Bukas ka na lang umuwi, kasi delikado na sa daan. Madilim na..”

“Eh, saan ako magse-stay?” tanong ko.

“Dito,” tinaasan ko siya ng kilay. “Yep, here in my room. Dito ka na lang matulog..”

“Eh saan ka?” tanong ko.

“Uhm.. dito na lang ako sa couch, diyan ka na sa kama ko..” tapos tumayo siya at tumungo sa couch.

“Uh? No, hindi na. Dito ka na lang, diyan na lang ako.”

“Wag na.. sige, mamili ka.. Dito ako o tabi tayo diyan?” nanghahamong tanong niya.

'Di naman ako makasagot.. nakakahiya kasi kung siya pa ang matutulog 'dun eh ako nga lang ang nakikitulog dito.

“See? Dito na lang ako.” tapos nahiga na siya.

Nahiga na din ako, pero nahihiya talaga ako eh.. syempre kahit naman bad girl ako may hiya pa din ako! Lalo na kay JK.

“JK.. gising ka pa?” tanong ko.

“Hmmm. Tulog na.” tapos narinig ko siyang tumawa ng mahina..

“JK naman eh!”

“Ba't ba?”

“D-dito ka na nga lang. Sige na, okay lang.” nag-aalinlangang desisyon ko.

Tumayo siya at tumabi sa 'kin, umusod naman ako.

“ 'Di mo rin pala ako matitiis eh?” bulong niya.

“Kapal! Naawa lang ako sa'yo!” sabi ko sa kanya.

I slept with my ex boyfriend.

–xx

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now