STIUTL 22

230 7 0
                                    

« Athena / Madi's POV »

Nagising ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko. Kaya bumangon na lang ako.


Kinuha ko yung phone ko, 9:16 am. Hay! Magta-tanghali na pala. Puyat kasi ako eh.


Naligo na ako at nagbihis. Tapos lumabas na para mag breakfast.


“Good morneng Madi!” masayang bati kaagad ni Darren.

“Morning.” simpleng sagot ko.


Naupo na ako at kumuha ng pagkain ko.


“Anung nangyari sa'yo kagabi? Hindi ka na bumalik 'dun sa pool area?” tanong niya.


Nagpa-cool off lang ako kasi nasaktan ako sa kinanta mo.


“Ahm, inantok na rin ako eh. Mga anung oras na ba kayo natulog kagabi?” tanong ko.

“11:00 pm.” sagot niya.


Samantalang pumasok ako ng kwarto ko, 9:30 pm. Hay!


Nginitian ko lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain.


____________________________________


Mga 2:15 pm. Habang nanunood ako ng tv. Tinawag ako ni manang.


“Athena, may bisita ka.” sigaw ni manang.


Lumabas ako papuntang garden at nakita ko kung sinung bisitang naghihintay sa 'kin.


Dalawa sila. Isang babae, at isang lalake.


“Oh, 'pano niyo nalaman bahay ko?” bungad ko kaagad sa kanila.


Wala ako sa mood makipag-kamustahan sa kanila!


“Eh 'diba dati dinala mo ko rito? Kaya ito.. buti na nga lang natandaan ko yung daan eh.” sagot naman ni girl.


Sana naligaw kayo. Hahaha! Tsk! Ba't ba 'ko ganito?


“Anung sadya?” tanong ko.

“Gusto ka lang namin sanang bigyan nito.” sagot naman ni boy.


Binigyan niya ako ng maliit na envelope. Or should i say, invitation.


“Anung gagawin ko rito?” tanong ko.

“Open it.” sagot ni girl.


Binuksan ko ito at sobra akong nasaktan nung basahin ko ito. Nagsisi ako! Sana hindi ko na lang binuksan!


Labajo-Fernandez Nuptials.

4:30 at Saint Paul Church.
The reception will held at the ***** Hotel Inc.
Motif: Indigo.



“Sana makapunta ka. Next Saturday na 'yan.” nakangiting sabi ni girl.

“I-I'll try.” halos mangiyak-ngiyak kong sabi.

“Huh? Bakit?” tanong ulit ni girl.


Si boy kasi nakayuko lang.


“Uhm, medyo busy rin kasi ako eh. Kaya… baka 'di ako makapunta. But like i said, i'll try my best just to be there. Congrats nga pala!” sagot ko.


Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now