STIUTL 30

225 6 0
                                    

« Athena's POV »

“Athena... this is it.” sabi sa 'kin ni Alecson.

Nandito na kami sa airport. Paalis na. Paano kaya si Alecson? Maiiwan siya dito. Hay!

Humarap ako sa kanya, “Yeah. Mag-iingat ka dito ha. 'Pag ikaw, nagloko! Humanda ka sa 'kin.” panakot ko sa kanya.

Tumawa siya, “Syempre, hindi 'no. Loyal ako sa'yo eh. Hahaha!”

Ngumiti ako sa kanya, at unti-unting naglapit ang mga mukha namin...

Konti na lang. Hanggang sa maging 2 inches na lang. At magdidikit na yung nose namin.

“Ehem. Athena? We have to go.” eksena ni ate.

Umayos na kami ni Alecson. Epal talaga 'to si ate eh. -_____-

We hugged each other for the last time.

“I love you...” sabi niya.

“I love you, too...” sagot ko naman.

Nginitian ko siya at umalis na.

Goodbye Alecson. See you, soon.
T______T




« Darren's POV »

“Anne, may mga meetings pa ba ako ngayon?” tanong ko sa secretary ko.

“Ah, wala na po sir. Last na po yung kay Mr. Ignacio.” sagot niya.

“Okay, good.” buti naman at makakapag-pahinga na ako.

Nakaka-stress 'tong araw na 'to. Full of meetings tapos ang dami pang ni-review na papers and contract. Plus, kailangan pang i-convience yung ibang clients just to say yes. Hay! Life.

Yes, tama kayo. I'm the CEO of the Reyes Corp. Oo, tama na naman kayo. Reyes Corp. ito yung company nila ate Alyanna. Ate Alyanna is the new president of Reyes Corp. at mga branches nito. While me, CEO lang ako ng Manila Branch. I wonder, bakit kaya hindi na lang yung kapatid niya ang naging CEO?

I heard, nasa New York daw 'yun eh. Oh.. eh 'diba mas maganda kung 'dun siya nag-aral? Mas maganda ang turo 'dun 'diba? Pero.. aarte pa ba ako? Ito na oh. 'Wag nang umarte.

Oo na! Sige na, sasabihin ko na. Si Madi, i mean si Athena. Nasa New York daw siya ngayon. 'Diba nangako siya na hindi niya ako iiwan? Tss. Hindi niya nga pala sinabi yung "I Promise" at tsaka, why am i thinking like this?

“S-sir.. may s-sabihin lang po sana ako.” biglang sabi ni Anne at may kinuhang white envelope sa bag niya.

Nakatingin lang ako sakanya at naka-kunot ang noo.

“S-sir.. magre-resign na po ako.” at ibinigay saakin yung white envelope na may laman na sulat.

O_o What? Mawawalan ako ng seckretarya!

“Why? Is there any problem?” tanong ko.

“Eh sir, kailangan ko na po kasing sumunod ng America. 'Dun po sa lola ko, may sakit po siya at kailangan kong alagaan 'dun.” sagot niya.

Parehas lang sila ni Athena, iniwan ako para pum– hay! Hindi na dapat iniisip 'yun.

“Okay, I'll understand.” sabi ko.

“Sir, salamat po. Sige po, aalis na po ako. Salamat po.” sabi niya ulit.

Kaunti lang ang gamit niya kaya mabilis niya itong natapos.

Sino naman kaya ang magiging secretary ko nito? Hay! -_____-

Kinuha ko yung phone ko at ti-next si ate Alyanna.

To: Ate Alyanna
Good afternoon, president. Nag-text lang po ako para sabihin na nag-resign na po yung secretary ko. Any suggestions po ba?

At si-nend ko na. Sabi kasi ni ate Alyanna, 'pag may nag-resign daw i-text ko kaagad siya.

[ Ting! ]

My phone suddenly rung. Its a message.

From: Ate Alyanna
Okay. Don't worry. 'Wag ka nang mag-hire. She's coming. Your new secretary.

Reply ni ate Alyanna. Okay, hindi na 'ko magpapakahirap maghanap. Pero, sino naman kaya 'tong sinasabi ni ate Alyanna.

At dahil 5:00 pm na din, umuwi na ako at baka mabugnot na naman ako nito sa traffic.

Naligo muna ako bago ako kumain... tapos nag-phone muna ako sandali.

Sinung mag-aakala na sa sobrang busy kong tao, may time pa kong mag-ganito. Hahaha!

athenareyes With them 😝

Tapos picture ni Athena na may kasamang dalawang babae at isang lalake.

Kilala ko yung dalawa. They are Louise and Lori. Madalas silang mai-kwento ni Athena sa 'kin. Kaya kilala ko sila, i don't know kung kilala nila ako.

Minsan hindi ko mapigilang mag-isip. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? May boyfriend na kaya siya? Masaya kaya siya? Pero nagpapaka-bitter lang talaga ako kada maiisip ko 'yan. Knowing na, umalis siya ng bansa na hindi man lang nagsasabi sa 'kin. At yung mga sinabi niya saakin noon, na hhinding-hindi ko malilimutan.

Hindi kita mahal, at hinding-hindi kita mamahalin. Kailanman.

Those are words that until now i can't forget. Hindi niya na ba ako naaalala? Ako yung best friend niya nung 12 years pa lang kami. Ako yung pinangakuan niya, at ako rin yung nangako sa kanya.

Nasaktan mo ako, Athena. SOBRA.

At bakit ko naman siya iniisip? Wala naman na din akong pakialam sa kanya. -______-

xx

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now