STIUTL 41

269 6 0
                                    

Chapter 41— The Song

« Athena's POV »

After naming mag-dinner, nag-ayang pumunta 'dun sa baba yung mga staffs. Magvi-videoke daw sila. Kaya sumama na kami.

Ang hirap kumain lalo na 'pag isa lang yung kamay mo na gumagalaw. Nakasimento kasi yung kaliwa kong kamay. Kaya ito, ngayon puro si right hand ang gumagalaw.

"Darren! Kanta ka naman!" sigaw ni Jacob.

Ito na naman siya... Hahaha!

" 'Wag na, busy ako." tanggi ni Darren.

Ha? Wala naman siya ginagawa ah?

"Tseh! 'Wag ka nga Darren, 'wag kang maarte okay?" sabi sakanya ni Jacob. "Oh? Anyone? Sinong gustong lumaban kay Darren?"

Nagbulungan silang lahat, including yung mga girls na madalas tumingin kay Alecson at bigla silang sumigaw.

"Alecson! Go, Alecson!" cheer nila.

"What? Hahaha! Hindi ako magaling." sabi naman ni Alecson na nasa tabi ko.

"Hahaha! Sige na, baka magalit sila sa'yo." sabi ko naman.

Nagkamot muna siya ng ulo, tapos pumunta na 'dun sa videoke. Kasama si Darren.

Nauna nang kumanta si Alecson, and intro pa lang nagsipalakpakan na sila.

Minamasdan kita, ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titig sa 'kin,
At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ika ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng hindi mo alam,
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati'y akala ko manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo, ang awit ng aking puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin....

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now