Chapter 44—Reunited
« Darren's POV »
Wala akong ganang magtrabaho ngayon. Halos lahat nga ng meetings na pa-cancel ko na kay Jessica. Siya muna yung hahawak ng mga ginagawa ng secretary habang wala pa akong secretary.
Sa totoo lang, hindi productive ang araw ko ngayon. Kasi umagang-umaga pa lang, nagkaroon na ng... alam niyo na.
Napadapo yung tingin ko 'dun sa picture na nakita ko kanina sa office ni Athena, tapos 'di ko alam nangiti na pala ako.
Naiwan niya siguro 'to kanina sa office niya. Kasi nung aalis na ko nakita ko lang eh. Picture 'to naming dalawa ni Athena. Yung picture namin nung pumunta kami sa perya. Grid style siya. Yung first photo, simple smile lang. Second, wacky na. Tapos 'yun, stolen na tumatawa kami ni Athena. Hay. I miss those days, pero pansin ko lang ah? Parang wala siyang sakit nung mga panahong 'yan. Ang ga— okay.
Balak ko sanang pumunta ng Tagaytay pagkatapos nitong trabaho ko. Its Sunday tomorrow naman eh. Tsaka, pupuntahan ko rin yung place kung saan madalas akong mag-relax 'pag marami akong problema.
« Athena's POV »
Pupunta ako ng Tagaytay ngayon. May gusto lang kasi akong puntahan. Alam niyo yung tinuro sa 'kin ni Darren noon? Yung... pwede mong isigaw lahat. Alam niyo naman 'yun 'diba?
[A/N: Guys, remember yung tinulungan ni Darren si Athena kasi nga umiiyak siya noon because ikakasal na si Yass at JK? Chapter 22 siya.]
Its 6:30PM nang makarating ako 'dun sa place. Kahit gabi na, maliwanag pa rin dito. Because of the city lights. Malaki na rin ang pinagbago nito ah? Siguro kada pupunta dito si Darren inaayos niya 'to.
"BAKIT BA LAGI NA LANG AKO NASASAKTAN?!" sigaw ko. "BAKIT AKO?! BAKIT HINDI NA LANG IBA? HINDI KO BA TALAGA KAYANG MAGMAHAL? AT HINDI BA TALAGA AKO KAMAHAL-MAHAL?"
Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa kaya ko. At halos mamaos na ako. Wala na rin naman akong pakialam kahit pa marinig ako nung eroplanong dumadaan sa taas, as if naman alam nila yung nararamdaman ko. Nang may biglang dumating.
"A-athena?" sabi niya.
Nang lingunin ko siya, agad-agad ko siyang niyakap. Alam kong may tension sa 'min, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang na may makakaintindi sa 'kin ngayon. Sa nararamdaman ko.
"D-darren..." umiiyak na sabi ko.
"Okay lang 'yan..." sabi niya tapos hinagod yung likuran ko.
" 'Pano naman magiging okay 'diba? Ang sakit eh. Darren, ba't ba ganun? Lagi na lang ako nasasaktan!"
"Hindi naman ako ang makakasagot niyan eh. Ikaw naman kasi, 'di mo pa 'ko minahal noon eh. Tsk tsk." nagpapatawang sabi niya.
I playfully punch his chest. "Tsk! Ano ba? Ba't ka ba kasi nandito? Para mang-inis?" tanong ko.
"Uy, 'di ah? Place ko 'ata 'to. Hahaha! Ano ba kasing nangyari sa'yo?"
Nag-kwentuhan kami.... and with him, i feel a bit comfortable.
"Darren," sabi ko habang nakatingin sakanya. Siya naman nakatingin lang sa citylights.
YOU ARE READING
Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)
FanfictionCan a jolly boy -Darren- change the life of the broken hearted sick bad girl -Athena/Madi- ?? #STIUTLBeginning