STIUTL 44.1

299 7 0
                                    

Chapter 44—Delete him.

« Athena's POV »

Pagkagising na pagkagising ko, naligo ako kaagad at nag-ayos. Papasok na ako, hindi para mag-trabaho. Kundi para mag-resign. Yes, i file a resign. Like i said, hindi ko na kayang makasama si Darren. Lalo na't ngayong sariwa padin ang mga pangyayari nung nasa New York pa ko.

7:15AM na ako nakarating sa Reyes Corp. Pumasok na ako at sumakay ng elevator. Tapos dumiretso na sa office ni ate. Oo, doon mismo. Hindi sa office ni Darren. 

"Are you sure about this?" tanong ni ate sa 'kin.

Tumango lang ako...

"Okay, then." sagot niya at pinirmahan na yung resign paper.

« Darren's POV »

8:15AM na ako nakarating ng Reyes Corp. Na-late kasi ako ng gising.

Nung papunta na ako sa office ko, nadaanan ko yung office ni Athena... at nakita ko siyang nagliligpit na ng mga gamit niya?

"Bakit mo nililigpit yung mga gamit mo?" walanghiyang tanong ko.

Alam ko, alam ko na iniisip niya na ang kapal ng mukha ko para kausapin siya. Kasi nga yung nangyari sa Ilocos 'diba? And, gusto ko na rin mag-sorry sa mga pinagsasabi ko sakanya 'nun. Maling-mali ako.

Tumingin lang siya saakin. Pero bakit ganito yung itsura niya? Mugto at namamaga yung mata niya, halatang umiyak siya. At namumula siya.

"I filed a resign. Nag-resign na ko." sagot niya.

What? Resign? Bakit?

"Resign? B-bakit? May nangyari ba?" tanong ko.

"Wala." sagot niya pero hindi tumitingin saakin.

"Oh? So, bakit?" tanong ko ulit.

Sinusubukan ko siyang lambingin.

"Basta." sagot niya.

"Ays. Ano nga?" tanong ko ulit. Pero hindi siya sumasagot. "Ano? Biliss." sabi ko ulit. Pero hindi pa rin siya sumasagot. Nilapitan ko siya at pinatigil muna sa ginagawa niya. "Huy? Ano? Tell me."

"Hindi ko na kaya.." matigas na sabi niya at lumihis ng tingin.

"Ha? A-anong hindi mo na kaya?" tanong ko. Hindi ko kasi siya maintindihan.

"Ang makasama ka! Hindi ko na kayang makasama ka Darren!" sagot niya. Tapos tumulo na yung luha niya, pero agad niya itong pinunasan.

"Ha? A-athena, ano ba? Hindi kita maintindihan..."

"Kung hindi mo 'ko maintindihan, stop asking me your stupid questions!" sabi niya at tinuloy na yung ginagawa niya.

"Hay. Sabibin mo na kasi, tsaka ba't ba ang sungit mo?" tanong ko at kiniliti yung tagiliran niya.

Wow, feeling close na ako...

"Ano ba Darren," sabi niya sabay tulak sa 'kin. "Ano bang nagawa ko sa'yo ha?! Ano?! Sabibin mo!" at nagsimula na siyang magalit at umiyak.

"Ha? B-bakit ka umiiyak? M-may nagawa ba ako?" tanong ko.

Umirap muna siya, "Tanga ka ba Darren? Ha?! Ano bang nagawa ko sayo at ginaganito mo 'ko?! Ganun ka na lang ba nasaktan at ganito kasakit yung ganti mo sa 'ken?! Ha?!" sabi niya. "Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sayo eh! Oo! Sinaktan kita noon! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap na tapos na 'yun at sa 'kin mo naman pinapadanas?! Alam kong nasaktan kita ng sobra, Darren! Pero, bakit? Sa tingin mo ba ginusto ko yung mga nangyari na 'yun?!" nakayuko lang ako at ramdam ko na malapit na ring tumulo yung luha ko. "Ano, hindi mo alam kung anong pinagsasabi ko sa'yo! Nung gabing lasing ka! Naalala mo pa 'yun?!" at naalala ko yung gabing nag-inuman kami ni Jacob. "Humingi ng tulong sa 'kin 'nun si Jacob! At ikaw naman! Kung anu-anong sinabi mo sa 'ken! Yung, sinabi mong two timer si Alecson! Oo! Two timer nga siya! Kaya kami nag-break! Ang hindi ko lang matanggap nung gabi 'yon, kasi pati si Alecson sinisiraan mo! Bakit? Anung alam mo ha?! May alam ka ba sa 'men ha?! Siya lang ang tumulong sa 'kin noon na kalimutan yung sakit na naramdaman ko noon Darren!" patuloy pa rin siya sa pag-iyak.  Kahit ako napaiyak na rin dahil sa mga ginawa ko. Si Madi ang konsensya ko. "Ngayon, wala na siya. Hiwalay na kame, pero nagpapasalamat rin ako sayo Darren! Kasi kung hindi dahil sayo hindi ko malalaman na ginaga-g* na pala ako 'nun. Salamat ha! Pero sana 'wag mo na kong ganituhin...." sabi niya at dinala na yung mga gamit niya at lumabas.

Someone That I Used To Love (DARREN ESPANTO FANFICTION)Where stories live. Discover now