hello ,eto na po agad yung first chapter ,this time diko na isusulat sa notebook ,diretso type na agad ako para mas mabilis ,masyado kase talaga ako nahirapan sa unang story na ginawa ko eh ,kase sinusulat ko yun bago ko itype kaya naman pahirapan talaga ..haha
Pero ngayon sana magawa ko ito nang maayos ,kung magkaroon man po nang mga typo's sana ay pagpasensyahan nyo na anu ho ,mahirap kase talaga magtype nakakainis pa ..hayyssss ...
sya simulan na po natin :)))
xii TINAY yung nasa media ;))
Tinay's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at katatapos kolang ayusin ang aking mga nilabhang damit ,.Dapit hapon narin pala at kailangan kupang magluto nang aming hapunan .Mamaya lang kase ay andito narin si itay galing sa trabaho ,isa kase syang karpintero kaya naman siguradong gutom iyon pag uwi nya sa aming bahay ..Samantalang si inay naman ay sumasideline bilang mananahi sa palengke ,iyon ang aming kinabubuhay upang magkaroon nang pantawid gutom para sa araw araw ..
Ako nga pala si Celestina Magbanwa ,Tinay nalang for short ,galing ako sa isang pangkaraniwang pamilya ,si Alfredo Magbanwa ang aking ama ,isa syang karpintero ,sa isang construction na malapit lang sa amin sya nagtatrabaho ..Masasabi kong napakabuti nyang ama dahil handa nyang gawin ang lahat para sa aming pamilya ,mabait si tatay ,sobra..napakaresponsable pa at mapagmahal .kaya naman ipinagmamalaki ko sya ,pangarap ko nga balang araw kung mag aasawa man ako ay pipiliin ko ang katulad din ni tatay yung may prinsipyo,mabait at mapagmahal ...
Si Celeste Magbanwa naman ang aking ina ,kabaliktaran ni itay si inay ay medyo may kaingayan kung minsan ,may pagkamabunganga kase sya ,lalo na siguro kung walang pera ..si tatay kase tahimik lang iyan ,bihira pang magalit..Pero naunawaan ko naman si nanay sa bagay na yun ,.at kahit naman ganun si nanay ay napakabait nya ring tao ,handa rin syang gawin ang lahat para sa aming magkakapatid ..Kung minsan nga ay napupuyat na sya sa pananahi nang mga damit ,madalas matutulog ako na nananahi parin sya at paggising ko gising narin sya ,halos wala na nga ata syang tulog ..
Sa totoo lang naawa nako sa aking mga magulang ,dahil may mga edad narin sila ,dapat nga nagapahinga nalang sila eh ,pero ito sila kumakayod para sa amin ..Lima kase kaming magkakapatid at ako ang panganay ..
Fourth year highschool na nga pala ako ngayon at ilang buwan nalang ay magtatapos na ako ,gusto kong magpatuloy nang kolehiyo dahil pangarap kong maging isang guro ,..Bata palang ako iyon na talaga ang gusto ko eh ,yung maituro ko sa mga bata ang lahat nang mga hindi pa nila nalalaman ,..Sobrang lapit ko kase talaga sa mga bata ,at masaya ako kapag nakakatulong ako sa kanila sa mga paraang kaya ko ..
Sa lugar kase namin ay mahirap talaga ang buhay ,taga dito nga pala ako sa Nueva Ecija ,at ang probinsya namin ay medyo malayo sa bayan lalo na sa paaralan ,.Kaya naman maraming mga bata dito ang hindi nakakapag aral dahil nga sa kakulangan sa pinansyal ,..
Kapag libre ang oras ko at walang pasok ay tinuturuan ko ang mga bata na magsulat at magbasa ,ang gusto ko kase matutunan din nila ang mga natutunan ko sa paaralan ,.Ewan koba pero para atang buhay kuna talaga ang tumulong sa mga batang kagaya nila ,.Sa ganoong paraan kase ay gumagaan ang loob ko ,yung para bang ang sarap sa pakiramdam kase nga nakatulong ka ,kahit ang kapalit lang noon ay ang kanilang mga ngiti sa labi sobra sobra pang kabayaran ..
Nakasuporta din naman sila nanay at tatay sa ginagawa kong iyon ,bilib nga daw sila sakin eh dahil napakabuti kudaw ,sabi ko naman mana lang ako sa kanila ..Mapagkawang gawa din kase sila nanay at tatay ,hanggat may ibibigay magbibigay sila ,pero kung wala talaga magtitiis kami ..Ganun naman talaga ehh ,..
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romancehello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...