Chapter 17 The Confession <3

1K 27 2
                                    

hello readers ,ang tagal ko nanamang nawala busy po kase ehh ..kaya pasensya na po ..sana hindi kayo mapagod na maghintay ng update ko ..

anyway nagpapasalamat po pala ulet ako sa lahat ng mga sumusuporta sa aking akda sa mga patuloy na bumoboto at nagbabasa ,sa mga naglalagay ng story ko sa reading list nila ,lalo na yung unang gawa ko yung Wherevee You Are ..dumadami na kase ang readers nun eh ..thankyou po ulet ..

at ou nga pala ,bali ang nangyare kase ay bigla na lamang pumasok sa malikot kong imahinasyon ang WYA so ginawa ko syang malaking part dto sa 2nd story ko ,bali yung mga behind the scenes nila ay andito sa MFEO ,haha wala lang so parang may kaugnayan nga din po sila pero malaki ang pinagkaiba nila kay Raf at Lin pero malay natin diba ??hmmm

anyway ituloy na ho ulet natin ,senxa na talaga masyado mabagal ang update ,hindi po kase madaling mag isip ng mga mangyayare ,saka sensya narin kung maraming typo's. Kayo nalang po ang bahalang umunawa ..

ohh sya ituloy na po natin ;)))


Tinay's POV

May ilang buwan narin pala ang nakalipas mula nang mag umpisa kaming magtaping para sa Wherever You Are at masasabi ko ngang sobrang saya ko dahil sa tiwalang ibinigay sakin nang buong staff nang aming palabas , .Una sa lahat syempre alam naman nilang baguhan ako sa ganitong larangan diba,?Marami namang pwedeng gawing bida pero ako ang pinalad para mapili nila kaya naman laking pasasalamat ko talaga ..Nakatulong kase talaga ito nang malaki sa aming pamilya dahil yung kinikita ko ay nakadagdag para sa pagpapagamot ni itay at nang aking kapatid at kahit papaano ay meron narin akong mga naitatabing pera nang sa gayon maipaayos ko yung bahay namin ..

Anyway ,kagaya nga nang sabi ay naging maayos naman ang career ko bilang aktres ,pero sa totoo lang ay hindi parin naman talaga ako makapaniwala sa mga narating ko eh ,yun bang parang pakiramdam ko ay panaginip lamang ang lahat nang ito ,yung mga nagagawa ko na pinupuri nang marami ,yung mga taga hanga ko sa sumusuporta sakin ,syempre numero uno dun ang aking pamilya dahil sila ang nagsisilbing lakas ko kaya kinakaya ko at nagagawa kong maganda at tama ang lahat. Sila kase ang palaging adyan na nakahandang sumuporta sa akin lalo na si nanay na talaga namang ipinagmamalaki ako sa lahat nang kanyang kakilala at si tatay na alam kong nagpapalakas nang kalusugan upang maipakita nya sakin na nakasuporta din sya sakin ,.Nakikita korin sa bawat ngiti nila ang tuwa kapag magkakausap kami sa videocall since iyon na kase ang uso ngayon ay halos araw araw din kaming nagkakausap na para lang kaming magkakasama ..

Iyong tungkol nga pala sa mga katrabaho ko wala namang akong naging problema sa kanila dahil mababait naman sila ,marami silang mga naituturo sakin sa larangan nang pag arte ,.Lalo na si Joyce na madalas kong kasama sa set ,marami na syang naishare sakin kung paano ko gagawing maganda ang bawat eksena ..Gayon din si Jonas na napagtanto kong may kakulitan din pala ,at palagi nya rin kase akong napapasaya ,madalas nya pa akong bigyan nang mga kung anu anong pagkain ,syempre tinatanggap ko naman ,masama kayang tumanggi sa grasya. .hehe

Si Aomy naman ay aminado ako na hindi ko talaga sya kasundo noong mga unang araw nang taping namin ,madalas kaseng hindi kami nag uusap oh kung hindi man ay nagbabangayan kami kahit tungkol lang sa mga maliliit na bagay ,.May mga pagkakataon tuloy na medyo nahirapan kaming gawin ang mga eksena ,pero kagaya nga nang palaging sinasabi ni direk ay kailangan naming maging professional ..haayyyy

Noong maganap nga ang first kissing scene namin sa palabas ay medyo nailang talaga ko bago namin gawin iyon ,actually hindi lang doon eh ,Pati iyong sa nauna naming eksena kung saan may eksenang magsasayaw kaming dalawa habang may sweet music ,sobrang kinakabahan ako nang gagawin namin iyan ,iyon bang parang may kung ano akong nararamdaman na diko mawari ..Mabuti na nga lang at kahit paano ay nagawa din namin ito nang maayos.

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon