Chapter 23 Handa naba ??

914 30 2
                                    












hello readers ??kamusta naman po ang pasko nyo?nakapagtago ba kayo sa mga holduper ??hahaha. .

anyway salamat pala ulet sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko kahit na sobrang tagal bago ako makapag update ,pero sana talaga matapos ku ito ,pero mahaba haba pa naman ang pagsasamahan natin eh dahil madae pa magaganap .hihi

kung anu man ang mga iyon ,diko pa alam ..haha bahala na ,sabi ko naman ala akong guide dito gaya nang sa WYA diba ,hmm

ohh sya ituloy na nga natin ;))












Tinay's POV









Dalawang araw narin pala ang nakalipas mula nang makabalik kami nang manila ,at masasabi ko nga na sa mga araw na kasama ko ang aking mga magulang at mga kapatid ay sobrang saya ko talaga ,ang tagal narin kase mula nang huli ko silang makita ,yun yung panahong ordinaryong tao palang ako ,hindi kagaya ngayon na talagang napakadami nang nagbago ..haayyy ang bilis talaga nang panahon ,at sa sobrang bilis nga nito ay hindi ko talaga halos namamalayan ang mga nangyayari ,para bang nasa isang panaginip lang ako ..haayyy ...


Kagaya nga nang sabi ko ,dahil nakabalik na kami nang manila ay simula nanaman kami nang trabaho ,well sabi kase ni direk ay kailangan daw naming maghabol nang taping ,dahil sa ilang araw na nasa bakasyon kami. .At nang magsimula na nga ulet kaming magtaping ay may mga ipinakilala din sakin na mga panibagong karakter na madadagdag sa show ,well ang dami nga nila eh ,at talaga namang hindi rin ako halos makapaniwala na makakasama ko sila ,ou nga't hindi ako mahilig sa mga artista pero kahit naman paano ay may mga nalalaman din akong mga bagay tungkol sa kanila ,.

Kagaya na lamang ni tito Richard Gomez na gaganap nga bilang daddy ko sa show at si tita Dawn Zulueta naman bilang mommy ko ,kahit naman kase hindi ako gaanong fan nang loveteam nila ay talaga namang sobrang saya ko dahil alam kong sobrang sikat silang dalawa at ang sarap pa nilang katrabaho ,isama mupa sila ate Sheena at kuya Mike ,grabe ang babait nila .First meeting palang namin hindi ako nakaramdam nang pagkailang dahil maganda ang pakikitungo nila sakin ..

Well ang mga eksena kaseng kukunan ay tungkol sa teen age life naming dalawa ni Aomy kung saan ginaganapan nga namin ang karakter nila Raffy at Lienelle ,nakakaamazed nga yung twice nang story eh ,kase kwento pala talaga ito nang magbestfriend na may secret love sa isa't isa ,so sa part na mga gagawin namin ay kelangan naming maipakita sa mga manunuod kung paano nga ba ang samahan nang magbestfriend na di kalaunan ay magkakagustuhan ,.

Pero bago iyan ay kailangan din naming imakeover ,syempre kelangan naming magmukhang teen ager talaga ,although talaga namang teen ager ako hehe ,pero kase bago pa man namin simulan ang show ay minakeover din kase kami ,yun bang pinagmukha kaming mas matured para nga mas babagay din sa ginagampanan namin sa mga unang pangyayari ,..At ngayon nga ay ginawa nilang highschool ang look namin ,medyo may inayos sa hair ko .bali may pagkanerd sya nang konti dahil nilagyan nila ako nang eye glasses dahil nga ang role ni Lienelle sa story ay isang simple pero matalinong istudyante na ang tanging hangad lamang ay may mapatunayan sa daddy nya na ginaganapan nga ni tito Goma ..

Samantalang si Raffy naman na ginaganapan ni Aomy ay ang laki din nang pinagbago ,ginupitan din kase sya yung talagang boys next-door ang dating ,lalo tuloy sya gumwapo ,bagay na bagay nya kase ,well this time kase ay isang teen ager na may pagkahappy go lucky ,mahilig sa sports ,crush nang bayan ang gaganapan nya ,pero bukod duon ay may kacornihan din sya sa katawan ,yun bang kung ano ano ang gimmick nya para lang mapasaya si Lienelle ..

Habang binabasa ko nga yung script namin ay talaga namang natutuwa ako kase mukhang maganda ang magiging flow eh ,alam nyo yung parang ang sarap nyang gawin ,tapos more on music pa sya kaya naman talagang sobrang excited ako ,at ang isa pang nakakatuwa ay mas lalong dumarami ang mga taga hanga namin saka nagiging number one narin kami dahil sa dami nga rin nang mga manunuod ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon