Chapter 31 Ang mga hindi inaasahang Bisita ..

663 17 1
                                    



  hello readers.. ayun katapos kong basahin kagabi itong ginagawa kong story ,well para alam kodin yung nagiging takbo nya ,medyo nalilito na kase ako eh .hehe

  try ko magtype ng mahaba ,hmm anyway tuloy na ulet natin ,







  Aomy's POV





  Sa mga sinabi ni Monic kanina ay masasabi kong medyo nakaramdam ako nang pagkasindak ,kase naman ay mukha talaga syang seryoso sa kanyang tinuran at dahil nga doon ay aaminin ko na nakaramdam din ako nang takot kung sakali mang makagawa nga ako nang pagkakamali sa relasyon namin ni Tinay,.Pero gayon paman ay nakasisiguro naman ako sa isang bagay at iyon ay ang katotohanang mahal na mahal ko si Tinay at hangad ko ang maging masaya sya palagi ,kaya naman kailanaman ay hindi ako gagawa nang bagay na alam kong ikasisira nang tiwala nya at nang mga taong nagmamahal sakanya. 

Base din sa mga ikinikilos ni Monic ngayon ay batid kong may ispesyal syang damdamin para sa girlfriend ko ,ramdam ko yun dahil hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi mahalata ang paminsan minsang pagsulyap nya kay Tinay ,.Noong una nga ay inakala ko na baka namimiss nya lang ito kaya sya ganoon na lamang kay Tinay ,pero hindi eh ,parang may kakaiba sa mga tingin nya ,parang may halong panghihinayang , .Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay kay Tinay talaga sya may gusto at hindi kay Britney , .

Well nang tanungin  ko kase sakanya kanina kung sino ang type nya ay pansin kunang iba talaga ang tingin nya kay Tinay ,sinabi kulang kunwari na baka si Britney ang type nya ,at sa pagkakasabi ku nga na yun ay naconfirm kong si Tinay naman talaga ang gusto nya ,nasiguro kupa iyon dahil sa banta nya sakin ..Bawat salita kaseng binitawan nya kanina ay ramdam kong seryoso talaga ,.

  Maski nga sa kilos ni Tinay ay parang may kakaiba din ,noong makita nya kanina si Monic ,hindi ko alam pero parang may kakaiba sakanya ,iyon bang parang natataranta sya or wala sa sarili na hindi ko maipaliwanag .Ayaw ko sanang bigyan nang isyu sa pagitan nila pero hindi ko talaga mapigilan eh ,ayaw koding mag isip nang kung ano pa man dahil malaki ang tiwala ko sa mahal ko ,pero si Monic kase ,kung makatingin sya kay Tinay parang may motibo or parang meron syang gustong sabihin ..

  Base tuloy sa mga kilos nila ay parang gusto kong isipin na ,baka mayroon silang nakaraan ??oh di kaya minsan nang naging ispesyal ang bawat isa sa kanila dati ??.Pero sa pagkakaalam ko naman ay wala namang naging kasintahan si Tinay na iba maliban sakin ,.haayyyy

Pero sa isang bahagi naman nang isip ko ay sinasabi nitong baka close lang talaga sila noon ,kase nga halos sabay silang lumaki diba ??and classmate pa sila noong highschool ,kaya siguro talagang malapit lang sila sa isa't isa ..Haayyy bakit ba ako biglang nagkaganito ,parang unti unti akong nakakaramdam nang takot ,at pag aalinlangan ,.Naisip ko baka sa isang iglap maagaw sakin ang mahalko ,.hindi kaya ito na ang ibig sabihin nang nasa panaginip ko ??ang mawawala sakin si Tinay ,pero this time hindi dahil sa kamatayan kundi makukuha sya sakin nang iba ..iniisip ko palang hindi kuna kaya ..Kaya naman gagawin ko talaga ang lahat para hindi sya mawala sakin ..

"husbie ,nagugutom kanaba ??gusto mo nang barbeque ..wika ni Tinay nang makalapit sya sakin ..

" ah sige wifey ,medyo gutom na nga ako eh ,.subuan mo naman ako ..paglalambing kong sagot ..

"aysus nagpapalambing ,hmm ohh sige ahh ??saad naman nya. .

" uhhmm sarap ..tugon ko naman sabay subo nang barbeque. 

  Samantala ,kaunting katahimikan ang nangyari ,at sa gilid nga nang mga mata ko ay napansin kong nakamasid samin si Monic ,kita ko sa mga mata nya ang selos kaya naman nakaisip pako nang isang paraan .

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon