Chapter 33 Ang saloobin nang isang Ama

579 13 1
                                    

ayun may update ulet ,habang sinisipag pako ..hehe

anyway pov muna ito ni Mang Delfin ,para naman malaman natin ang side nya at nang masagot din ang mga katanungan ni Monic ,hmm

si Mang Delfin yung nasa media ;) obvious naman eh haha chos ..

Mang Delfin's POV



Napakatagal na panahon kong hinintay ang pagkakataong ito ,na maakap ang aking anak na hindi ko nasilayan mula nang siya'y pinanganak ,.Sobra sobrang pagsisisi ang dinanas ko sa napakahabang panahon dahil sa ginawa kong pagtalikod sa responsibilidad ko sakanila noon nang kanyang ina ..

Nang mga panahong mabuo sya ay hindi pako handa para sa responsibilidad nang pagiging isang ama ,kaya naman labag man sa loob ko ay lumayo ako ,tinakasan ko ang kapalarang ako naman ang may gawa ..Kaya naman hindi ko masisisi si Pacita kung bakit gayon na lamang ang poot nya sa akin dahil sa nagawa kong pagtalikod sakanya ,dahil kase sa takot ko ay nagawa kong kalimutan ang lahat nang pagmamahal at pangako ko sakanya noon ..

  Ilang beses akong parang pinapatay nang konsensya ko dahil sa kasalanang nagawa ko sa babaeng mahal na mahal ko ,.Alam kong napakarami nya noong pangarap ,ang makatapos ,makapagtrabaho at umasenso sa buhay pero sinira ko ang lahat nang iyon ,sinira ko ang buong pagkatao nya ,kinuha ko ang mga pangarap nya dahil naging mapusok ako ,hindi ako nag isip kung ano nga ba ang maaring maging resulta nito ..

  Alam kong nang mga panahong iyon ay mahal na mahal din ako no Pacita ,kagaya nang pagmamahal ko sakanya ,dahil nagawa nyang isuko sakin ang lahat ,maging ang pagsuway sakanyang mga magulang ..Pinili nya kaseng ipagpatuloy ang relasyong mayroon kami kahit na tutol samin ang kanyang mga magulang dahil nga isa lamang daw akong hamak na tambay ,walang maipagmamalaki ,.Pero dahil mahal ko sya ay ipinilit ko ang sarili ko sakanya ,pinaniwala ko sya sa mga matatamis kong salita ,nangako akong magbabago at magsusumikap ..

  Nagsama kami nang halos tatlong buwan ,ilang beses di syang binabawi sakin noon pero hindi ako pumayag ,at dahil mahal nya nga ako ay patuloy nya ring sinuway ang kanyang mga magulang ,.

Hanggang sa nagbunga na nga ang aming kapusukan ,nalaman kong magdadalang tao sya ,subalit sa halip na maging masaya para sa kalagayan nya ay bigla ko na lamang naramdamang hindi pa pala ako handa sa mga ganoong bagay ,.natatakot ako hindi kupa kayang maging ama ..

Habang natutulog sya ,labag man sa loob ko ay iniwan ko syang mag isa ,alam kong nang mga panahong iyon ay napakawalang kwentang tao ko ,pero wala akong magawa kundi ang lumayo nalang at tumalikod sa responsibilidad ko ..

Nagpunta ako noon dito sa Nueva Ecija ,bali taga dito kase ako ,napadpad lang ako noon sa Quezon dahil sa isang kaibigan at doon ko nga nakilala si Pacita ,.Nang makauwi nako noon dito sa aking probinsya ay wala akong pinagsabihan nang kahit na sino nang tungkol sa tinalikuran kong responsibilidad sa manila ,maski ang kaibigan kong si Arthuro ay hindi ito nalaman ..

Hanggang sa lumipas nga ang ilan taon ,isa ,dalawa,sa mga panahong iyon ay alam kong nakapanganak na si Pacita ,baka nga lumalaki narin ang bata ,wala ring araw na hindi ako pinatulog nang konsensya ko ,sobra akong nagigilti sa nagawa kong pag iwan sa mag ina ko ..

Sa mga panahong iyon sinubukan kong magbago ,nagsumikap ako ..humanap nang maayos na trabaho nag ipon para kapag bumalik ako sakanila ay kaya ko silang itaguyod ..Binalikan ko sila noon sa Quezon pero hindi ko sila mahanap ,hanggang sa nabalitaan ko nalang na nag abroad daw si Pacita at ang anak nga namin ay nasa pangangalaga daw nang kanyang ama at kapatid ,gustuhin ko man pumunta sa anak ko noon hindi ko magawa dahil wala akong mukhang maihaharap sa pamilya ni Pacita ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon