Chapter 24 YOU ME TAYO

1K 31 3
                                    


hello readers ,..kamusta naman ang putukan ??nakailan kayo ??haha choss ..

anyway sa chapter na ito naway kiligin kayo ,hmm bigla nalang kase pumasok ito sa isip ko eii hihi ..

pakiplay pala ho yung song para MUSHROOMNANTIC .hihihi ..


Aomy's POV






Mula nang magkaroon nako nang lakas nang loob na dumalaw sa puntod ni Roxie ay masasabi kong mas gumaan na ang pakiramdam ko ,unti unti na kaseng naglalaho ang mga sugat na nilikha nang kahapon ,alam nyo yung ang sarap nang huminga ,magaan sa loob ,yung wala nakong iniisip na anumang mga masasakit na bagay ,masasabi ko kaseng tuluyan kunang natanggap ang nangyari at sinapit ni Roxie ,napatawad kuna rin kase ang sarili ko kaya naman sobra talaga akong nagpapasalamat kay Tinay dahil sya ang nagbukas nang puso at isipan ko para muling bumangon ..

Bukod kase sa pakikipag usal sakin ni Roxie sa isang panaginip ay kinumbinsi din ako ni Tinay para mas lalong maging bukas ang aking isipan sa kung anu man ang nais iparating sakin ni Roxie ..

Nang magpunta nga kami sa puntod nang huli ay hindi narin ako nag aksaya pa nang panahon upang magconfess sakanya ,.Noong una ay talagang kinakabahan ako ..natatakot sa maari nyang maging sagot ,pero naisip ko na kailangan ko iyon gawin upang mas lalo nang mabawasan ang mga dinadala ko ..Sa katunayan nga nyan ay pinlano ko rin naman talaga na sabihin sakanya ang damdamin ko sa mismong harapan nang puntod ni Roxie para mas maramdaman nyang sincere talaga ako ,at ang totoo kase nyan ay muli nanamang nagpakita si Roxie sakin sa isang panaginip nuong gabi bago kami magtungo sa puntod nya ..

Sa pagkakataong iyon ay sinabi nya sakin na panahon na para maging masaya ako ,binigyan nya rin ako nang lakas nang loob upang umamin kay Tinay nang damdamin ko ,kaya naman hindi nako nagpatumpik tumpik pa at sinabi kuna nga iyon sakanya ..

Natutuwa pa nga ako sa naging reaksyon nya dahil parang ayaw nyang maniwala ,pero handa naman akong patunayan sakanya kung gaano ako kaseryoso ,kaya nga iyon ang ginagawa ko ngayon ..Matapos kase naming manggaling sa puntod ni Roxie ay nagsimula narin akong manuyo kay Tinay ..

Inumpisahan ko ito sa mga simpleng gawain ,ipinagdadala ko sya nang mga pagkain ,almusal ,meryenda at kung anu anu pa ,..Mabuti na nga lang at talagang inalam ko mula kay Jay ar kung anu ang mga paborito nang ate nya ,kaya naman lahat nang mga ibinibigay ko ay alam kong magugustuhan nya ,.katulad na lamang nang lumpiang shanghai ,nakakatuwa nga dahil parehas pala naming paborito ito eh ,kaya nga yung karakter namin sa show ay madalas parang hango din sa tunay naming pagkatao ..

Madalas ko nga din pala syang bigyan nang manggang maniba ,chocolate cake at ipinagluluto kurin sya nang sinigang ,dahil alam kong paborito nya ang mga iyon ,.Minsan naman pumupunta pako sa mall para lang ibili sya nang mga stufftoy na spongebob ,iyan daw kase ang paborito nyang character eh ,well mahilig nga pala sya sa dilaw kaya naman kapag magregalo talaga ako ay hindi mawawala ang dilaw ..

Habang tumatagal nga ang panliligaw ko sakanya ay mas lalo koring pinapakilala sakanya kung sino ako at kung gaano ako kapursigidong mapasagot sya ..Hindi nga rin pala lihim sa lahat ang panunuyo ko sakanya dahil kahit ma sa mga taga hanga lalo sa social media ay pinag uusapan ito ,.Well hindi ko naman intensyong gawin ito para mapag usapan lang ,dahil seryoso naman talaga ako sakanya kaya nga araw araw ko iyong pinapatunayan ..

Maging ang aking mga magulang nga pala ay nakasuporta din sa panunuyo ko sakanya ,lalo na si daddy na masasabi kong malaki na ang pinagbago nang aming pagsasama mula nang tuluyan nakong umuwi sa bahay ,madalas nga ay binibigyan nya pa ako nang mga tip kung paano manliligaw kay Tinay eh ,kung anu ano pa ngang mga "da moves" ang sinasabi nya ,bagay na talaga namang ikinatutuwa ko ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon