Chapter 6 Ang Matulunging Kaibigan

1.2K 32 1
                                    


  hello readers another chapter ho ito sana magustuhan nyo ..

  xii Monic ho yung nasa media ,isa sa masugid na tagahanga ni Tinay :))

well ituloy na natin ,





  Tinay's POV









   Hanggang ngayon ay nalulungkot padin ako para sa kalagayan nang kapatid kong si Yna,.Ayon kase sa pagsusuri nang doktor na tumingin sa kanya ay unti unti daw nagkakaron nang butas ang puso nya at maari itong lumala kapag hindi agad naagapan ,kaya naman sobra akong natatakot sa maaring mangyari kapag hindi namin sya agad naipagamot ,.Pero gustuhin kumang paoperahan sya ay wala naman kaming pagkukunan nang gagastusin dahil nga nangangailangan nang malaking halaga pera sa kanyang agarang operasyon ..


   Ngunit hindi ko talaga alam kung saang kamay nang diyos namin kukunin ang limang daang libong piso para sa operasyon nang kapatid ko ,lalo pa at sa buong buhay ko ay hindi pako kailanman nagkaroon nang ganun kalaking halaga ..At higit sa lahat ay wala ding trabaho ngayon si itay dahil nga tapos na ang kontrata para sa ginagawa nilang bahay at wala parin naman syang pwedeng pasukan ngayon ,maski si inay ay wala naring trabaho ,makatanggap man sya nang tahiin ay sapat lang din naman iyon sa aming pangkain ..

   Hayy ..napakalaki talaga nang dagok na dumating sa aming buhay ,pakiramdam ko nga kung minsan ay hindi namin ito kakayanin lalo pa at kabikabila ang problema na aming pinagdaraanan sa ngayon ..

   Isa pang dagok na dumating sa amin ay ang tungkol kay Jay Ar ,nahuli kase sya nang mga baranggay tanod na kasama sa mga akyat bahay na kabataan ,.Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magagawa nya iyon ,dahil kilala ko si Jay Ar. ,pero umamin din naman sya sa nagawa at sinabi nya nga rin na kaya nya iyon nagawa ay naawa na talaga sya sa kalagayan namin ..Kaya sa bagay na iyon ay naintindihan ko naman ang kapatid ko nangako din kase sya na hindi nya na uulitin ang pagkakamaling iyon ,.

  Nakausap narin naman namin ang bahay na pinagtangkaan nilang pagnakawan ,tiyuhin pala ito ni Monic kaya naman natulungan nya nga akong makiusap sa kanila ,.Kalaunan ay pumayag din naman sila kase mababait na tao rin naman sila at naniniwala din naman sila na mabait talaga ang kapatid ko ,at dahil nga rin doon ay nakuha nila bilang hardinero ang kapatid ko sa kanilang bahay para naman daw kahit paano ay may pagkakitaan ito at nang hindi na muling mapasama sa mga kabataan na gumagawa nang masama ..

    Nandito nga pala ako ngayon sa palengke ,araw kase nang sabado at walang pasok kaya naman namamasukan ulet ako bilang tindera kay ninang Pasing ,ito lang din daw kase ang alam nyang paraan upang makatulong sa amin ..

   Mabuti nalang talaga at hindi parin kami pinapabayaan mang diyos dahil may mga tao parin na nakahandang tumulong samin upang makaahon sa mga pagsubok kahit paano.,.hayyy


   Si Monic ay palagi ring andyan ,nakaalalay sakin sa lahat nang oras ,hindi nya ako iniiwan lalo na sa sitwasyong pinagdaraanan namin ngayon ,.Palagi nya akong pinapatawa,pinapayuhan at dinadamayan sa lahat nang oras ,..Masasabi kong maswerte ako dahil naging kaibigan ko sya dahil napakabuti nya sakim kahit na al nyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ioffer sakanya ..

   Ilang beses narin kase syang nagtapat sakin eh pero hindi talaga ako makaapuhap nang kakaibang damdamin para sa kanya ,.Alam ko may mga pagkakataon na nasasaktan kuna yung damdamin nya pero nananatili parin syang nandyan para sakin ,.Masasabi ko nga na halos bestfriend narin ang turingan namin eh dahil nga palagi ko syang kaagapay sa lahat nang oras ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon