Chapter 29 Ang Masayang Bakasyon :)

698 20 1
                                    



  hello readers ..kamusta kayo ??namiss nyo ba update ko ??haha asa pa .hmm

anyway salamat pala sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko sana po napapangiti ko kayo sa mga update ko kahit na ang tagal bago ako sipagin .haha

ohh sya ito na po ;))







Tinay's POV




  Maaliwalas na paligid ,masarap na simo'y ng hangin ..tahimik na lugar at payapang pamumuhay. Iyan ang sobra kong kinasasabikan ..Ganyan kase ang buhay namin dito sa probinsya ,dito nararamdaman kong isa lamang akong ordinaryong tao ,katulad nang marami ,malayo sa buhay ko sa manila ,hinahangaan ,tinitilian at iniidolo nang marami ,dito nagagawa ko ang gusto ko ,yung walang mga matang nakatingin sa bawat kilos ko ,walang pumupuna ,nanlalait ,walang mediyang nakamasid sa bawat kilos at galaw ko ..haayyy ang sarap, talaga nang ganito ,ang sarap balikan nang ganitong buhay ko ...

  Yung magigising ka sa umaga dahil sa mataas na sinag ni haring araw ,yung mararamdaman mo sa balat mo ang mga munting sariwang hangin ,maririnig mo ang mga tilaok nang manok ,ingay nang mga nagdaraang trisikel sa kalsada ,kwentuhan nang mga kapitbahay ,ilan lang iyan sa mga talaga namang namimiss ko dito sa amin ,kaya naman sobrang saya ko talaga dahil nabigyan ulet kami nang pagkakataon upang makapagbakasyon ..

  Ikinatutuwa koring makasama ulet ang pamilya ko ,ang dahilan nang pagtitiyaga at pagtitiis kong malayo sa kanila ,para lamang mabigyan ko sila nang magandang buhay ,kagaya na lamang nang tinatamasa namin ngayon ..

  Masasabi kong nagbunga na nga ang lahat nang pagsusumikap ko ,naipaayos kuna kase ang bahay namin ,hindi na ito kagaya nang dati na para daw barong barong sabi nang mga nakaaangat .Ngayon kase ay simentado na ito ,medyo lumaki nadin at lumuwang ,.Maging ang tindahan nga ni nanay ay naipaayos kuna rin at pinalagyan ko nang maraming laman ,para naman may pinagkakaabalahan sila ni tatay ,.Ayaw kuna kaseng magtrabaho pa si nanay eh ,sobra na kase iyong ginawa nilang pagsasakripisyo nuon para itaguyod kaming magkakapatid ..

  Kaya nga nang may dumating na magandang oppurtunity sa akin ay pinangako ko talaga sa sarili ko na ito na ang way ko para makabawi sa mga magulang ko ,sinimulan ko nga iyon sa unti unting pagpapaayos nang bahay ,pagbibigay sa kanila nang dagdag na negosyo at syempre pagpapaaral sa mga kapatid ko , iyon nga lang matigas narin talaga ang ulo ni Jay Ar.  Ayaw nyang pumasok sa iskwela ,matanda naraw sya para doon ,pero hindi parin ako titigil para kumbinsihin sya .Dahil para din naman talaga iyon sa kinabukasan nya ...

  Masaya kong pinagmamasdan ang tanawin mula sa labas nang maramdaman kong gumalaw ang katabi ko ,ou nga pala andito ako ngayon sa kwarto ko at syempre katabi ko ang pinakamamahal kong tomboy .

"goodmorning wifey ,.kanina kapaba gising ??tanong nya habang nagkukusot nang mata ..haayyy ang cute talaga nang mokong na ito ,kaya napasagot nya ako eh .hihi

"goodmorning ,hmm hindi naman husbie ,halos kagigising kulang din ..naisip kolang kase na sobra ko pala talagang namiss itong lugar namin ,  thankyou ah kase sinamahan mokong umuwi dito ..saad ko naman ..

" anu kaba wala iyon ,..saka isa pa gusto ko din kase marelax nang ganito eh ,saka tama ka nakakamiss nga dito .sagot naman nya sabay kiss sa noo ko ..

"kaw talaga ,ohh tara bumangon na tayo at medyo tirik na ang araw ,masakit na sa katawan kapag tinanghali pa tayo sa higaan ..pag aaya ko sa kanya ..

" uhhmm pwede bang mamaya nalang wifey . sagot naman nya sabay halik sa tenga ko ,kaya naman nakaramdam ako nang tila kuryente sa aking katawan ..pero hindi pwede ang iniisip nya .

"husbie ,kung anu man yang nasa isip mo itigil muyan at mali ..maling mali ..bata pa ako ..mataray kong sagot sabay tapik sa ulo nya ..

" uhmpp kaw naman ,para naglalambing pang eh ,..sagot naman nya ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon