dahil may naisip ulet ako ng maaring idugtong hindi kuna ito patatagalin pa ..
kaya naman ituloy na po natin ,sana magustuhan nyo kung san man mapunta ang kabanatang ito ;)
Aomy's POV
Mag-iisang buwan narin pala mula noong kinausap ako ni direk tungkol sa inooffer nyang trabaho sakin sa ibang bansa ,at hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapagdesisyon kung ano nga ba talaga ang dapat kong piliin ,kung ang babaeng mahal na mahal ko oh ang isa sa pangarap ko ..haayyy Ang hirap naman kase ,sobra nakong gulong gulo ,lalo pa at napakabilis ng takbo ng bawat araw, .Para kaseng kahapon lang ang lahat ,parang kahapon lang mula ng dumating sakin ang ganitong oportunidad na bihirang magkaroon ang marami ..
Kagaya kase ng sabi ko pangarap ko talaga iyon eh,kaya kung maari ayaw ko sana itong palampasin ,isang malaking katangahan kase kung papalagpasin ko ito,isang oportunidad na alam kong gusto ding marating ng ilan ,pero ako ito na ..Kung tutuusin abot kamay kuna ,hindi ko kailangan paghirapan pero hanggang ngayon nga ay hindi ko parin talaga alam kung dapat ko nga ba talagang tanggapin ..
Mahirap yung sitwasyon ko sobra ,maski nga ang puso at isip ko ay nagtatalo narin ,may bahagi kase ng puso ko na gusto kong piliin yung pangarap ko ,pero isipin ko palang na maari akong malayo kay Tinay ay sobra nakong nahihirapan,ang dami kong naiisip ,paano nalang kung mali palang piliin ko ang pangarap ,kung mawala sakin si Tinay dahil doon ?oh di kaya paano kung piliin kong manatili dito upang makasama si Tinay pero pagsisihan ko ito dahil tinanggihan ko ang kumakatok na oportunidad para sa akin ..haayyy !!!
Sumagi din sa isip ko na maari pang magpatuloy ang relasyon namin ni Tinay kahit nasa ibang bansa ako pero paano ??Mahirap ang long distance relationship ,.siguro madali iyon kung panandalian lang or kung hindi ako ganoon kalayo sakanya ,pero hindi eh ,sobrang layo ng amerika kaya baka parehas lang kaming mahirapan ..Saka isa pa kung tatanggapin ko ang offer ay posibleng mas lalo akong maging busy ,baka nga hindi nalang mga basta bastang lugar ang punatahan ko nuon ,baka nga halos malilibot kodin ang buong mundo ..Iyan ang bagay na matagal kunang gustong gawin at alam kong ito na iyon pero hindi ko talaga kayang iwan ang buhay na mayroon ako dito ..
Masasabi kong hindi lang din naman si Tinay ang dahilan ng pag aalinlangan ko eh,kundi maging ang buong pamilya ko ,ou nga madalas wala ako sa bahay ,pero kahit naman ganoon hindi ko parin kaya na malayo sakanila ng ganun kalayo at matagal na panahon ,.tatlong taon din kase ang magiging kontrata ko sa show kung sakali ,at once nga na pumayag ako ay aayusin na nila ang kontrata at iba pang mga kakailanganin sa show ..
Well kagaya nga ng sabi ko ,hindi ko kayang malayo sa pamilya ko ,ngayon ko nararamdamang hindi ko kakayaning mabuhay mag isa ,hindi pa ngayon ,hindi ako handa ,.Ngayon palang din kase kami ulet nagkakalapit ni daddy kaya naman ayaw kong may masayang na oras na makasama ko sya ,.Hindi korin kayang wala si mommy sa tabi ko ,ang taong unang tumaggap kung ano ako ,ang pangunahin kong taga pagtanggol ,gayon din ang kuya ko na palaging andyan para magpayo sakin at syempre si Cassy na palagi kong nakakaaway pero at the end of the day sya parin ang kumakausap sakin kapag may mga kamalian ako ,sya nga din ang unang nanukso sakin noon kay Tinay kaya ako nadebelop dito ..haaayyy paano ko nga ba iiwan ang mga taong iyan ,.pero paano rin naman iyong pangarap ko ??hmmm ..
"hello wifey ,asan kana ??tanong ko kay Tinay ,tinawagan ko kase sya ..
" husbie andito pako sa set eh ,i'm sorry pero mukhang hindi ako makakarating kailangan kase naming iretape iyong ibang eksena ,sorry talaga ..saad nya pa ..
"ah sige okay lang ,sagot ko naman at ibinaba kuna ang tawag ..
Matapos ang usapan naming iyon ay nakaramdam ako ng pagkadismaya,ngayon pa naman sana ang time na ioopen ko sakanya ang tungkol sa offer sakin ,kaya nga pinaghandaan ko ito ,.Nagluto ako ng mga paborito naming pagkain pero mukhang masasayang lang ang lahat ng effort ko dahil nga hindi sya makakarating ..
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romancehello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...