Chapter 54 Ang Tunay na Pagkatao

472 15 1
                                    

  hello readers eto na ulet ang isa pang kabanata ;))

hindi ko muna sila pagkikitain ah ,baka next chapter hihi ..

sya ituloy na natin ..




Amy's POV


Nag aayos ako ng mga halaman sa aming hardin ng muli akong makatanggap  ng tawag mula sa aking asawa na ikinagulat ko ,dahil kagabi lamang ng huli kaming nag usap kung saan ipinaalam nya sakin na hindi daw muna sila makakauwi ni Aomy dahil kailangan nilang makausap si papa dahil sa napakaimportanteng bagay , sinubukan ko itong itanong sakanya pero sinabi nya na pag uwi nalang daw nila saka ko alamin ang nangyari kaya naman naguguluhan man ako ay hindi nalang ulet ako nagtanong ,naisip ko na baka importante nga talaga ito ,.samantala sinagot kuna ang tawag ng aking asawa dahil baka mayroon pa syang sasabihin ..

"hello honey ??may nakalimutan kabang sabihin ??pauwi naba kayo ??sunod sunod kong tanong ..

" yes honey ,.pabalik na kami ,pero kailangan naming dalhin ng ospital si papa ,saad nya na ikinagulat ko ..

"ha ??bakit anong nangyari sakanya ??histerikal kong tanong ..

" inatake sya kagabi ,and we found out na may butas ang puso nya ,kailangan nyang maoperahan kaya dadalhin namin sya ngayon dyan sa manila ,paliwanag nya ..

" ha ??bakit ano bang nangyari ??taranta konang saad.

"siguro matagal nya na itong sakit ,hindi lang sya nagsasabi ,anyway i have to go ..ipinaalam kolang syo ang nangyari ,pabyahe na kami ngayon pabalik ng manila ,dagdag nya pa ..

" sige ,tawagan moko agad kapag nandito na kayo ,mag iingat kayo ..malungkot kong saad ..

"okay hon ,basta wag kang masyadong mag isip ,everything will be alright ,saad nya at ibinaba na nya ang tawag. .

Nang matapos ang aming pag uusap ng aking asawa ay nakaramdam ako ng matinding kalungkutan dahil sa nangyari kay papa ,kinakabahan ako dahil baka may masamang mangyari sakanya pero wag naman sana ,..Wag sana syang pabayaan ng diyos ..

Hanggang sa lumipas pa nga ang ilang oras at tumawag ulet ang asawa ko para ipaalam sakin na nakarating na sila ng ospital kaya naman agad nakong nagpunta doon upang makita ko ang papa ..Nang makarating nako sa ospital ay nakita ko agad ang malungkot na mukha ni Aomy na tila nababahala din sa nangyari sa kanyang lolo .Alam ko kase na sobrang malapit si Aomy kay papa dahil ito halos ang nagpalaki sakanya ,kaya gayon na lamang ang nararamdaman nyang lungkot dahil sa kalagayan ng lolo nya ..

" mommy si lolo ,umiiyak nyang saad ..

"sshh anak ,don't worry ,after the operations everything will be fine ,magtiwala lang tayo ,hindi sya pababayaan ng diyos ,pagpapakalma ko sakanya ,pero sa totoo lang pakiramdam ko ay panghihinaan narin ako ng loob ..

" sana mommy gumaling sya ,promise ko babawi ako sakanya ..hindi ko kayang mawala si lolo mom ,kahit pa may bad syang nagawa ..parang bata nyang saad habang umiiyak ..

"ha ??bakit anak anong nagawa nya ??takang tanong ko ..

" mom ,may alam si lolo tungkol sa pinanggalingan ko ,sya ang nagbayad kay lolo Sebio noon tapos ako ang kapalit ,paliwanag nya pero hindi ko sya maunawaan ..

"anak ,ano ba yang sinasabi mo ??hindi kita mainindihan ..naguguluhan kong tanong ..

" mom ,nung pumunta kami ng Isabela ,kinuwento ng nurse ang lahat ng nangyari ,may kakambal ako mom ,at naging kritikal ang kondisyon nya kaya tinulungan sila ni lolo ,binigyan sila ng pera pero ako ang kapalit ,mulig paliwanag nya pero nanatili akong hindi kumikibo kaya nagsalita ulet sya. .

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon