Chapter 51 Kamalian

471 16 1
                                    

  hello readers.  may update ulet ako kahit wala pang vote yung update ko kanina ..hihi

  para din matapos na ito ,kase excited nako sa isang story ehh ..may naisip na kase akong idea dun ,peo auko pa syang ipost kaya naman tapusin ko muna ito ayos ba ??

anyway ..si nurse Mildred Perez po ang nasa media ..at pov nya rin muna pala ito para mabigyang linaw din yung side nya ..

and one more thing po ,sorry ulet sa mga typo's ..

sya ituloy na natin ;))



Mildred's POV






  May bente singkong taon na ang nakakalipas ,pero sariwa pa sa aking ala ala ang naganap noong araw na iyon ,..Ang araw kung kailan kinailangan kong magsinungaling sa isang tao ..Alam kong mali ang ginawa ko ,pero wala akong pagpipilian noong mga panahong iyon ..Kailangan ko kaseng gawin iyon upang maitago ang katotohanan ..Ang katotohanan na hanggang ngayon ay ayaw akong patahimikin ..

Sino nga ba ang matatahimik kapag nakagawa ka ng ganoong bagay ??alam ko ang maaring maramdaman ng taong iyon dahil isa rin akong ina pero binalewala ko iyon ..Hindi ako nag isip at naging padalos dalos ,palibhasa'y hindi korin kase matanggihan ang isang kaibigan ..Kapag hindi ko kase ginawa ang bagay na iyon ay siguradong mas uusigin ako ng konsensya ..Ang gulo ,hanggang ngayon ay hindi ko masabi kung tama nga ba oh mali ang ginawa ko ..Basta ang tanging alam kolang ay may dalawang naidulot ang ginawa ko ..,maganda at hindi ..

Maganda dahil nakatulong ako sa taong nangangailangan ,nakapagbigay ako ng solusyon sa taong alam kong nangangailangan ng tulong ko ng mga panahong iyon ..Pangalawa ,hindi maganda dahil ,pinagkaitan ko ng tunay na pagkakakilanlan ang isang tao, .Nagawa kong ilayo ang isang walang muwang na bata sa kanyang tunay na ina ..,Ngunit nagawa ko ang bagay na iyon hindi dahil gusto ko ,.kundi para makatulong ..Para makasagip ng buhay ..Mali nga ba ??mali nga kaya ang nagawa ko ..Ang tagal na pero ayaw parin akong patahimikin ng konsensya ko ..

Nagtatrabaho ako noon bilang isang nurse sa St Matthew General Hospital kung saan mahigit tweenty years narin akong nurse ..Maganda ang record ko noon ,maayos at ako ang isa sa pinakamahusay na nurse sa ospital na iyon kaya naman wala sigurong maniniwala kapag nalaman nila ang tungkol sa nagawa ko ..

Ako ang nag asikaso sa isang pasyente noon na manganganak ,.naalala kupa nga na nawalan ng malay noon ang ginang matapos nyang isilang ang kanyang unang anak ..at ilang saglit pa ay nagulat ako sa sinabi ng midwife na mayroon padaw isang bata ..at nailabas nga ito habang wala paring malay ang ginang ..

Hanggang sa ilang saglit pa at tila nahirapang huminga ang isa sa kambal ,oo tama kayo ,kambal nga ang naging anak ng ginang ,kambal na babae. .Naalala ko ng masilayan ko ang dalawang bata ,sa umpisa ay walang bahid ng pagkakapareha ang dalawa ,hindi kase sila magkamkua pero kapag tinitigan mo ito ng matagal ay saka mo palang masasabing magkamukha nga ang dalawa ..

Ang ganda nga nilang pagmasdan eh ,parang mga anghel ..Sobra akong natuwa noon dahil bihira akong makasaksi ng pinanganak na kambal. .Kaya naman hindi korin maiwasang maaliw sa dalawang bata..

Samantala kagaya nga ng sabi ko ay nahirapang huminga ang bata kaya kinailangan namin itong ireleave ,dinala namin sya sa nursery room upang mas maobserbahan ..Noong panohong iyon ay naawa ako sa bata dahil bigla na lamang nangitim ito at parang lumalaki ang puso base sa itsura nya kaya naman agad itong ineksamin ..

Napag alaman naming hindi maayos ang kondisyon ng bata at kinailangan itong gastusan ng malaking halaga , doon ko nakausap ang isang taong humingi sakin ng pabor upang gawin ko ang isang bagay na bumabagabag sakin ngayon ..

"nurse ,kamusta ang anak ko at ang baby nya ??tanong ng isang lalaki na sa tantiya ko ay mas matanda sakin ng limang taon ..

" wala parin pong malay ang anak nyo ,yung isang bata po okay naman sya malusog ,pero yung isa po nagkaproblema .saad ko na ikonagulat nya. 

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon