hello again readers ..kagaya po ng sabi ko ito na po ang last chapter ,kaya naman muli ay nagpapasalamat sa inyong lahat ..
thankyou kasi nakasama ko kayong umiyak ,tumawa at kinilig sa story ng ating mga bida ..
sana po kahit paano ay tumatak ang kanilang kwento sa inyong buhay ,and sana din ay nakarelate kayo kwento nila ..
ohh sya ituloy na po natin at medyo mahaba haba ito ..hihi :))
Tinay's POV
Isang taon narin pala ang lumipas mula noon ,parang kailan lang ,napakabilis talaga ng panahon ,at sa sobrang bilis nga nito ay halos hindi kuna namalayan ..Ang akala ko nga noon ay hindi ko ito makakayanan at hindi ako makakaget over ,pero hindi ganoon ang nangyari ,para kaseng mas madali kong natanggap ang nangyari ngayon eh ,hind katulad noon na inabot ng halos dalawang taon bago ko nasabing okay na talaga ako ..
Nang magkahiwalay kase kami ni Monic ay mas madali ko itong natanggap ,yun bang mas kinaya ko yung sakit dahil hindi ako nahirapan , dahil hindi naman ganoon kasakit ,siguro kase kahit pa sabihin kong mahal ko sya ay hindi parin naging ganoon kalalim ang pagmamahal ko sakanya ,kumabaga mas marami kase akong itinira para sa sarili ko ,hindi kagaya noong kay Aomy na halos ibinigay ko sakanya ang lahat at wala akong tinira para sa sarili ko ..
Iyon kase ang natutunan ko sa larangan ng pag-ibig eh ,hindi mo kailangang ibigay ang lahat para sa kanya,dapat mas mahalin mo ang sarili mo ang magtira ka ng para dito ,para kung sakali man na dumating yung panahon na hindi naman pala kayo ang nakatadhana ay hindi ka gaanong masaktan dahil may natira padin sayo .Pero kalakip naman talaga ng pagmamahal ang masaktan ,saka isa pa sa bawat sakit na nararamdaman mo ay mayroon kang natututunan.
Noong gabing mangayari ang hiwalayan namin ni Monic ,halos magdamag din akong umiyak noon ,hindi ko kase matanggap na magagawa nya sakin iyon ,ang buong akala ko naunawaan nya ako na hindi pako handa sa bagay na gusto nya ,ang akala ko irerespeto nya iyon pero hindi ganoon ang nangyari ,dahil naging kabaliktaran ito ng lahat ng inakala ko ,.Nung makita ko iyong itsura nya sobra din akong natakot ,dun ko nakita yung side nya na hindi maganda ,dismayado ,dissappointed ,. Naunawaan ko naman sya eh ,naintindihan ko naman ang gusto nyang mangyari pero ewan koba ,hindi talaga ako handa eh ,para bang may pumipigil sa buong sistema ko na wag gawin ang gusto nya ..
Siguro ganoon talaga ,minsan kahit mahal mo ang isang tao hindi parin iyon sapat kase kulang ang salitang mahal lang ..Dapat kaya mo talagang ibigay sakanya ang lahat ,iyong lahat lahat ..buong ikaw ..siguro nga ganoon ang totoong pagmamahal at iyan ang paniniwala ng ilan ,.Pero sa totoo nyan naisip korin na kaya hindi ako handa sa gusto nya ay dahil may salita akong pinapangalagaan ,na ibibigay kulang ang buong ako sa taong sure nako na sya na talaga ,yung wala ng pag aalinlangan ,.mararamdaman ko naman iyon eh ,kapag sya na iyong hinahanap ko ..
Nung kay Monic kase ay takot talaga ang naramdaman ko ,para bang bigla kong naisip na hindi pwede ang gusto nya ..dahil hindi sya ang inaasahan kong gagawa sakin ng ganun ..Alam nyo yung wala akong naramdamang spark or kilig sa halik nya sakin noon kundi puro kapusukan lang ,walang halong pagsuyo ..haaayyy ..Ewan koba kung bakit ako nagkakaganito ,kahit sarili ko hindi ko maintindihan noong mga panahong iyon eh ,..
Kagaya nga ng sabi ko ,isang taon na mula noon ..mula ng magkahiwalay kami ni Monic ..sinubukan nyang makipag ayos ,pero para kaseng hindi na tama na ipagpatuloy pa namin eh ,.Baka kase kung magkakaayos kami ulet tapos magduda nanaman sya sakin ay humantong pa kami sa mas matindi ,iyong halos mamuhi na kami sa isa't isa ..Kaya naman mas pinili kong itigil nalang namin kaysa palagi lang kaming mag aaway ,nakakasawa din eh ,paulit ulit nalang nakakasakal na. .
![](https://img.wattpad.com/cover/85548641-288-k791401.jpg)
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romancehello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...