alam nyo yung napakahaba na nang natype ko ,..as in 3000 words na mahigit. .halos kalahating araw kuna ngang tinatype eh ,tapos hindi pala nasave ..nakakapeste diba ??haayysss pashnea talaga sarap ibato nang cellphone ko .
nakakaasar talaga ,tuloy magsisimula nanaman ako haayysss ..
sya gayon pa man ,sana magustuhan nyo parin ito ,at sana maalala ko iyong mga tinype ko kanina .ala pa naman akong copy nun .grrrr
play nyo narin pala iyong nasa media mamaya thanks ;))
Tinay's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ,akalain nyo iyon ang papa pala ni Monic ay walang iba kundi si Mang Delfin ,ang driver nila Aomy ..Well ayon kase sa kwento ni Monic kailanaman ay hindi nya raw nakita oh nakilala man lang ang kanyang ama kahit na minsan ,kahit nga litrato nito oh pangalan ay hindi nya alam ..Sa pagkakaalam nya nga ay matagal na itong patay dahil hindi ito kailanman naikwento sa kanya ni ninang Pasing habang lumalaki sya ,kaya naman laking gulat korin talaga nang malaman kong buahy pa pala ang papa nya at uto nga ay wala ring iba kundi ang ninong ko ,na kaibigan ding matalik ni tatay mula namg siya ay binata pa ..Sino nga ba naman mag aakala diba ??na ganoon pala talaga kaliit ang mundo para sila ay muling pagtagpuin ..
Mula pagkabata ay kilala kona si Monic ,kaya naman alam na alam kong sabik din sya sa pag aaruga nang isang ama ,nagkaisip kase sya na tanging yung mama nya lamang ang kasama nya sa buhay ,well noong bata sya ay may kinilala naman syang ama sa katauhan nang lolo nya dahil ito nga ang nag alaga sakanya noong mag abroad ang mama nya ,kaya naman gayon na lamang ang naramdaman nyang kalungkutan nang mawala ito sa buhay nila ..
Kahit na nga dinala pa nila ito noon sa amerika at ginastusan upang ipagamot sa loob nang dalawang taon ay nawala din ito ,habang kinukwento nga sakin ni Monic ang pangyayaring iyon ay talaga namang nakaramdam din ako nang awa at lungkot para sakanya ,.Dahil din kase sa kaganapang iyon ay mas lalo syang nangulila sa pagmamahal nang isang ama ..Hindi nya lubusang naramdaman kung paano nga ba magkatatay ,iyon din siguro ang dahilan kung bakit naging matigas si Monic ,kung bakit kahit babae sya ay mas pinili nyang magkilos lalaki ,marahil ay naisip nya na kailangan nyang maging matapang kagay nang isang tunay na lalaki ,kailangan nyang maipagtanggol ang mama nya dahil sya lang naman ang aasahan nito ..
Wala narin kase silang mga kamag anak dito sa pilipinas ,nasa amerika narin kase ang tito nya na isa rin sa mga kumupkop sakanya noon ,doon naraw ito nanirahan magbuhat nang mamatay ang lolo nya .Gusto rin daw sana manatili doon nang mama nya pero nagkaproblema naman sa mga papeles at isa pa malaki ang magagastos nila kung sakali ,kaya naman sa halip na ipampaayos nang mga papeles ay mas pinili nalang nilang bumalik dito sa pilipinas at magpatuloy nga nang negosyo na di kalaunan nga ay napalago nila ,dahil narin sa galing ni ninang Pasing na maghandle nito ..
Sa totoo nyan habang kausap ko si Monic patungkol sa papa nya ay ramdam ko ang galit nya dito ,naintindihan ko naman sya sa bagay na iyon ..Alam ko kase ang mga pinagdaanan nila nang mama nya mula pa noon ,kung paano nila hinarap ang buhay kahit sila lang dalawa , Siguro nga maganda ang buhay nila ,nabibili nila ang mga bagay na gustuhin nila pero wala silang kumpletong pamilya ,bagay na mayroon kami kahit na kapos na kapos kami nang mga panahong iyon ..
Naalala kupa nga na ilang beses ding hiniling ni Monic na sana raw ay nagkaroon din sya nang pamilya kagaya nang samin ,masaya ,buo at kumpleto ,sila kase malabong mangyari iyon ,pero tingnan mo nga ngayon ,iyong pinapangarap nya at alam kong matagal nya nang dalangin ay mukhang mangyayari na nga ,.Dahil nga bumalik na ang papa nya ,at handa na nga nitong punan lahat nang mga naging pagkukulang nito sakanila noon ..
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romancehello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...