Chapter 41 Ang Tagasalo

434 16 2
                                    









aun sinipag ulet ako mag update hihi ..anyway mukhang may nalungkot nanaman sa last chapter ko ahh .hmm pero ganon talaga team TINIC ako ehh hahaha. .

sya tuloy na natin at ready nadaw magkwento si Monic ;)










Monic's POV









  Nang malaman ko ang nangyari sa kanila ay sobra din akong nasaktan para kay Tinay ,alam ko naman kase kung gaano nya kamahal si Aomy at kung gaano nya pinahahalagahan ang relasyong mayroon sila. Napatunayan ko iyon ng mga panahong nagkakaroon sila ng mga tampuhan kung saan ako ang palaging iniiyakan ni Tinay at sinasabihan nya ng kanyang mga hinanakit ,.Madalas din kase silang magkaroon ng pagtatalo noon ,mga hindi pagkakaunawaan dahil hindi halos magtagpo ang mga schedule nila pero gayon pa man ay naayos parin naman ito sa pamamagitan ng maayos ding usapan ..

Akala ko nga ay forever ng magiging masaya sila dahil makikita mo naman talaga kung gaano nila kamahal ang isa't isa ,at kung gaano nila pinahahalagahan ang bawat isa ,.Kaya naman ng tumawag sakin si Tinay upang sabihin ang nangyari at talaga namang nagulat ako,hindi ko kase inaasahan ang ganoon, .

Nang malaman ko nga iyon ay nabahala talaga ako para kay Tinay ,ramdam ko kase sa boses nya noong magkausap kami na sobra syang nasaktan sa nangyari ,kaya naman bilang isang matalik na kaibigan ay pinuntahan ko kaagad sya upang damayan ..

Habang magkausap kami ay halos hindi sya tumigil sa pag iyak ,ilang beses nya nga din sinabi na mahal na mahal nya ang isa ,naikwento nya din sakin ang mga pangarap nila ,kung paano sila nagsimula ,kung paano sya nadebelop dito at kung paano sya nito iniwan para lamang sa pangarap nito ..Kaya naman sa mga narinig ko ay mamuo din talagang galit sa puso ko para sa kanya ..Hindi ko kase inaasahan na magagawa nyang ipagpalit si Tinay para lamang sakanyang pangarap ..

Sa nangyaring iyon ay lalo nya lamang pinatunayan na wala syang paninindigan ,na hindi sya ang nararapat sa pagmamahal ni Tinay ,dahil wala syang kwentang tao ..Nasayang lang ang lahat ,ang pagmamahal sa kanya ni Tinay ,ang pagpaparaya ko dahil alam kong sasaya ito sa kanya pero hindi naman pala ..Hindi dahil ganoon naman pala sya ,walang paninindigan at napakairesponsable ..

Habang pinagmamamasdan ko si Tinay habang natutulog sa aking kandungan ay hindi ko maiwasang mas lalong humanga sa kanyang kagandahan ,ibang iba talaga sya,napakaamo ng mukha ,hindi nakakasawang tingnan ,pero sa kabila noon alam kong nagtatago dito ang sakit na nararamdaman nya ngayon ..

Nang lumalim na ang tulog nya ay dumating narin ang kapatid nyang si Jay ar .Nakita ko sa mga mata nito ang ilang katanungan kung bakit ako andito kaya naman sinabi ko sa kanya ang nangyari ,pero sinabi korin sakanya na wag nalang munang sabihin sa ate nya ang kanyang nalalaman at sumang ayon naman ito ..

Sinabi korin sakanya na sya muna ang bahala sa ate nya dahil kailangan kuna rin umalis ng mga oras na iyon ,may mga aasikasuhin pa kase ako at may kailangan din akong kausapin para sa bubuksan kong negosyo dito sa manila ..

Nang manggaling nga ako sa unit ni Tinay ay pinili ko munang magpunta sa isang bar ,upang makapagrekax kahit na paano ..

Habang umiinom nga ako ng beer ay may nakita akong isang imahe di kalayuan sa pwesto ko ,mukhang nagpapakalango ito sa alak dahil napakadami ng pinagbasyuhab ng alak sa harap nito ..

Nang matitigan ko syang mabuti ay nakita kong si Aomy pala ito ,at dahil nga noon ay may namuong galit sa loob ko para sakanya ,ng mga panahong iyon ay gustong gusto ko syang sugurin at gulpihin upang mabigyan sya ng leksyon para sa nagawa nyang pananakit sa damdanin ni Tinay ,sobrang nanggigigil ako sakanya ,parang halos gusto ko nga syang patayin eh ,pero hindi ko yun ginawa ..hinayaan ko nalang muna sya saka ayaw korin kaseng gumawa ng gulo sa bar ..


 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon