Chapter 45 It's Official <3

438 14 2
                                    





hello po ,pa isang chapter pa ulet bago ko ibalik si Aomy ..haha ..






Monic's POV










Naging napakabilis ng bawat araw ,at halos hindi kuna nga ito namamalayan ..Ganoon siguro talaga kapag masaya ka ,yung napakabilis ng ikot ng mundo ..Parang kahapon nga lang noong sinurpresa nya ako para sagutin pero ngayon eto at isang taon na kami ,..isang taon na puno ng kasiyahan,pag uunawaan ,lambingan,at pagmamahalan ,.Ganyan ko maisasalarawan ang aming relasyon ng babaeng napili kong mahalin mula pa noon ..


Ang makita syang masaya ,ay higit pa sa isang kayamanan para sa akin ,iyong mga ngiti nya ,ang tawa nya na halos hindi na makita ang mata,ang tinig nya na nagsisilbing musika sa aking pandinig ,ang akap at mga halik nya na hindi ko pinagsasawaan ,hindi kailanman dahil sobra ko syang mahal ,at sa pagmamahal na iyon ay nakahanda akong gawin ang lahat ,kahit imposible ,kahit mahirap ,ngumiti lang sya ayos na iyon ,mahal ko eh mahal na mahal ..


Iyon ang naramdaman ko noong ginawa ko ang sorpresa ko sa kanya noong first monthsary namin ,.Noong nilagyan ko ng mga dekorasyon ang school namin noong kami ay highshcool upang magmukha itong disney land ..Well iyon kase ang pangarap ng mahalko ,ang makapunta ng disney ,makanood ng magic ,makakita ng mga fairy tales ,kaya naman iyon ang ginawa ko ,.gusto ko kase maging ispesyal ang  first monthsary namin eh ,kaya naman talagang ginawa ko ang lahat para matupad ang matagal nya ng pangarap ,kahit sa ganoong paraan lang ..,at sinadya koring kasabwatin ang mga kaklase at kaibigan namin noong highschool para magkaroon din kami ng instant reunion ..

Worth it din lahat ng ginawa ko dahil alam kong sobrang nagustuhan nya ito,naramdaman ko kase iyon sa naging reaksyon nya ,.Lalo na sa pagsusuot ko ng costume bilang si shreck ,anyway bigla lang kaseng sumagi sa isip ko ang ideya na iyon ,haha .Siguro kase sa lahat ng fairy tale ,ang kwento ni Shreck at Fiona ang pinakagusto ko ,para kase sakin kakaiba ito ,iyong tungkol naman sa magic ay pinag aralan ko talaga ,.Mabuti na nga lang at may kakilala akong magician,si Dan na classmate din namin dati sya kase ang nagturo sakin ..Tapos yung mga props naman ay inupahan kolang sa isang kakilala korin na gumagawa ng mga back draft ,kaya naman nagmistulang disney talaga ang itsura nito ..haayyy

  Ganoon pala talaga no ,kapag mahal mo ..willing kang gawin ang lahat para sakanya ,sobrang importante sayo na mapangiti mo sya .,salamat nalang din talaga at nandyan ang aking pamilya at mga kaibigan na palaging nakasuporta sakin ,kailanman ay hindi rin sila nagsawang tumulong sakin ,hindi lamang doon kundi sa maraming bagay ..

Matapos ang araw na iyon mas lalo pang tumatag ang aming relasyon ,araw araw ko sakanyang pinaramdam kung gaano ko sya kamahal ,iginalang ko sya ,inalagaan at nirespeto ,ganoon naman kapag mahal mo eh,gagawin mo ang lahat wag lang syang mawala ..

Hanggang sa lumipas pa ulet ang mga araw at buwan na nanantili nga kaming matatag ,masaya at puno ng pagmamahal ,sa mga araw na iyon mas lalo kong nasiguro sa sarili ko na sya na nga talaga ,na wala nakong iba pang pipiliing mahalin kundi sya lang ,kaya naman sa pagsapit ng aming unang anibersaryo ay nakapagdesisyon nako ,at talaga namang pinaghandaan ko ito ..

Kinausap ko sila mama at papa tungkol sa plano ko ,kinausap kudin ang kanyang mga magulang para hingin ang basbas nila at ibinigay nga nila ito sa akin ..

"malaki naman ang tiwala namin sayo eh ,kaya naniniwala akong hindi mo sasaktan ang anak namin ,saad ni Tita Celly ..

" basta ,propose palang ha ,wala munang kasal ,bata pa ang anak namin ,.dagdag naman ni Tito Art ..

"opo tito/tita ..makakaasa po kayo ,mamahalin at aalagaan ko po sya ,saka hindi naman po ako nagmamadali eh ,ang gusto kulang po ilevel up ang relasyon namin ,iyong hindi lang kami basta magkasintahan ,magalang kong sagot ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon