Magandang hapon readers ..summer na kaya mas painitin pa natin ang mga kaganapan .hihi
Well ito naman kase talaga ang naisip kong plot ng story ng makakita ako ng picture ni Tina at Zee .hehe
Anyway .sina Aomy at Monic po ang nasa media .paano nga ba silang naging magkaibigan ..sabay sabay nating alamin ;))
Monic's POV
Iyong mga ngiti nya na ngayon kulang nakita na mas lalo pang nakadagdag nang kagandahan sakanya ..Yung masayang aura na nakikita ko sakanya ngayon dahil sa isang taong alam kong labis na nakapagbibigay sakanya nang inspirasyon ngayon ,masaya akong nakikitang maganda na ang takbo nang buhay nya ngayon ,.Malayong malayo na sa dati ,kaya masasabi kong malayo na nga ang kanyang narating at masaya ako para sa kanya , Masaya akong unti unti na nyang naiiahon sa hirap ang pamilya nya ,Nang babaeng matagal kunang pinapangarap at inaasam na mapasaakin ,ang babaeng minahal ko at patuloy na minamahal kahit na wala namang posibilidad na masuklian nya ito ,.Ilang beses na nga ba akong nagtapat sakanya ??hindi kuna ata mabilang ..Ngunit katumbas din nang bilang noon ang sagot nya na kailanman ay hindi sya papatol sa kagaya ko ,ngunit tingnan mo ngayon ,eto sya nagmahal nang isang kagaya ko ,masakit isipin na iyong mga ngiting nakikita ko ngayon sakanya ay hindi ako ang dahilan ,kundi ang matalik kong kaibigan na nakabihag nang puso nya na kay tagal kunang ninanais ..
Sino nga ba namang mag aakala na magtatagpo ang landas nila nang kaibigan ko ,kung sabagay siguro nga tama ang sinasabi nila na maliit lang ang mundo ,at sa liit nga nito ay may mga taong pinagtatagpo nang hindi natin inaasahan ..
Habang nakikita ko silang masaya ,pakiramdam koy nadudurog ang puso ko ,alam nyo yung para kang walang kwenta ,iyong nareject ka ,.Naisip kolang kase na maari naman pala syang magkagusto sa kagaya ko ,pero bakit hindi pa sa akin ??at mas masakit pa noong sinabi nya sakin na hindi sya magkakagusto sakin ,pero ngayon mukhang masaya naman sya sa pinili nya ..
Matagal na kaming magkaibigan ni Raom ,oh Aomy nga sa ilan , magkababata kami noon ,halos sabay lumaki ,bukod kase sa magbestfriend kami ay kinakapatid korin sya kaya naman marami narin akong nalalaman tungkol sa kanyang pagkatao,pero gayon pa man alam ko naman na marami naring nagbago ,mula nga sa itsura nya noon na payat ,maliit at mukhang lampa ,ngayon kase ang laki narin talaga nang pinagbago nya at malayo na nga rin ang narating ..
Naalala ko noon ,hindi nya naman talaga gustong maging artista ,iyan kase ang reklamo nya sakin noon ,pero dahil galing nga sya sa angkan nang mga artista ay napilitan sya ,at tingnan mo nga naman ngayon mukhang masaya sya sa karera nya ..
Sa totoo nyan ,alam ko naman talaga ang tungkol sa pagsabak nya sa showbiz eh ,syempre mga bata palang kami nakukuha na sya sa mga commercial ,.Isa nga rin iyon sa dahilan kung bakit nagkahiwalay ang landas namin ,.Nanatili na kase sya sa manila at doon na nga sila nanirahan kasama ang pamilya nya ..
Kung hindi kupa nababanggit ay pareho kaming lumaki sa Quezon ni Aomy ,taga doon kase ang lolo nya .Madalas syang nandoon dati ,duon din sya nag aral noong elementary ,pero dahil nga nakuha sya noon para maging commercial model ay sa manila na sya nanirahan kasama ang parent nya ,tuwing bakasyon nalang sya pumupunta nang Quezon kaya hindi narin kami halos nakakapaglaro noon ..
Pero nang mawala naman sya ay mayroon akong isang naging kalaro ,si Roxie ..nagkakasundo kami sa maraming bagay ,para bang pakiramdam ko ay sya ang naging kapalit ni Raom. Tuwing magkasama kami noon ay halos hindi kami napapagod sa paglalaro sa buong maghapon ,hanggang sa unti unti nga akong makaramdam nang kakaibang damdamin sa aking puso ,doon ko nga napagtanto na naiiba pala ako ,na kahit babae ako ay may puso pala akong lalaki,naramdaman ko nalang kase noon nagkakagusto na pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
عاطفيةhello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...