Chapter 8 Ang Unang Pagkikita ...

1.3K 35 3
                                    





hello readers ,..another chapter ho ulet ito para sa inyo ,well alam ko excited na kayo kung paano sila magkikita kaya sana naman ay magustuhan nyo ,hihi ..

anyway si Britney ho ang nasa media ,sya ang bff ni Tinay ;)))..


sya ituloy na natin ;))









Tinay's POV











Mabilis na lumipas ang panahon ,pagkatapos nang undas,pasko at bagong taon na masaya naman naming naidaos ay kabikabila parin ang mga pagsubok ngunit ito ay nalagpasan naman namin dahil sa pagtutulungan ,.Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa palengke habang nag aaral at natapos ko nga ang highschool,si Jay Ar naman ay hardinero parin sa tito ni Monic ,habang sila inay at itay ay nakahanap din naman ulet nang pangkabuhayan ,.Natulungan kase kami ni kapitana na makapagpatayo nang maliit na tindahan kaya naman mayroon din kaming pinagkakakitaan ,.

Sa paraang iyon ay natutugunan din namin ang therapy ni Yna ,dahil nagiging sapat naman ang aming mga kinikita kung ito'y pagsasamasamahin ,kaya naman sobra talaga ang aking pasasalamat sa mga taong walang sawang tumutulong sa amin .Dahil kase sa kanila at sa aming panalangin ay unti unti narin nagiging maayos ang kalagayan nang kapatid ko ..

Hanggang sa ilang buwan pa nga ulet ang lumipas at ngayon nga ay malapit na ang kafiestahan sa aming lungsod ,kaya naman sobrang excited na ang lahat ,.Nasanay kase kami na tuwing sasapit ang kapistahan ay sari saring mga palabas at palaro ang aming nasasaksihan ..May mga kung anu anong pacontest katulad nang pansit kanin festival kung saan may iba't ibang mga may ari nang karinderya ang nakikilahok ,pasarapan sila nang luto at kanya kanyang istili kung paano nila magagawang katakam takam ang kanilang putahe ..

Tinawag iyong pansit kanin festival dahil iyon ang isa sa sikat na pagkain dito sa amin ,sa pagkakaalam ko kase ay bihira ang tinatawag na ganito sa ibang lugar ,yung sa amin kase ay pangkaraniwan nalang na pagkain nang mga tao dito samin ,kumbaga nakasanayan na ,bali kanin sya na may pansit sa ibabaw at may topings na ulam ,giniling,menudo ,tinumis oh kaya kilawin ,depende kung ano gusto mo ..

Kagaya nga nang sinabi ko ay isa yan sa pinagmamalaki namin ,kaya naman naisipan nang aming mahal na mayor na isama iyan sa aming kapistahan ,.Isa rin sa ginaganap namin ay ang street dancing ,kung saan may mga highschool student na nagpapakita nang kanya kanya nilang galing pagdating sa pagsayaw ,para syang kagaya din nang sa ibang lugar ,.Layunin nito na maipakita sa lahat ang ipinagmamalaki nang aming lugar ,bukod kase sa pansit kanin ay sa amin din nanggagaling ang ani nang palay kaya naman ito ang props na ginagamit sa street dancing ..

Ipinapakita nang bawat kalahok ang paraan kung paano nga ba ang pagtatanim at pag aani nang palayaw sa paraan nang pagsasayaw ,isa rin iyan sa talaga namang inaabangan tuwing kapistahan ,at isa pa ay kasali din ang aming school sa nasabing patimpalak ,at isa nga rin ako sa mga nasali para dumalo sa contest ,kami nang bestfriend kong si Britney ..Ilang linggo din naming pinraktis ang aming sayaw at talaga namang nakakapagod ito ,pero gayun paman ay gagawin namin ang lahat para manalo ..Bukas na kase ang contest kaya naman medyo kinakabahan na ang aming grupo kahit pa handa na ang lahat pati ang mga props na gagamitin ..

"okay guys ,tapos na ang praktis natin ,natutuwa ako dahil nagiging maganda na ang performance nyo ,sobrang perfect na nga eh ,kaya salamat dahil nakikita ko na talaga namang nagpupursige kayo para maganda ang kakalabasan nang performance nyo para bukas ..at alam ko mananalo ulet tayo ngayon dahil magagaling kayo ..wika ni Maam Gelene ,sya kase ang nagtuturo samin para sa street dancing bukas ..at tama naman sya ,halos taon taon kase ay ang school namin ang nananalo kaya naman may legacy din kaming iniingatan ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon