Chapter 32 Ang Pagkatao ni Monic

638 18 4
                                    



ayun may naisip nanaman ako na pwedeng maging twist nang story ,kaya naman hindi kuna ito patatagalin ,itatype kuna hihi ..

pero this time pov muna ulet ni Monic ha ,antabay muna tayo sa kwento nang ating mga bida ..

anyway sana magustuhan nyo po ;))









Monic's POV




Habang tinitingnan ko kung gaano kasaya sila Tinay at Aomy kanina ay mas lalo akong nakakaramdam nang sakit ,para akong kandila na unti unting natutunaw ,sa totoo lang alam ko naman sa sarili ko na wala ako sa lugar para maramdaman ang lahat nang ito eh ,hindi ako dapat nagseselos,nasasaktan at naiinis kapag nakikita ko kung gaano sila kasweet sa isa't isa ,pero hindi ko mapigilan ang damdamin ko ,mabuti na nga lang kahit paano ay nakikisama ang mga luha ko at hindi ito tumulo habang nakikita ko sila ..

Kase naman eh,bakit nga ba ako nagkakaganito ,bakit ang sakit sakit ..Akala ko dati okay na ..tanggap kunang kaibigan lang ako ,siguro kase sinabi nya sa akin noon na hindi sya magkakagusto sa kagaya ko ,inakala ko na baka nga gusto nyang magkaroon nang normal na buhay ,magmahal nang tunay na lalaki ,makasal ang magkaanak ,kagaya nang pangarap nang ibang mga babae ..Naintindihan ko yun eh ,kaya natanggap kong hanggang doon nga lang talaga ..

Pero sa totoo nyan ,nang malaman kong nagkakadebelopan na sila ni Aomy ay nakaramdam talaga ako nang inggit ,at nang malaman kong sila na pakiramdam ko siguro hindi talaga ako kasagot sagot siguro kase hindi ako kagaya ni Aomy ,hindi sikat simpleng tao lang naman kase ako ,walang maipagmamalaki ,walang talent ,ni wala nga akong perpektong pamilya na maihaharap sakanya eh ..

Si mama lang kase ang meron ako ,mula pagkabata ay sya na ang nagtaguyod sakin ,iyong ama ko ..hindi ko nakilala kailanman ,siguro nakita ko sya pero baka hindi kuna sya maalala ..Kaya noon pa man tanggap ko namang hindi talaga kumpleto ang pagkatao ko ,.siguro nga nakatadhana din talaga na kailanman ay hindi ako magkakaroon nang perpektong pagkatao ,dahil nga maraming kulang ..

Subalit kahit naman lumaki akong walang ama ,kailanman ay hindi ko naramdamang may kulang ,dahil hindi nagkulang sakin si mama ,.Ginawa nya ang lahat para mabigyan ako nang magandang buhay ,.Nagsumikap sya ,naghanap buhay at kumayod nang husto para lang magkaroon kami nang mga bagay na mayroon kami ngayon ..

Sa totoo nyan malaki ang naging hirap ni mama para mabigyan ako nang magandang buhay ,.Noong dalawang taon kase ako ay nag abroad sya ,namasukan sya noon bilang domestic helper sa dubai ,labag man sa loob nya ay kinailangan nya akong iwan kila tito kaya naman sa kanila ako lumaki ..Pero matapos ang limang taon ay umuwi na si mama nang pilipinas ,.

Masinop si mama sa pera kaya naman nakaipon sya ,at magmula nga nang umuwi sya ay hindi na nya ulet pinangarap mag abroad ,mahirap daw kase doon ,sobra syang nangulila sakin ,at isa pa naiisip nya daw na lumalaki nako ,kaya naman mas gusto nya nalang daw manatili sa tabi ko habang lumalaki ako ,at doon nga sya nagsimulang magnegosyo gamit ang kaunting pera na naipon nya ..

Kung ano ano ang mga ininebenta ni mama noon ,mga damit ,pabango ,lotion,sabon at kung ano ano pa ,bali buy and sell sya ..Hanggang sa makapagpatayo kami nang sarili naming pwesto sa palengke ,sinubukan nya ring magtinda nang mga bulaklak at kandila ,depende kung ano ang alam nyang mabili hanggang sa unti unti nya ngang napaunlad iyon at ngayon nga ay isa na kami sa may pinakamalaking pwesto sa palengke ..,Dumami na kase ang mga suki namin kaya naman kasabay nang paglago nito ay ang pagkakaroon din namin nang mas magandang buhay ..

Kaya naman sobra talaga akong humahanga kay mama ,dahil kahit nag iisa sya ay naitaguyod nya ako ..Bukod pa doon ay napakamatulungin nya sa kapwa ,naalala ko nga doon kung paano nya tinutulungan ang mga kaibigan nya ,kaya siguro iyon din ang namana ko sakanya ,iyong pagtulong ko noon kila Tinay kahit na walang hinihinging kapalit ,iyon naman kase talaga ang mahalaga diba ,dapat kapag magbibigay ka huwag kang aasa nang anumang kapalit nito , .Kaya siguro lahat nang pagmamahal na ibinigay ko noon kay Tinay ay hindi rin ako umasa nang kapalit ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon