Chapter 55 Ang Kambal ;))

514 17 1
                                    

eto na ang hinihintay nyo ,hihi ..anyway sana ay maabot ko ang expectations nyo ,.

well ituloy na po natin ;))




Monic's POV








Tatlong buwan narin pala mula ng ako ay mapunta dito sa ospital dahil dinapuan ako ng sakit na hindi ordinaryo...Akala ko kase noong una ay wala lang iyon ,isang ordinaryong sakit lang ng katawan dala ng matinding pagod sa trabaho ..Mula kase ng maipatayo ko ang flower shop ay dito ko inilaan ang bawat oras ko dahil gusto kong mapaunlad ito ,gusto ko kaseng matupad ang mga pangarap ko ..Ang pangarap kong umasenso.sa sarili kong pamamaraan ,makapagpatayo ng sarili kong bahay kung saan ko ititira si Tinay ang babaeng pinakamamahal ko ..

Gusto ko kase maging karapat dapat ako sakanya ,iyong mabigyan ko sya ng maayos at kumportableng buhay kapag dumating na iyong tamang panahon para saming dalawa ,..Iyong panahon kung kailan parehas na kaming handang harapin ang panibagong yugto sa buhay namin bilang mag asawa ..Iyon kase ang pangarap ko ngayon eh ,ang makasal sakanya ,ang makasal sa babaeng napakatagal kunang pinapangarap at ngayon nga ay naging abot kamay kuna sya ..basbas nalang ng diyos ang kulang ..

Kaya naman ginawa ko ang lahat ,nagsumikap ako ..ginugol ko ang bawat pagod ko sa pagtatrabaho at napagtagumpayan ko nga ito dahil nakapagpatayo pako ng dalawa pang panibagong branch ,.Sobra din akong nagpapasalamat sa aking mga butihing magulang dahil palagi silang nandyan ,nakasuporta sakin sa lahat ng oras ,nakahandang umantabay ano man ang mga plano ko sa buhay. .

Hanggang sa paglipas nga ng panahon ay unti unti kong nakakamit ang inaasam kong tagumpay ,ng lumaki kase ang aking negosyo ay nakapag ipon narin ako ng pwedw kong magamit upang maipatayo ko ang bahay na pinapangarap ko para matiran namin ni Tinay ,.Akala ko magiging madali nalang ang lahat pero hindi pala ,hindi pala lahat ng akala mo ay pwedeng mangyari ..

Bigla nalang kaseng dumating ang oras na bumagsak ang katawan ko ,ang inakala kong ordinaryong isang ordinaryong pananakit lamang ng katawan ko ay delikado na pala ,.isang delikadong sakit na pala ito na maari kong ikamatay kung hindi agad naagapan .

Noong una pinaniwala ako ni mama at papa na lagnat lang ito dala ng matinding pagod ,pero nakahalata nako eh ,dahil mukhang napapadalas ang pagtuturok sakin ng gamot na hindi ko talaga nagugustuhan mula pa noong umpisa ,.Ako kase yung tipo ng tao na takot uminum ng gamot eh ,takot sa karayom ,takot.sa dextros ,nakita ko kase noon si lolo kung paano sya kinabitan ng kung ano anong aparato sa katawan noong inatake sya ,kaya mula noon natakot nako ,.ayaw kong maranasan ang ganoon ,ang hirap eh ..saka parang ang sakit hindi ko kakayanin ,.kaya siguro lumaki din ako na takot sa gamot at sa sakit ..

Kaya nga noong panahong kailangan akong turukan ng gamot ay para akong batang takot na takot ,pakiramdam ko kase noon ay paulit kong nakikita ang mukha ni lolo habang nahihirapan kaya naman sobra akong natatakot ..Ilang beses ding naganap iyon ,ilang beses akong ininjectionan ng mga doctor sa hindi ko malamang dahilan kung bakit ..

Hanggang sa ipinagtapat na nga sakin nila mama ang totoo ,na may cancer ako ..at nasa stage three na ito ..noong una nahirapan akong tanggapin ,.ang sakit kase eh ,.ang hirap ,ang dami kong tanong ..Bakit ako ??bakit kailangan ko iyong pagdaanan ??at bakit cancer pa talaga ??hindi ba nakakamatay iyon ??iyan ang pauulit ulit na tanong ko sa sarili ko ,at dahil din sa isiping iyon ay halos panghinaan nako ng loob at mawalan narin ako ng pag asa na gagaling pako ..

Pakiramdam ko kailanman ay hindi na matutupad ang mga pangarap ko ,kailanman ay hindi kuna makakasama ng matagal ang aking mahal ,dahil pakiramdam ko'y bilang na ang mga oras ko dito sa ibabaw ng lupa ..Sa bagay na iyon halos sisihin ko ang diyos dahil pakiramdam ko ay pinapabayaan nya ako ,at ayaw nya akong maging masaya ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon