Chapter 50 Ang Ama ay Ama ..

474 14 2
                                    





  hello readers ,eto na ulet ako agad agad ,kase auko na magpatumpik tumpik pa hihi :))

ohh sya ituloy na naten ...






Arnold's POV










Halos tweenty fives narin pala mula noon ,mula ng mangyari ang isang kasinungalingan na pinili kong gawin upang hindi magdamdam ang asawa ko.  .Wala akong ibang maisip na paraan noong mga oras na iyon ,masakit din kase para sakin ang sinapit ng anak namin ..Ang anak naming babae na napakatagal naming hinintay ..Kahit sa panaginip ay hindi ko inasahang ganoon ang mangyayari ,na kukuhanin sya agad sa amin ..Sa mismong harap kupa ,.ang sakit ..sobra ..hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong makarga ang bata ,hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang unang ngiti nito oh marinig ang unang iyak nito ..

  Ilang minuto kase matapos itong isilang ay nawalan ito ng hininga dahilan para sya ay masawi sa napakamurang edad ..Noong mga panahong iyon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ,ang hirap ehh ..Syempre anak ko iyon ,galing sa dugo at laman ko ,tapos bigla nalang syang mawawala sa isang iglap at ang masakit wala akong nagawa , hindi ko nailigtas ang anak ko ..napakawalang kwenta kong ama ..

Ano nalang ang mararamdaman ng asawa ko kapag nalaman nya ang nangyari ??tiyak kong hindi nya ito matatanggap ..dahil kahit na sinong magulang ay hindi kakayaning mawalan ng isang anak ..Lalo pa at alam na alam kong kay tagal pinangarap ng asawa ko na magkaroon ng anak na babae ,natupad nga ito pero agad din namang nawala ,kaya siguradong hindi nya ito matatanggap ..masasaktan din sya kagaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon ..


"anak ,tahan na ..wala na tayong magagawa ,sabihin nalang natin kay Amy ang nangyari ,..mahinahong saad ni papa ,ama ni Amy ..

" pero papa ,masasaktan ang asawa ko ,ayaw kong mangyari iyon ..kasalan ko ito ehh ,kasalanan ko lahat ..wala akong nagawa ..wala akong kwentang ama ..humahagulgol kong saad ..

"anak tahan na ,kailangan nating tanggapin ang nangari ,siguo kase hindi sya para satin kaya kinuha sya agad. .umiiyak narin nyang saad ..

" pero bakit ??hindi bako mabuting ama kaya sya kinuha agad ??bakit hindi nya man lang hinayaang makasama ko ang bata ??umiiyak ko paring saad ..

"anak tama na ,kailangan magpakatatag ka ,para sa inyo ng asawa mo ,masasaktan sya kapag nalaman nya ang nangyari kaya dapat magpakita ka ng lakas ng loob sakanya ,pagpapakalma nya ..

" hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya papa ,natatakot ako ..ayaw kong makitang nasasaktan ang asawa ko ,malungkot ko paring saad. .

"you need to anak ,.ang isipin mo nalang nasa pangangalaga na ng diyos yung baby nyo ..pagpapakalma nya parin ..

" bakit papa ,hindi ba namin makakayanang alagaan ang bata ??kaya sya kinuha iyon agad ??tanong ko ..

"anak hindi ganoon iyon ,wag kang mag isip ng ganyan ..puntahan muna ang asawa mo ,ako na ang bahala sa labi ng anak nyo ..mas kailangan ka ng asawa mo ngayon ..saad pa nya at umalis na upang punatahan ang bangkay ng anak namin ..


Samantala ng pabalik nako sa room ng asawa ko ay may nakasalubong akog nurse samay parking area ng ospital ..Nakita kong mayroon syang hawak na bata kaya naman hindi ko mapigilang lumapit dito dahil parang may kung anong bagay ang nag uudyok sakin na lapitan sila ..

" ahh magandang hapon po ,bakit nandito yang bata sa labas eh hapon na ??curious kong tanong ..

"ahh kase ano ..nauutal nyang sagot ,.pakiramdam ko parang kinakabahan ang nurse ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon