Chapter 15 Namumuong Damdamin <3

1K 24 2
                                    

hello readers ..natagalan nanaman bago ako nakaupdate ,pasensya na ho busy talaga ee ..

pero sana magustuhan nyo ang pambawi ko ;))

at ou nga pala si Jonas Escaño ang nasa media ,at sa chapter na ito ay sya muna ang bida anu ho ..

hindi pa kase handang mang asar si Aomy ee haha chosss !!!

sya ituloy na ho natin ;))

Jonas POV


Sobrang ganda nya talaga ,unang kita ko palang sakanya alam kona na gusto ko sya ,na sya ang babaeng matagal kunang hinihintay ..Halos lahat kase nang katangian na hinahanap ko sa isang babae ay nasa kanya na ..Bukod sa napakaganda ay sobrang bait pa ,simple lang at wala pang arte sa katawan kaya naman masasabi ko na sya na talaga ang babaeng gusto ko ,.Iyong pwede kong maging asawa at maging nang aking mga magiging anak sa tamang panahon ..

Aminado ako sa sarili ko na may pagkapilyo din ako ,may mga pagkakataon kase na nakakagawa ako nang mga kalokohan ,bilang artista ay madalas din madawit ang pangalan ko sa ibang mga artistang babae . May mga nakakadate ako at nagiging kasintahan ,kilala din ako nang iba bilang playboy ,.Pero syempre magaling din naman akong mag ingat ,dahil ayaw ko namang masira ang aking pangalan ,lalo pa at marami ang naniniwala sa kakayahan ko ..Hindi man kase sa pagmamayabang pero isa rin kase ako sa mga hinahangaang aktor sa makabagong henerasyon ngayon ..

May mga napatunayan narin kase ako ,nakakuha narin ako nang iba't ibang mga karangalan sa mga ginagawa kong mga pelikula ,.Karamihan sa mga ginagawa kong pelikula ay mga independent films ,.Para kase sakin ay masasabing magaling ang isang artista kapag nakakagawa sya nang isang pelikula na maaring maipagmalaki ,.Hindi dahil marami ang nanuod oh tumangkilik nito ,kundi dahil maganda ang kalidad nito at maari pang maipagmalaki hanggang sa ibang bansa.

Anyway mabalik tayo sa babaeng nagpapasaya sakin ngayon ,.Iba kase talaga ang naidulot nya sakin nun ehh ,.Alam nyo yung mas lalo kang nainspire na magtrabaho dahil sa kanya ..Iyong halos ayaw kunang tumingin or mainvolve sa ibang mga babae ,dahil gusto kunang magfocus sakanya ..Iyon nga lang may problema ,kase hindi ko masabi sakanya yung nararamdaman ko ,natotorpe kase ako ..Ou nakakahiya kase sanay ako na ako ang nilalapitan nang babae pero mula nang makita ko sya ,.May kakaibang spark nakong naramdaman ..

Nakita ko sya nuon sa bahay nang bestfriend kong si Aomy kung saan nagtatrabaho sya bilang kusinera ,hanggang sa maging personal assistant sya ni Aomy kaya madalas kuna syang makita sa set kapag may taping si Aomy ,.Sa totoo lang minsan talagang sinasadya kong dumalaw sa set para lang makita sya ,yung ala naman talaga akong kailangan basta bigla nalang ako bibisita sa set para makiya sya .

Naalala kupa nga nang magtagpo ang landas namin sa starbucks ,hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas nang loob para lumapit sakanya pero kakaibang saya at kaba talaga ang naramdaman ko nang araw na iyon ,.Mabuti nga at pinaunlakan nya rin ako na ,kaya naman habang nasa biyahe kami ay halos nahirapan ako huminga ,.Pero mabuti nalang at nacontrol ko ang sarili ..hihi

Nang makita ko kung paano sya itrato ni Aomy ay nakaramdam talaga ako nang galit noon sa best friend ko ,kung hindi ko siguro sya kaibigan baka kung ano na ang nagawa ko sakanya ..Pero gaya nga nang sinabi ko ,marunong naman akong makapagpigil at kumontrol nang sarili kong emosyon kaya hindi ko nagawang pagbuhatan nang kamao ang kaibigan ko ,.Ang tanging nagawa kolang ay ang pagsabihan sya ,yun nga lang hindi ko alam kung nakinig nga ba sya ..Pero sa palagay ko ay hindi ,kilala ko kase si Aomy at alam ko ang tumatakbo sa isip nun ,masyado syang isip bata ,iyong hindi titigil hanggat hindi nya nababawian ang isa ..hayyssss


Hanggang sa ilang araw din ang lumipas matapos ang kanilang naging bangayan sa set at mula noon ay talagang nag iwasan na ang dalawa ,umalis na kase si Tinay bilang assistant ni Aomy at ang huli naman ay hindi narin halos umuuwi sa bahay nila ,.Tuloy nawalan din ako nang pagkakataon para muling makita ang babaeng nagpapasaya sakin ,alam nyo yung gusto ko sana syang dalawin sa bahay nila Aomy kaso nauunahan ako nang takot ,hiya at kaba ..hayy ganun ba talaga kapag alam mo sa sarili mo na totoo ang nararamdaman mo ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon