Chapter 11 Ang Biro nang Kapalaran ...

1K 30 1
                                    








   hello po sa lahat nang patuloy na nagbabasa at bumoboto sa aking akda..maraming salamat po ,..kayo ang inspirasyon ko para makapag update ..

  and syempre ,thankyou din sa number one supporter ko.,..hmm mahal salamat sa pagpapalakas nang loob ko ,sana wag kang magsawa kahit minsan mas pabebe pako sayo ,hehe ..iloveyou po happy 7th monthsary ..muaahhh

ohh sya tama at baka kiligin pa sya ,haha ituloy na natin ;))))

ay nga pala ,..si Cassy yung nasa media ganda noh isa rin sya sa crush ko ee..hihi :))

  sya ito na talaga ...







   Aomy's POV




   Matapos magviral nang video nang pagsampal sakin nang babaeng mataray nayun ay talaga namang naging maugong ang aking pangalan sa social media ,sari sari nga kaseng komento ang maglabasan ,may mga negatibo at positibong pananaw ang naging opinyon nang mga netizens ,.Ako naman ay nanatili na lamang tahimik dahil alam ko naman na magsasawa din sila ,saka nangyari nayun eh wala nako magagawa ,sa kabilang banda kase medyo tanggap kodin naman yung kamalian ko dahil nga hindi naman talaga dapat ako basta basta nanghalik lalo pa at taga hanga yun anu nalang ang iisipin sakin nang iba diba ..

   Pero sa kabilang side naman nang isip ko ay may halo padin akong inis sa  babaeng iyon dahil sya palang ang nakasampal sakin sa harapan pa mismo nang aking mga taga hanga ,iyon kase talaga ang mahirap tanggapin eh ,kase yung eksena sana iyon sa pelikula ay ayos lang eh ang kaso hindi eh ,ni hindi ko nga sya kilala  isa lang naman sya sa mga taga hanga ko tapos sasampalin nya ako ,samantalang yung ibang fans nga nagkakandarapa para lang mahalikan ko kahit sa pisngi lang tapos sya ganoon ,..haaayyyy !!!

   Ahh ,ewan basta magkaiba ang sinasabi nang isip ko ,.may side na naiinis ako sakanya at may side naman na guilty ako ..ang gulo diba ..hayysss bahala na ..sana lang talaga ay huwag magbiro ang tadhana at bigla kaming pagtagpuin dahil nako ewan ko nalang kung anung magagawa ko ..Kase kahit naman guilty ako sa nagawa ko ay ilang araw din kayang pinagpiyestahan nang mga tao ang video nang pagsampal nya sakin ,at dahil pa doon ay inaasar ako nang mga kaibigan ko ..

   Ang sabi nang iba nakahanap daw ako nang katapat ko sa babaeng iyon ,may nagsasabi pa na baka daw badbreath ako kaya sinampal ako kase nga hindi nagustuhan yung halik ko ..Pero meron din namang naunawaan ako at sinasabing may mga fans daw talaga na mapanakit kaya sa susunod ay mag iingat nalang ako ...siguro nga ganoon nalang talaga ang gagawin ko sa susunod ...

Hanggang sa lumipas pa nga ang ilang buwan at unti unti ring nawala ang isyu tungkol sa video na yun ,pero ganoon naman talaga eh ,pinag uusapan lang ang isang isyu kapag sariwa pa ito ,kung anu ano kaseng mga pambabatikos ang gimagawa nila ,pero kapag may panibago nanamang lumabas na isyu iyon naman ang papalit at iyong mga nakaraang usapin ay bigla na lamang mawawala dahil natabunan na ito nang bagong isyu na pinag uusapan ..

  Kaya nga siguro nauso ang word na trending eh ,dahil sa mga usapin na talaga namang pinag uusapan nang mga taong mahilig makisawsaw ..hayyy Sabagay nasa mundo ako nang showbiz eh ,kaya wala talaga akong choice kundi mapansin nila kapag may kinasangkutang isyu ..

  Pero kagaya nga nang sinabi ko ,ngayon ay tuluyan nang nalimutan nang mga tao ang tungkol sa video ,syempre may mga bago nanamang isyu ang naglabasan na alam ko namang mawawala din kapag may bago namaman ,.Ganoon naman eh kahit sa gamit kapag bago pa gustong gusto mo ,pero kapag kumupas na ito halos ayaw muna gamitin ..Hayyyy ...

   "bruu ..nakilala muna ba iyong bago nating taga luto ??biglang tanong sakin ni Cassy ang bunso kong kapatid ,bruu kase ang nakasanayan nyang tawag sakin kaysa naman daw ate baka maawkward lang ako ..haha sabagay ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon