Hello readers kamusta na ??
buwan na pala ng mga puso kaya uso nanaman ang mga corni hihi ..anyways sensya na ho kung natagalan ulet ang update ,kahirap kase talagang dugtungan nito ei haha ..
pero sana sa chapter na ito makatawid ako and sana magustuhan nyo :))
cge ituloy na po natin ..
Aomy's POV
Hanggang ngayon ay sariwa parin talaga sa aking alaala ang naganap noong araw na iyon ,ang araw kung kailan tuluyang naglaho ang aking mga pangarap ,ang lahat ng mga masasaya at matatamis na mga araw naming pimagsaluhan ,ang araw kung kailan biglaang nawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko ,bagay na hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga lubusang matanggap ..
Tila isang masamang panaginip na hindi ko inaasahang magaganap ,ang pangyayaring hindi ko naman talaga ginusto,pangyayaring akala koy hindi na muling mauulit ,pero sabi nga sa isang kasabihan .."history repeat itself"at tama nga masakit man tanggapin na naulit muli ang pangyayaring ako ay naiwanang muli ay kailangan ko itong tanggapin ,kahit pa sa puso at isipan ko ay hindi ku ito matatanggap kailanman ..
Handa nako eh ,iyon na iyong araw na matagal kong pinaghandaan at pinagplanuhan ,ang araw na aayain kuna sya upang maging legal sa mata ng diyos at mga tao ang aming pagmamahalan ,.Magpopropose na sana ako sakanya nang araw na iyon ,kung saan ilang buwan kudin iyong pinaghandaan ,.
Ngunit tila yata napakalupit nang tadhana dahil hindi ito nakisama sa akin ,bagkus ay nagdulot ito nang isang insidenteng hindi ko makakalimutan ..Hindi ko alam kung kakatwa ba talagang isipin na ang pagkamatay nang dalawang babaeng minahal ko ay magiging pareho ..
Katulad nang nangyari kay Roxie nuon ay ito rin ang sinapit nang mahal ko ,nang babaeng muli kong pinag alayan nang buong pagmamahal ko ,at buong tapang pinag alayan nang puso ko kahit pa natatakot ako dahil nasaktan nako nuon ..
Nuong araw na maaksidente ang sinasakyan naming kotse pakiramdam ko ay namatay narin ako ,para bang isang malaking kalokohan ang nagaganap dahil ito rin ang sinapit nuon ni Roxie ,mas masakit lang talaga para sakin ang pinagkaiba nila ay andoon ako ,kasama ko si Tinay nang mangyari ang aksidente ,iba sa nangyari kay Roxie noon dahil hindi naman kami magkasama noon ,.Pero matagal kong sinisi ang sarili ko noon sa pagkawala ni Roxie dahil ,kung hindi ko sana sya pinilit na puntahan ako ay hindi sana sya nawala ..
Ngunit ang nangyari naman kay Tinay ay mas dobleng sakit ang dulot sa akin dahil kahit magkasama kami noon ay wala akong nagawa ,bakit sakanya pa kailangang mangyari iyon ,bakit sya ang kailangang mawala ..yan ang bagay na paulit ulit dumudurog sa puso ko ,ang katotohanang wala akong silbi dahil hindi ko naprotektahan ang mahal ko ..
Marami ang magtatanong sa akin kung ano nga ba talaga ang totong nangyari pero mas pinili ko nalang manahimik ,hindi para pagtakpan ang katotohanang hindi ko naprotektahan ang mahalko kundi dahil hindi ko talaga kayang ilahad sa lahat kung ano ba talaga ang nangari , Siguro nga kasalanan ko ,makasarili ako,wala akong nagawa kaya maraming mga negatibong nasasabi sakin nang mga tao kasabay nang unti unti kong pagpapabaya sa sarili ko ,pero anumang masasakit na salitang sabihin nila ay baliwala lahat nang iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon dahil sa pagkawala nang mahal ko ..
Andito ulet ako ngayon sa isang pribadong resort at katulad nga nang nakagawian ay muli ko nanamang dinidiligan nang alak ang aking puso ,siguro nga dahil iniisip ko na ito lang ang aking paraan upang makalimot kahit paano ..Mabuti na nga lang at wala na ang kaibigan ko na paulit ulit nangungulit sakin upang itigil kuna ang ginagawa ko ..Pero siguro nga nagsawa narin sya umalis narin sya dito ,mas lalo ko tuloy naisip na wala na talagng kayang magtiyaga sakin ,kaya kailangan kong tanggapin ang katotohanan na nag iisa na talaga ako .
BINABASA MO ANG
MAID for Each Other ( A Lesbian Story )
Romancehello readers ,..another TIAOM story po ito kaya sana ay magustuhan nyo ,.. well bukod sa may nagrequest kase na gumawa ulet ako nang story na sila ang bida ay naging adik din sa kanila ang number one supporter ko ,kaya naman para sa kanya at sa i...