Chapter 58 The ONE <3

551 16 3
                                    




ayun eto na ulet ako ,ipupush kuna ng bongga at malapit na itong matapos hehe ..











Tinay's POV












Mula ng makalabas si Monic mula sa ospital ay naging maayos na ang lahay ,.Bumuti na kase ang pakiramdam nya at bumalik narin sa dati ang kanyang pangangatawan ,nagkaroon na ulet ito ng laman hindi kagaya nung magkasakit sya na talagang malaki ang ipinayat nya ,hindi narin sya maputla ngayon at lumago narin ulet ang buhok nya ,in short bumalik na ang dati nyang itsura gwapo na ulet ;)) .Sabagay kahit ano naman ang maging itsura nya ay mamahalin ko parin sya at walang magbabago doon kahit ano pa ang mangyari ,kahit pa nga ngayon ay may mga napapansin akong mga pagbabago sakanya ,sa ugali nya ..para kaseng lately ay naging mainitin ang ulo nya ,well inuunawa ko nalang naman sya sa bagay na iyon ,naisip ko kase na kaya sya nagkakaganoon ay marahil dahil sa nalaman nya ..

Noong malaman nya kase na kambal sila ni Aomy ay parang nagbago ang timpla nya ,samantalang nung unang malaman nyang may kakambal sya ay sobrang excited syang malaman at makilala kung sino ito ,alam ko yun kitang kita ko kase sa mga mata nya na gusto nya ng makilala ang kapatid nya ,kaya nga mas lalo pa syang nainspire na magpalakas eh dahil doon .,Noon kase ay gustong gusto nya na talagang makalabas ng ospital at ang una nya ngang gustong gawin ay hanapin ang kapatid nya ,ang kakambal nya ,makabonding ito at bumuo sila ng masasayang ala ala na hindi nila nagawa noon ,dahil nga pinaglayo sila ng kapalaan ..

Nung araw na magpunta si Aomy sa room nya sa ospital ay ikinagulat ko ito ,hindi ko kase inaasahang pupunta sya ,pero naisip ko na siguro gusto nya lang din dalawin si Monic ,kahit naman kase paano ay magkaibigan parin sila ..Medyo nakaramdam nga lang ako noon ng pagkadismaya kase parang hindi nya ako nakita ,hindi nya man lang kase ako binati ,.Kung sabagay ,sino nga na naman ako diba ??saka alam ko naman na nung mga panahong iyon ay hindi naman talaga ako ang ipinunta nya sa ospital kaya hindi dapat ako makaramdam ng inis ..haayyy

Pero ewan koba ,kung bakit ganoon ang inisip ko nung mga panahong iyon ,bakit inasahan kong kakausapin nya ako ..Siguro kase nag expect ako na magsosorry sya sa mga nagawa nya ,pero hindi nya kase iyon ginawa eh ,para bang bali wala nalang sakanya iyong lahat ..Iyong may isang linggo na sya mahigit dito sa pilipinas pero hindi nya man lang ako kinakausap ..haayysss nakakainis talaga sya ..

Pero sa kabilang banda naman ay sinasabi ng isip ko na dapat tanggapin kong ganoon nalang at wala na kaming dapat pag usapan ,dahil tapos na kami at may mga kanya kanyang buhay na kami ngayon na dapat harapin ..

Samantala ,matapos ang ilang minutong pag uusap nila Aomy at Monic sa loob ay napansin kong napakalungkot ng mukha ni Aomy ,umiiyak nga sya eh ,sa hindi ko malaman na dahilan ..Pero nakita kong nilapitan sya ni ninang Pacita at inakap ng mahigpit pero ng mga panahong iyon ay gulong gulo parin ako ..Hanggang sa marinig ko ang sinabi ni ninang kay Aomy na ikinagulat ko ..

"wag kang mag alala anak ,pasasaan pa at matatanggap nya ring magkapatid kayo ,basta wag ka panghinaan ng loob ,dinig kong sabi ni ninang at inakap nya ng mahigpit si Aomy ..

Noong mga panahong iyon ay gulong gulo ako ,hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari wala kase akong ideya ,hanggang sa ..

" magkapatid sila ,si Aomy ang kakambal ni Monic ,maski nga ako ay hindi makapaniwala noong una eh ,kaya pala noon pa ay malapit na ang loob ko kay Aomy dahil anak ko pala sya ,mahinahong saad ni ninong Delfin ..

"po ??pero papaano nangyari iyon ??takang tanong ko .

" napaghiwalay sila noon ,dahil naging malubha kalagayan ng isa sa kanila ,hanggang sa nakausap ng kinilalang lolo ni Aomy ang lolo ni Monic ,nag alok ito ng tulong pero si Aomy ang kapalit ,alam mo naman siguro na ampon lang sya hindi ba ,paliwanag nya ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon