Chapter 40 Ang Pagbangon

521 18 2
                                    

  hello readers ,salamat po ulet dahil naka 5.1k reads na ang story ko ,nakakatuwa naman hihi ..

tapos mukang may mga tumaas ang kilay at nainis sa naging desisyon ni Aomy ahh. ang tanga nya kase ehh .haha

anyway ituloy nalang ulet natin :)

Tinay's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubusang matanggap sa sarili ko ang sinapit ng relasyon namin ng natatanging tomboy na minahal ko at pinagkatiwalaan ko ng buong buo. Kahit kailan hindi ako nag alinlangang mahalin sya at tanggapin kahit na hindi naman sya tunay na lalaki ,.Noong una aaminin ko ou ayaw ko sya ,hindi kase kami magkasundo ng mga panahong iyon at isa pa wala naman talaga syang ginawa noon kundi buwisitin ang araw ko ,pero sino nga ba naman ang mag aakala na mahuhulog ako sakanya ,na mamahalin ko sya ng sobra sobra ,ng halos higit pa sa buhay ko ..

Napakarami naman kase talagang dahilan eh para mahalin ko ang kagaya nya ,pero ngayon ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng poot at sakit dahil sa iniwan nyang sugat sa akin na hindi ko alam kung magagamot paba ..

Nang gabing iyon ay sobrang saya kupa naman sana dahil makakasama ko sya matapos ang ilang araw na pagiging busy namin sa kanya kanya naming career ,bukod pa doon ay excited din akong makakwentuhan sya kagaya ng dati ,iyong akala ko na mag oovernyt sya sa unit ko ,maaakap ko sya magdamag pero hindi naman pala ,dahil ang araw na iyon ay isang napakasakit na pangyayari para sakin ,dahil nga tuluyan na syang bumitaw sakin ,hindi na nya tinupad ang pangako sya na hindi nya ako sasaktan kailanman ..

Ang sakit sobra ,iyong bibitawan ka nya dahil lamang sa napakababaw nyang dahilan , .kung tutuusin handa naman akong unawain sya eh ,kagaya ng pag unawa nya sakin ,.Ganoon naman talaga dapat sa love diba ?kailangan inuunawa nyo ang bawat isa ,para mas tumagal kayo ..Pero tila yata sadyang mas mahalaga lang talaga sakanya iyong bagay na sinasabi nyang pangarap nya kaysa sa relasyong mayroon kami ..

Naisip ko tuloy na siguro nga hindi talaga ako ang priority nya ,kase kung tutuusin marami namang ibang paraan eh ,hindi namin kailangang humantong sa ganito ,pero wala nakong magagawa ,bumitaw na sya ,magmakaawa man ako mukhang sarado na ang isip nya ,.Ganoon naman sya eh kung ano ang pasya nya yun na iyon ,hindi na mababago ,palagi kong napupuna iyan sakanya noon ,sa mahigit isang taon na relasyon namin ,may pagkakataon na para padin talaga syang bata ,may pagkasellfish ..haayyyy

Noong araw na iniwan nya ako dito sa unit ko hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sakit na dinulot nya sa akin ,hindi ko kase matanggap eh ang hirap ..Kung bakit ba kase nagkaroon pa sya ng offer na ganoon ,kung bakit din ba kase bigla nyang nalaman na ampon sya ayan tuloy pati ako nilayuan nya .Sana lang talaga tama ang pinili nya ,ngayon kase kahit na mahal ko sya mas nangingibabaw parin iyong sama ng loob ko sakanya ,dahil ang dali nyang sumuko sa relasyon namin ,hindi nya man lang ako binigyan ng chance na makatulong sakanya ,palaging sarili nya nalang ang iniisip nya ..

Habang umiiyak ako ng mga panahong iyon ay nakatanggap ako ng tawag sa isang kaibigan ,.ayaw ko sana itong sagutin pero alam kong kailangan kudin ng kausap ng mga panahong iyon kaya naman kinausap ko nalang sya para may mahingahan din ako ng sama ng loob ,.

*flashback

"hello ,humihikbi kong sagot sa tawag ..

" Tinay ,are you okay ??umiiyak kaba ??nag aalala nyang tanong ..

"i'm not okay ,umiiyak ko paring sagot ..

" bakit anong nangyari ?tanong nya ..

"she's breaking up with me ,Monic ang sakit sakit bakit naman sya ganoon ??kaiwan iwan bako ??may mali ba sakin ?bat kailangan nyang unahin ang ibang gusto nyang gawin kaysa sakin umiiyak kong salaysay ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon