Chapter 7 Ang Mga Payo ni kuya

1.1K 27 3
                                    



   hello po ..another update ho ulet para sa mga masugid na sumusuporta sa aking akda ..

   sa totoo lang nasa point ako ngayon  na medyo nahihirapan ako umisip nang mga pwede pang mangyari ehh haha pero sana ho ay magustuhan nyo ang aking nakayanan ..

  eneweiiss si kuya Erick ho ang nasa media..








   Aomy's POV








  Hanggang ngayon ay paulit ulit paring tumatatak sa aking isipan ang mga sinabi sakin ni kuya noong nakaraang gabi ,..Kaya naman napag isip isip korin na siguro nga ay tama sya ,marahil nga ay panahon na para magbago ako nang pananaw ,..ohh mas tamang ibalik kuna yung dating ako ,yung totoong ako na matino ,at hindi gumagawa nang bagay na ikinagagalit ni daddy at nagiging dahilan pa nang madalas naming pagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan ..

   Ilang panahon narin naman kase ang lumipas mula nang maganap ang isang bagay na naging dahilan kung bakit bigla na lamang akong nagbago nang paunti unti ,nahilig akong uminum ,gumimik ,gumala at maglustay nang pera lalo na kapag libre ang aking oras at walang mga taping at guesting ..

   Dahil din sa mga gawain kong iyon ay si kuya ang palaging kumakausap sa akin ,paulit ulit nya akong pinapayuhan at pinapaalala nya din kung ano ba ako dati ..Sa mata naman kase nang aking mga taga hanga ay hindi nila batid ang aking mga pagbabago ,.Nakikita naman kase nila na ganoon parin ako ,makulit masayahin ,at astig dahil iyon ang pinapakita ko sa harap nang camera ,pero sa likod nito ay nagtatago ang isang artistang black sheep kung iturin nang aking ama dahil sa iba't ibang gulong kinakasangkutan ko ,.Hindi iyon nalalaman nang mga tao dahil bukod naman kase sa sikat ang aking mga magulang ay maimpluwensya din sila ..Kaya naman kayang kaya nilang itago sa media ang mga kalikohan ko ,.

   Sariwang sariwa parin sa akin ang lahat nang nangari may tatlong taon na ang nakakalipas ,..Kung hindi sana naganap iyon ay hindi rin sana ako nagkaganito.,kung natuto sana akong nakinig hindi sana sya nawala ,..Hindi sana ako nagdurusa ngayon sa kasalanang ako naman talaga ang may gawa ..

  Mula rin nang maganap iyon ay natuto nako sa mga bagay na kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na gagawin ko ,sapagkat may mga pangako ako sa kanya ,dahil noon palagi nya akong pinagsasabihan na umiwas sa mga masasamang gawain ,lahat naman iyon ay sinusnod ko dahil sa sobrang pagmamahal at pagpapahalaga ko sakanya ,.Subalit sa isang iglap lamang ay bigla syang kinuha ,sana asa tabi nya ako noon ,sana nabantayan ko sya ,sana andito pa sya ngayon ..napakadaming sana ..na kailanman ay hindi na mangyayari dahil nga wala na sya ..

   Sa isipin kong iyon ay hindi ko napigipan ang pagpatak nang luha sa aking mata ,muli nanaman kaseng sumariwa sa aking alaala ang naganap noong araw na iyon ,..Hanggang ngayon ang sakit sakit parin ,tatlong taon na pero parang kahapon lang ang lahat ,.Ang pangyayari kung saan gumuho ang mga pangarap naming dalawa ,ang dahilan kung bakit alak ang naging katuwang ko para makalimot ,ang dahilan din kung bakit kung sinu sinong babae ang sinasamahan ko ,.Iyon kase ang ginamit kong paraan para mapagtakpan ang sakit ,minsan kase pakiramdam ko kapag may babae akong kaulayaw pakiramdam ko ay sya iyon,hanggang sa magigising nalang ako sa katotohanang wala na sya at hindi na kailanman babalik pa ..

   Tinungga ko ang natitirang alak sa boteng hawak ko ,habang nakamasid ako sa kanyang larawan ,ang larawan nang babaeng sobra kong minahal mula pa sa pagkabata namin ,.Hanggang sa patuloy parin sa pagdaloy malayang ang luha sa aking mga mata ,naramdaman ko na lamang na may nagbukas nang pinto sa aking silid at natanawan kong si kuya Erick pala ito ..

   "umiinum ka nanaman ,dika man lang nag aaya ,wika nya habang papalapit sakin pagkatapos magbukas nang beer ,mayroon kase akong stock nito sa may mini ref ko dito sa kwarto ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon