Chapter 3 Ang Pamilya Magbanwa

2K 44 2
                                    

   hello again readers ,. nadagdagan naba nagbabasa nito ??hmmm

  anyway another chapter ho ulet habang ginaganahan pako magtype ,.mas maganda pala talaga kung direkta kunang itatype kaysa yung isinusulat kupa ,yun nga lang kailangan tuloy tuloy din ang pag iisip ko nang mga mangyayari ,saka dapat mas maging malawak ang imahinasyon ko ..hayysss

  salamat pala sa bumoto at boboto palang nang story ko,pati narin sa nag add nito sa eeading list nila..sana po nagustuhan nyo ang mga update ko at mga susunod pa ..

  sya ituloy na ulet natin ,parent ho pala ni Tinay yung nasa media ;)))




    Tinay's POV








  Lastweek na nang October ngayon kaya naman sembreak na namin ,pero gayon pa man ay sobrang nakakastress ang mga nagdaang araw ,katatapos lang din kase nang second periodical examinations namin at talaga naman medyo nahirapan din ako sa mga aralin ,.well hindi naman kase ako ganoon katalino ,hindi ako yung tipong halos kalevel na ni Einstein sa dami nang nalalaman ..Kagaya lang din naman ako nang pangkaraniwan ,yung sakto lang ..madaling makaunawa nang aralin at hindi rin bumabagsak at kahit paano naman ay natatop din ako sa klase ,yun nga lang nasa section two kase ako ..Bali tatlo kase ang section kada year level sa amin ,hindi naman kase ganoon kalaki ang school namin ,saka public lang din sya ,medyo may kalayuan din ito sa bahay dahil dalawang barangay pa ang dadaanan mo bago mo ito marating ,.Mabuti nalang kahit paano ay nakakapasok parin naman ako sa araw araw ..

   Kagaya nga nang sabi ko may pangarap kase ako at gusto kong makatapos kaya naman nagsasakripisyo ako para makapasok sa iskwela ,pumasok ako bilang dishwasher sa canteen nang school para lang matustusan ang pangbaon ko at pambili ang mga project ,.Kahit naman kase may trabaho sila nanay at tatay ay sapat lang din naman iyon para sa pangkain namin sa araw araw at pang aral nang mga kapatid ko ..

   Mabuti na lang din kahit paano ay nakatutulong samin si Jay Ar ,mas pinili nya kaseng rumaket nalang nang kung anu anong pwedeng pagkakitaan ,minsan nakikipasada sya nang trisikel sa kumapare  ni tatay oh kaya naman nakikilaro nang basketball ,nakikipagpustahan sya ,oh kaya naman nakikisabong, iyon nga din ang pinagtatalunan namin minsan kase baka malulong sya sa sugal ,.Pero may tiwala naman ako sa kapatid ko,alam ko naman na hindi sya gagawa nang bagay na ikapapahamak nya ..Hindi rin naman kase kami nagkukulang nang paalala sa kanya lalo na si nanay na palagi syang sinesermunan ..

  Iyong mga sumunod kuna man kapatid ay wala din akong masasabi ,dahil mabubuting bata naman sila ,lalo na si Isay ..sobrang talino nya ehh ,dinaig pako madalas nga syang mailaban sa mga quiz bee at madalas syang manalo ,kaya naman sobrang natutuwa sakanya yung mga titser nila ,kaya madalas sila na ang nagpiprisintang bumili nang mga gamit si Isay sa iskwela bagay na ikinatutuwa naman nila nanay dahil makakabawas nang gastusin,.Pagdating nya nga nang highschool ay mayroon naring nagsasabi na pag aaralin daw sya basta ipagpatuloy nya lang lahat nang mga achievements nya ,.at naniniwala naman akong kayang kaya iyon ni Isay eh doon nga ako bilib sakanya ehh ,..

   Si Yna naman ay maayos din ang grade sa skwela ,hindi sya kaseng galing ni Isay pero malawak din naman ang pang unawa nya kahit paano ,duon nga ako bilib sakanya eh ,napakamatured kase mag isip ,lalo na kapag kausap ko sya ,may mga sinasabi sya na parang hindi maiisip nang isang ordinaryong bata ,yun nga lang hindi sya kaseng sigla nang iba ,may pagkasakitin kase si Yna ,halos madalas namin syang ipagamot dahil sa hika nya ,mahina kase ang kanyang resistensya at minsan pa pati yung puso nya ay naapektuhan ,..Gusto namin syang ipatingin sa dalubhasa ngunit wala naman kaming sapat na pera ,.Lalo pa ngayon mahina nadaw ang kita sa patahian sabi ni inay ,.Bibihira na kase ang nagpapatahi dahil mas gusto nang iba na bumili nalang nang mga gawa na ..Yung ginagawa namang bahay nila tatay ay malapit naring matapos kaya naman baka mawalan na ulet sya nang trabaho ..Medyo nababahala tuloy ako ,pero hindi naman ako nawawalan nang pag asa ,alam ko naman na makakaahon din kami balang araw ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon