Chapter 56 Awkward :))

521 15 3
                                    

ayunn eto na yunn hihi. .
pero pov muna ni Aomy ,saka na natin alamin ang saloobin ni Tinay para suspence haha ;))








Aomy's POV





  Hindi parin talaga ako makapaniwala sa aking mga natuklasan tungkol saking tunay na pagkatao , .Sino nga ba naman mag aakala diba ??na ang tunay kong nanay na nawalay sakin ng napakahabang panahon ay matagal kuna palang nakilala ,mula pa noong ako'y musmos pa lamang ..Ito pala ang kinilala kong ninang mula ng ako'y bata pa ..

  Matapos ko kaseng mabasa ang liham ni lolo Sebio ay nabigyang linaw sakin ang lahat ,ang buong katotohanan sa aking pagkatao na itinago sakin ng matagal na panahon ,.Nang mabasa ko ang nakasaad dito ay nalaman korin na mayroon pala akong kakambal at ito ng ay walang iba kundi ang kababata at matalik kong kaibigan na si Monic ..

Noong malaman kong kapatid ko sya ay magkahalong emosyon ang aking naramdaman ,una ay masaya dahil sa wakas ay maari kuna syang makasama ,dahil may buo nakong pamilya ,dahil sya pala ang tunay kong kapatid ang taong nakasama kuna mula pa sa pagkabata , pero sa kabilang banda ay may bahid parin ng kalungkutan ,dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan kami ng tadhana ,dahil sa lahat nalang ng bagay ay mukhang nakatadhanang maging magkahati kami ..

Ngayon naunawaan kona kung bakit noon palang ay sobrang magkasundo na kami ,yung magkaparehas sa maraming bagay ,parehas ng likaw ng bituka eka nga ,.Akala ko noon magkataon lang iyon ,nagkataon lang na parehas kaming lumaking pusong lalaki ,nagkataon lang na parehas kaming mahilig sa adobo at sinigang ,nagkataon lang na parehas kaming nagkagusto noon kay Roxie at ito nga ang naging dahilan kung bakit kami naging tomboy na pareho ,at huling pagkakataon inakala kong nagkataon lang ding nagmahal kami ng iisang babae ..Pero ang lahat pala ng iyan ay hindi nagkataon lang ,dahil marahil ay itinakda talaga ng tadhana ang lahat ,dahil sa katotohanang kambal kami parehas sa maraming bagay ,parang iisang tao nga kung iisipin mo pero gayon pa man alam ko mayroon parin kaming pinagkaiba kahit paano ..

Ganoon pala no ,kapag nalaman mong may kakambal ka ..masaya ,masarap sa pakiramdam ..naiisip mo na mga bata palang kayo ay iisa na ang sinapupunan na pinagmulan nyo ,iisa ang taong nagluwal sa inyo ,iisa ang pusod na nagdudugong sa inyo iyon nga lang hindi kayo lumaking magkasama dahil itinakda ng tadhana na kayo ay magkalayo .

Naisip ko na ang dami palang nasayang na panahon ,ang daming pangyayari na sanay magkasama naming ginawa at natuklasan ,.Kahit naman kase naging magkaibigan kami ni Monic noon ay iba parin yung lumaki kami sa piling ng isa't isa ,iyong alam talaga naming magkapatid kami .Siguro kung lumaki kaming magkasama at nalaman naming kambal kami ay hindi nangyari ito ,hindi sana kami nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil lamang sa isang babae. 

Noong araw na pinuntahan ko sya sa kwarto nya sa ospital ay inasahan kong magiging mainit ang pagtanggap nya sakin bilang kakambal nya ,inakala ko na magiging masaya sya dahil magkapatid kami ,at makakalimutan nya na ang lahat ng namagitan sa amin noon ,.Yung galit nya sakin nung hindi ko tinupad yung pangako ko sakanya na hindi ko sasaktan at iiwan si Tinay ,pero ginawa ko ..Iniwan ko ito dahil mas pinili ko ang pangarap ko laban sakanya ..Kaya siguro gayon na lamang ang galit sakin ni Monic dahil sa nagawa ko at naunawaan ko naman sya sa bagay na iyon ,naawa din kase ako kay mama eh ,yung itsura nya kase noong nagkausap kami after ng nangyari ..

"anak ,pagpapasensyahan mo nalang sana si Monic ,siguro nabigla lang sya at hindi nya inaasahan ang mga pangyayari ,malungkot nyang saad ..

" naunawaan ku po sya ,hindi kase ako tumpad noon sa pangako ko sakanya kaya sya nagkakaganoon ngayon ,kaya sya galit sakin ..sagot ko ..

"salamat sa pang unawa mo anak ,sana mahintay mo yung pagkakataon na maging maayos ang lahat at matanggap kana nya ,mahinahon nyang saad. .

" ou naman po ,ang tagal ko ngang hinintay ang pagkakataong ito eh ,na makilala kayo ..ngayon paba ako susuko ,saad ko naman ..

 MAID for Each Other ( A Lesbian Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon